DA2: CHAPTER 10

1.1K 38 0
                                    

Hera

Pag gising ko kinabukasan ay si Kisha nalang ang naabutan ko sa kusina ng dorm namin.

"Kumusta na yung sugat mo?" tanong niya ng makita niya akong pababa ng hagdan.

"Okey naman na" sagot ko sa kaniya saka umupo sa upuan para kumain.

"Kain kana. Nauna na yung iba sa training hall nag paiwan lang ako para sabay na tayong pumunta doon" sabi niya habang nagsasandok ng pag kain.

Oo nga pala hindi pa tapos yung training namin. hays

Pag tapos naming kumain ay agad akong naligo at nag bihis ng pang training tapos ay dumiretso na kami ni Kisha sa training hall.

Pag pasok namin doon ay nag uumpisa na sila.

Nag lalaban si Khione at Eros habang si Hemera at Eris naman ang mag partner.

Nadako naman ang tingin ko kay kuya Nybriel na ngayon ay naka upo lang sa sulok ng hall habang nanonood sa apat na nag lalaban.

"Bakit ang tagal niyo naman?" tanong ni kuya ng makita niya kami ni Kisha.

"Syempre kumain pako at naligo kuya" sagot ko sa kaniya. Inirapan niya naman ako.

Nako bakla ba tong kuya ko?

"Mag handa kana dahil ako ang makaka pareh mo sa training" sabi nito saka nag lakad papuntang gitna ng hall.

Anoooooooooooo? siya ang kapareha ko? T.T

Hindi ba pwedeng si Kisha nalang o kaya sila Khione o Eros T.T huhuhu

Walang kapatid kapatid kay kuya pag training na ang usapan huhuhu.

"Tatayo ka nalang ba dyan?" Rinig kong sigaw nito sa gitna ng hall.

"Pfff. Sige na pumunta kana baka mas lalo pang magalit kuya mo" sabi ni Kisha na tumatawa habang na upo sa tabi at nanood sa ibang royalties na nag lalaban.

Nag lakad naman ako papunta sa gitna ng hall.

Anong gagawin ko ? T.T

Inaamin kong mas malakas sa akin si Kuya Nybriel dahil sila mama at papa ang nag training sa kaniya at isa pa namana niya ang charm ni papa. Ang fire. Mukang matutusta ata ako ngayon ah T.T

"Show me what you've got lil sis" pang asar na sabi nito habang naka ngisi.

Inaasar niya nanaman ako.

Agad akong nagpa labas ng maraming water ball saka ito pinag babato sa kaniya.

Puro iwas lang naman ang ginagawa ni kuya sa mga tira ko.

Sunod na ginawa ko ay agad akong nag palabas ng maraming air blades mula sa itaas ko at saka ito direktang itinira sa kaniya. Mabilis siyang gumawa ng diamond barrier upang proteksyonan siya nito.

"Paano mo maililigtas ang buong kaharian laban sa mga gustong sakupin ito kung puro ganyan lang ang ipinapakita mo" seryosong sambit niya habang diretsong naka tingin sa akin.

Agad naman akong napa isip sa sinabi ni kuya.

Kailangan ko ng mag seryoso at isa pa kailangan nga pala naming mapa labas yung mga gods at goddesses T.T

"Umayos ka Hera. Mag concentrate ka sa ginagawa mo. Isantabi mo muna ang mga iniisip mo" seryoso pading sambit nito.

Agad naman akong umaayos ng tayo at saka dahang dahang pumikit.

DA:The Lost  Princess of Diamond Kingdom Book 1&2 (ON GOING)Where stories live. Discover now