Ngunit pag dilat ko ay nasa ibang lugar na ako.

Napaka ganda ng lugar na ito.

"Alam ko kung bakit ka napa rito mahal na princessa" agad akong napa lingon ng may marinig akong isang tinig sa aking likuran.

Doon ko nakita ang isang napaka gandang babae na kakaiba ang kasuotan at may mga kasama pa siya na pareha ng kaniyang suot.

Sila na ba ang sinasabi ni HM Clyde na mga gods and goddesses?

Kisha

Pinapanood ko lang sipang lahat habang naka upo ako dito sa gilid ng hall.

Napako ang tingin ko kay Nybriel at Hera. Nakaka tuwa talaga silang tignan. Mukhang nag uumpisa na sila pero naka tayo lang doon si Hera sa pwesto niya at naka pikit habang si Nybriel naman ay naka titig lang sa kaniya. Mukang alam ko na kung anong nangyayare kay Hera. Sa tingin ko'y naka harap niya na ngayon ang mga gods at goddesses na naka usap na namin nung naka raan pa.

Sa amin kasing lahat tanging si Hera nalang ang hindi pa nakaka usap sa mga ito.

Napa tingin ako sa pintuan ng hall ng mag bukas ito. Pumasok doon si HM Clyde saka tumingin sa akin.

"Mukang sa mga oras na ito ay kinakausap na niya ang mga gods and goddesses ah" sabit nito habang naka tingin sa gawi nila Hera.

Naupo naman siya sa tabi ko.

"Bat hindi ka sumali sa kanila at mag ensayo?" tanong nito sa akin.

Paano ako makakasali eh wala naman akong ka partner? Lahat sila ay may kapareha na.

"Yun lang ba? Hayaan mo pag nahanap niyo na ang Heaven power user ay pare pareho na kayong may kapareha hahahahaha" tugon nito kaya agad akong napa lingon sa kaniya.

Ang weird ni HM ha.

Muli ko nalang ibinaling ang tingin ko kila Nybriel at Hera.

Naka tayo pa din silang dalawa doon.

Habang ang iba naman naming mga kasama ay nag pasy na mag pahinga na muna at manood nalang sa mag kapatid.

Hera

Kung ganon sila nga ang mga gods and goddesses na sinasabi ni HM. Isa isa ko silang tinitigan at binilang ko na din sila.

Walo? Bakit walo sila eh pito lang naman kami?

Tinitigan ko yung isang gods dahil kakaiba ang itsura nito.

Parang may kahawig siya. San ko nga ba nakita?

"Siya ang Heaven power god" sambit ni Avyanna, ang goddess of Ice.

Nag pakilala na sila saking lahat maliban nalang sa kanina ko pa tinititigan.

"Siya si Gavril. Ang heaven power god" tugon naman ni Hestia ang goddess ng hangin.

Ahhh Gavril pala pangalan niya.

"Tsk" rinig kong sambit nito at saka nag lakad palayo sa amin.

"Hayaan mo na yun. ganun talaga yun" sambit ni Avyanna.

Tumango naman ako bilang tugon.

"Tulad nga ng sinasabi ko kanina. Alam namin kung bakit ka napa rito. Alam namin na kakailanganin niyong muli ang mga kapangyarihan namin laban sa mga taga aero." dagdag pa nito.

"Wag kang mag alala tutulong kami sa inyo" napa ngiti ako ng sabihin nito ni Hermes ang lightning god.

"Lagi lang kaming nasa tabi niyo. tawagin niyo lang kami kung kinakailangan na talaga" muling sambit ni Avyanna.

"Salamat" sagot ko sa kanila habang naka ngiti.

Nang pag dilat ko ay nasa training hall na ulit ako at kaharap ko pa din si Kuya na ngayon ay naka taas na ang isang kilay.

"Sigurado akong naka usap mo na sila kaya naman umpisahan na natin" sambit nito at saka mabilis na sumugod sa akin.

Mukang physical fight ang gagawin niya kaya naman agad akong nag handa sa pag sugod niya.

Nang maka lapit siya ay agad niya akong sinipa sa sikmura pero agad ko din itong nasalag.

Muli nanaman siyang sumugod at saka ako tinadyakan sa tagiliran kaya agad akong tumalsik. Ang sakit nun ha.

"Hindi sa lahat ng pagkaka taon maililigtas ka ng charm mo Hera. Tayo !" sigaw nito kaya agad akong tumayo at sumugod sa kaniya.

Nang maka lapit ako sa kaniya ay agad ko siyang sinuntok sa mukha dahil sa inis. pero agad din akong natauhan ng makitang nag dugo ang labi ni kuya.

"K-kuya s-sorry" sagot ko dahil nabigla ako.

Nakita ko namang nag palabas siya ng fire ball sa dalawa niyang kamay.Kaya agad akong lumayo sa kaniya. Mula sa malayo ay ibinato niya sa akin ang kaninang fire ball na hawak niya. Hindi lang isa o dalawa kundi napaka raming fire ball. Kaya naman nagta takbo ako sa buong hall.

"Bwahahahaha ano Hera tatakbo ka nalang ba?" Sinamaan ko naman ng tingin si Eros ng tumawa ito ng malakas kaya naman binato ko sya ng malaking water ball sakto sa mukha niya kaya ayun basang basa siya. Tinawanan naman siya nila Hemera.

Huminto ako sa pag takbo at saka tumitig ng masama kay kuya. seryoso na talaga siya.

Nagulat ako ng mag palabas siya ng fire dragon. Kaya naman ang ginawa ko ay inilabas ko din ang air dragon ko. Kala niya siya lang ang meron syempre di yata ako papatalo.

Nakita ko namang ngumisi si kuya.

Umpisa na talaga ng sugapaan naming mag kapatid.


------------------------

Hanggang dyan na muna hahahahahah.

Pasensya na dahil sa sobrang tagal kong nag update. Nawala kasi yung mga nasa notes ko na dapat isang bagsakan ko nalang na iaupdate. Nawala tuloy yung mga nasa isip ko na dapat ay ilalagay ko dito sa istorya kong ito.

Salamat sa pag hihintayyyy. Mahal ko kayong lahat kahit di kayo lab ng lab niyo hahhahahahahahah

-Ladyhaesoo

DA:The Lost  Princess of Diamond Kingdom Book 1&2 (ON GOING)Where stories live. Discover now