Chapter 1

28 1 8
                                    

CHAPTER O1 .

[Colleen]

D-day. Ngayon, ang intrams at hindi ko maiwasang kabahan dahil ang kalaban namin ay ang Mighty Eagles na galing sa Davidson University. Ewan ko ba kung bakit gano'n ang pangalan ng team nila. Siguro napanood nila yung angry birds. Tutal mukha naman silang mga galit na ibon kapag naglalaro. Pangalawang beses na namin silang nakalaro. Tie lang kami. Parehas magagaling at halatang bihasa sa larong football.


I'm Yumi Colleen Yu. Ang Team Captain. Puro lalaki ang ka teammates ko dahil wala namang interesado sa mga babae na maglaro nito. Ka team ko din ang apat kong magaling na Kuya. Hindi nila matanggap na ako 'yung napiling Team Captain. Oh well, sorry my pangit na brothers! :p


Actually kada may laro kami, naiistress si Coach kasi lima kaming "Yu" na may nakalagay sa jersey namin.


"Yu 1" si Kuya Yohann.
"Yu 2" si Kuya Uno
"Yu 3" si Kuya Yoj
"Yu 4" si Kuya Yuki
"Yu 5 " naman ako.


Kaya minsan, pag may naka-goal sa'min, hindi alam ng commentator kung sinong Yu ang tinutukoy. Nag-stretching na lang ako para hindi nila mahalata na kinakabahan ako.


"Ano Captain?" napalingon ako sa nagsalita sa likod. Si Kuya Uno lang pala. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Ano Captain? Anong sasagot ko don?


"What?" nagtataka kong tugon. Ginulo-gulo niya lang ang buhok ko sabay akbay sa'kin.


"Kinakabahan ka noh? Bakit? May crush ka ba sa Mighty Eagles? Ha?" winiggle niya pa ang kaniyang kilay. Tss. Excuse me, bakit ako magkakagusto sa mga angry birds.


"Stop it. Game is game." tinawanan niya lang ako at iniwan. I looked at my right side. Nakapabilog ang Mighty Eagle at mukhang kinakausap sila ng Coach. Speaking of Coach, asan na ba kasi si Coach Cenon?!


"Hey," tawag ko kay Kevin. Tumigil ito sa pakikipag-usap kay Kieffer at nilingon ako.


"Yes Cap?"


"Where's Coach? The game will start in 20 minutes." Lumingon-lingon ito sa paligid upang hanapin si Coach. Napakamot ito ng ulo ng hindi niya ito mahagilap.


"Hindi ko alam Cap, eh. Kanina kasi andito lang siya at kausap ang Coach ng Mighty Eagles." Tinignan ko ang wall clock. 19 minutes left before the game starts. My gosh! Lumapit ako kina Kuya na ngayon ay humaharot sa mga schoolmates namin na nasa bleachers.


"Hey!" ngunit hindi nila ako narinig at nagpatuloy lang sa pakikipag-usap. I'm getting pissed! Inuuna pa nila itong paghaharot! Hindi ba sila aware na wala pa si Coach Cenon at hindi niya pa kami nasasabihan kung anong technique ang gagawin namin upang lampasuhin iyang mga angry birds. Every time na may laro kami, laging may bagong technique si Coach kung pa'no namin matatalo ang kalaban.


"16 minutes left, are you guys ready?!" sigaw ng mc na katabi ko. Naghiyawan naman ang mga students. Napatingin ako kina kuya na hanggang ngayon ay humaharot parin. Napalingon ako sa emcee. Isang nakakalokong ngiti ang kumurba sa aking labi.


Hinablot ko ang mic sa kaniya, na siya namang ikinagulat niya.


"W-what?"


Soar High, CaptainWhere stories live. Discover now