Masakit kasi makita na yung Taong gusto mo may kasamang iba.

Nag suggest si Jane na umalis nalang kami, kaya nag simula na kaming mag lakad patungo palabas ng School. Habang naglalakad ay nakita ko sila Axel, Kiara at jerome na naglalakad rin. Siguro pa punta sila sa clinic. Huminto ako sa paglalakad at tinitignan lang sila habang naglalakad sila, habang nakatingin ako ay biglang lumiko si Axel pero Nag tago kaagad ako. Shit napansin kaya niya ako. Pag tingin ko ulit ay wala na sila, hayssss mabuti naman. Sana maging okay ka lang Axel. Kahit sinaktan mo ako, ayoko parin makita kang nasasaktan. Nagsiuwian na kami ng mga kaibigan ko.

~ ~ ~

Pag gising ko ay naging normal ulit ang routine at Hinatid na ako ni Timothy sa school. nag paalam na ako kay Timothy at tumungo na sa Room, pag dating ko ay nag kwentuhan kaagad kami ni Sam at Jane hangang dumating ang Teacher. Naging normal mga klase namin at ngayon ay lunch na, kaya pumunta na kami ng cafeteria pag dating ay bumili na kami ng pagkain ay umupo na kami. Habang naka upo ako ay napansin ko na merong bandaid yung kaliwang pisngi ni Axel, siguro dahil sa tama ng bola kahapon. Masaya itong nakikipag kwentuhan sa mga kaibigan at nakikipag harutan rin kay Kiara. Medyo nalungkot ako pero dapat ko itong tangapin, kagaya nga ng Sabi niya noon "siya ang gusto ko hindi ikaw." Hindi ko nalang sila pinansin at nag tuloy sa pag kakain.

Pagkalipas ng ilang saglit ay dumating na si Timothy na May kasamang lalake na Halos ka same height lang niya, parang coffee brown yung mata, maganda ang build ng katawan at maayos ang itsura. Himala nag ka kaibigan tong si Ugok ah. Umupo narin sila at kaming tatlo nila Sam at Jane ay nakatingin lang sa kaibigan ni Timothy. Halatang medyo nahihiya yung kaibigan niya kasi nakatitig lang kaming tatlo sakanya at walang nagsasalita. Nung napansin ni Timothy ito ay.

"Ayyy oo nga pala, ah Girls Ito nga pala si Harrison classmate ko rin." Sabi ni Timothy. Isa isa naman kaming nakipag Kamayan sakanya.

"Elaine"

"Harrison"

"Sam"

"Harrison

"Ja-jaja-Jane." Utal na Sabi ni Jane. Mukhang May tinatago si Jane ah Heheheheh himala nag ka crush to ah.

"Harrison." Sabi nito. Hindi naman bumitaw si Jane, at siguro halos isang minuto na nakatingin lang sila sa isat isa habang nakahawak parin ang kamay.

"Ehemmm" pagputol  ni Sam. Napa bitaw naman yung dalawa at nag ilangan ng tingin, tumawa naman kaming tatlo nila Sam at Timothy at pumula naman tong dalawang Tinatawanan namin. Dumadamoves na tong si Jane ah HAHAHHA. Medyo kasing nerd tong si Jane mahilig mag aral, tahimik, pero maganda siya Sa totoo lang. Hindi rin mahilig si Jane sa crush crush. Pero bat parang iba tong kay Harrison tsk tsk tsk.

"So magkaibigan kayong dalawa?" Tanong ni sam kina Timothy at Harrison.

"Ahh Oo, sa totoo lang Matagal na kaming magkakilala. Kaso nahiya lang to sumabay satin kumain noon, pero sa wakas ay napilit ko rin. Hindi ko nga alam kung bakit to nahihiya Eh?" Takang Sabi ni Timothy. Tumingin naman kami kay Harrison na namumula parin ang itsura.

"Ahhh, kwan kasi. Umm... basta nahiya lang ako sumabay sainyo." Sabi niya.

"Piling ko alam ko kung bakit." Sabi ni sam at swempre tumingin kami sakanya.

