I gave him an idiotic smile. Hindi matatapos ang gabing ito nang hindi siya naliligo sa sarili niyang dugo.

"Strike, we need to bring you to the hospital. Baka maubusan ka ng dugo."

I ignored Martin's statement. I held my gun tightly while my left hand was on my waist. I aimed at Villalon.

"Magaling ka magtago sa batas, Villalon. Magaling kang magmanipula ng mga tao para makuha ang mga gusto mo. Mga bagay na kayang-kaya ko ring gawin. Ang pinagkaiba lang natin ay alam ko kung ano at sino ang kalaban ko. Kinikilala ko ang lahat ng kaibigan at kalaban ko para hindi ako maisahan katulad ng ginawa ko sa 'yo."

His jaw clenched and I've seen how his face turned darker. Only if I could kill this dumbass, I would more than satisfied. He spat another batch of blood. That was a nice view. Natutuwa akong makitang sumusuka siya ng dugo.

"Namnamin mo na ang tagumpay mo ngayon, Bustamante, dahil sinisigurado ko sa 'yo, oras na makatakas ako ay uubusin ko lahat ng lahi mo. Tama ka, masyado akong naging kampante dahil hindi kita kinilala; pero nakakasiguro ka ba? Tutal hawak mo naman ako ngayon, bakit hindi mo ipakilala ang sarili mo sa akin? Pati na rin ang babaeng ikinikubli mo sa Negros?"

I felt like the air I breathed suddenly left my lungs when he said that. I gritted my teeth in anger.

"Wala akong ibang ipapakilala sa 'yo kundi ang init ng mga bala mula sa baril ko! Kaya ikamusta mo na lang ako kay Satanas," I said before pulling the trigger.

"Aaahhh!"

I nodded at Martin, gesturing him to drag Villalon upward. I made sure I hit his major muscle in his thigh. Nang sa gano'n ay hindi na siya makalakad pa nang tuwid.

"Hayop ka, Bustamante!"

"Sa ating dalawa ikaw ang mas hayop. Kulang pa 'yan kung tutuusin. Don't you fucking dare to say her name dahil ako mismo ang maghahatid sa 'yo sa impyerno!"

"Bakit hindi mo na gawin ngayon? Duwag ka, Bustamante! Pagsisisihan mo ang ginawa mong ito sa 'kin---aaahhh! Dahil kahit hindi man kita mapatay, may magdidiin naman sa 'yo sa kulungan! Aaahhh!"

Muli kong kinalabit ang gatilyo para matamaan ang kaliwa niyang hita. I made sure the three bullets hit the same spot. The deeper, the painful.

"You wish, Villalon! You wish!"

"Putangina! Pakawalan n'yo ako! Aaahhh!"

"Dalhin n'yo na 'yan sa presinto!"

Tumalima sila at hinawakan ito sa magkabilang braso. Hindi na siya makalakad dahil duguan na ang kanyang mga hita. Napahawak ako sa aking tagiliran. I felt like I'm about to pass out. Marami nang dugo ang nawawala sa akin.

I watched my men dragging Villalon out of the room. Dito sana gagawin ang transaksyon ng droga pero naglagay siya ng mga patibong sa paligid para patayin ako at makuha ang lahat ng daa kong pera.

"Mamatay ka na!"

I fired another shot when he was about to shoot me. Tangina, ang bilis mang-agaw ng baril sa mga tauhan ko.

"Huwag kayong tatanga-tanga!" Martin yelled!

Humandusay sa lupa si Villalon. Duguan. Agad na nilapitan iyon ni Martin at kinuha ang baril. Binato ko sa kanya ang posas.

"Tangina, dapat kanina ko pa 'yan pinaposasan."

"May pulso pa siya. Pero kapag hindi pa ito nadala sa ospital, mamamatay siya." Si Martin.

My breathing hitched. "Dalhin n'yo na 'yan."

"Ako na ang magdadala sa kanya para sigurado, maiiwan ang dalawa dito para ipag-drive ka pa-ospital."

The Indecent ObsessionWhere stories live. Discover now