"Bakit?" Takang Tanong ko naman. Ngumisi naman Ito at tumingin kay Jane. Namula naman ng todo sina Jane at Harrison.

"Kumain na nga lang tayo." Sabi ni Jane. Nag tawanan naman kami. Nagtuloy tuloy ang kwentuhan namin at pagkain hangang oras na ng klase kaya nag Hiwalay na kami at pumunta na sa room. Natapos na ang klase at uuwi na sana kami kaso biglang dumating ang adviser namin.

"Uhhh wait lang class. Meron kasi tayong Field Trip, alam ko Medyo biglaan pero Ito yung forms oh, paki papirma nalang sa parents niyo. 2 days tong field trip bukas hangang Friday ng Hapon. Wag kayo mag alala sponsored tong field trip kaya walang bayad. Makakasama natin dito ang Stem 5." Sabi ni Miss. wait lang section nila Timothy yun ah. "So pag punta niyo bukas dito ay dapat May dala na kayong mga damit good for 2 days and 1 night. Claro?"

"Opo" sabay sabay naming Sabi, umalis na miss at nag si uwian na kami.

~ ~ ~

Nag paalam na ako kay Mama kagabi at pumayag naman Ito, nag impake narin ako ng mga esusuot ko. Para saan kaya tong field trip? Dumating na si Timothy kaya nag paalam na ako kay mama at sumakay na sasakyan ni Timothy. Nilagay naman ni Timothy ang gamit ko sa loob. Pagkalipas ng ilang minuto ay dumating na kami Sa school at nakita na namin ang mga kaklase namin Pareho, Iiwan nalang daw ni Timothy ang Sasakyan niya sa School lot kasi May guard naman at pumayag naman ang school. Pagkatapos ng mga announcemet ng ibang guro ay Tumayo si Miss at pumunta sa gitna.

"Ok Swempre alam niyo magkasama ang Stem 5 at Abm 3, dahil dito gusto namin ay Swempre mag kakilala-kilala rin kayo. Kaya ang magkakaroon ng bunutan kung saan bubunot kayo ng Number at ang mahahanap niyo na kaparehas niyong number was kabilang section ay ang Partner niyo." Nagbulong bulongan naman mga istudyante. Medyo kinakabahan ako at mamaya si Axel ang mabunot mo pero 1 in 30 chance yun, let's just hope for the best and sana si Timothy ang ka partner ko. Nagbunutan na kami at nag umpisa na mag Sama sama ang mga mag partner, nakita kong si Sam ay si Jerome ang partner ang kay Jane naman ay si Harrison, at pulang pula silang dalawa at hindi makatingin sa isat isa. Nakita ko naman si Timothy at pinakita namin ang nabunot namin. (16) ang akin pag bukas ng sakanya ay (19).

"Sayang." Sabi ni Timothy.

"Oo nga, bilis baligtarin mo yung 9 HAHAHAH." Natatawang sabi ko sakanya. Habang nag usap kami saglit ay may lumapit na babae na parehas ang number kay Timothy, kaya nag paalam na Ito sakin at sumama na dun sa babae. Hinanap ko ang kaparehas ko pero wala akong makita. Nag kumpol kumpol mga tao sa gitna, at napansin naman Ito ng Mga guro.

"Yung mga May partner na ay tumabi nga muna." Sabi ng isa sa mga guro. Nag si Alisan naman ang lahat at ako nalang naiwan sa gitna. Nakita kong nakatingin lahat sakin, pero napansin ko parang tagos ang tingin at parang May bagay or tao ang tinitignan nila sa likod ko. Kaya lumingon ako ng dahan dahan paglingon ko ay nagulat nalang ako, kasi nakita ko si Axel na nakatingin sakin na My hawak na maliit na Papel na My (16) siya ang partner kooooo...

TO BE CONTINUED...
[TSS. TSS. TSS MAPAGLARO TALAGA ANG TADHANA]
{SALAMAT PO SA 1k READS SANA AY PATULOY NIYONG SUPORTAHAN TONG STORY}
(SALAMAT PO SA PAGBABASA NG STORY KO)
VOTE
COMMENT
SHARE

I'm done chasing youWhere stories live. Discover now