13

593 24 0
                                    

KAGAT ang labing binuksan ni Riddle ang pinto sa unit ni Emerben. Nananalangin na rin siyang naroroon ang binata, na sana naroroon na nga ito.

Halos dalawang linggo na siyang tila nakikipaglaro nang taguan dito. Hindi kasi niya ito matiyempuhan sa unit nito. Kahit sa opisina nito ay hindi ito pumapasok at pulos tawag at video conference ang ginagawa nito. Sinuyod na yata ang buong ka-Maynilan para mahanap ito pero matinik ang binata.

Minsan nga ay naisip niyang bumalik na ito sa ibang bansa at talagang tinaguan na siya. Kung hindi lang sinabi ng daddy nito na nasa Pilipinas pa si Emerben, hindi siya maniniwala.

At heto si Riddle ngayon, hinahanting nga ang binata. At nananalangin nga siyang makita na ito para makapag-usap na sila sa tungkol sa kasal nila.

Sasabihin na niya ang paraan niya para masunod ang gusto ng magulang nila pero nasusunod pa rin ang gusto nilang dalawa ni Emerben.

Ang balak niya ay pakakasalan siya ni Emerben para matigil na ang pangungulit ng magulang nila sa kanila, pagkatapos ng isa o dalawang taon ay magpapa-annul sila o divorce kung sa ibang bansa sila magpapaksal.

Ayaw man niya ng huling option pero iyon ang pinakamadaling paraan. Iyon ang nais ni Emerben. Ayaw nitong makasal sa kanya pero sa proposition niya baka sakaling pumayag na ito. Dahil kung hindi…

“Baka lalo ka lang siyang magalit sa akin.” Mapait niyang saad sa sarili.

Kung hindi kasi niya mapapapayag si Emerben na magpakasal sa kanya, ipupush pa rin nang ama nito ang kasal sa ayaw at ayaw ni Emerben. Magpipiyesta ang media. And Emerben had enough of that.

Oo, alam ni Riddle ang nangyari dito dati dahil nabanggit iyon ng ama ng binata. Sinabi sa kanya iyon ng matanda dahil naniniwala itong siya at siya lamang ang makakapag-ahon sa binata mula sa pagkakalugmok nito sa sakit mula sa pag-iwan ng ina nito.

Naniniwala rin si Riddle roon. Pero naniniwala rin siya na hindi lang siya ang babaeng pwedeng magmahal kay Emerben at higit pa roon, hindi lang siya ang babaeng pwedeng mahalin nito.

She swallowed the lump forming on her throat with that last thought. Hindi siya papayag na masaktan na naman ang binata sa isang iskandalo na pwede namang gawan ng paraan. Kung pakakasal sila at maghihiwalay, pwede niyang angkinin ang dahilan kung bakit sila nagkahiwalay. She’s broken already, hindi na siguro masamang masira siya tutal para naman iyon kay Emerben. Tawagin na siyang martir o kahit ano, ayaw lang niyang isipin ang sarili niya, ang maging selfish.

“Tama,” bulong niya sa sarili. AJA, Riddle. Ready set go.” Pagpapalakas pa niya sa loob pagkatapos niyang ayusin ang sarili at tuluyan ng pumasok sa loob ng unit.

Pikit ang mata niyang binuksan ang pinto dahil nanalangin pa ring siyang naroroon na ang binata. Isa sa mga lugar sa bahay kung saan bukas ang ilaw. Pero nagulat na lang siya sa bumungad sa kanya.

Pathway of candles was on the floor. Papunta iyon sa sala kung saan naroroon din ang maliit na terrace ng unit ni Emerben.

Ayaw man niyang kabahan o maexcite, pero iyon ang nararamdaman niya. Mukhang kaya nawala ng dalawang linggo si Emerben ay para paghandaan ito at sorpresahin siya.

Well, she’s surprised. Pagkatapos ng pagod niya sa paghahanap dito, ito ang ibibigay nitong reward sa kanya. Naitakip na lang niya mga kamay sa bibig upang mapigilan ang hikbi ng kaligayahan kasabay ng pagtulo ng luha ng kasiyahan sa mata niya. Nang malapit na siya sa sala ay saka naman niya narinig ang tili ng isang babae sanhi para mapatigil siya.

“Oh my god!” saad ng boses ng babae. “You’re not proposing, are you?”

Saglit na katahimikan ang nagdaan bago muling tumili ang babae. “Yes. Of course, babe. I’ll marry you. Gusto mo bukas na bukas na kaagad eh—”

Hindi na niya narinig pa ang sasabihin ng babae dahil ang sunod na niyang narinig ay ang mapusok na paghahalikan ng dalawa. She didn’t dare to peek. Tama na ang narinig niya para masaktan siya, hindi na niya kailangan pang makita upang lalong saktan ang sarili.

Mabilis na lang siyang lumabas ng unit ni Emerben. Naglakad siya sa pinakamabilis na paraan na alam niya makalayo lang roon. Pakiramdam kasi niya ay naririnig pa rin niya ang tinig ng babae, ang paghahalikan ng dalawa.

Hindi na niya napigilan ang mapahagulgol at tinungo na ang fire exit at naupo na roon. Mali pala ang akala niya. Hindi pala para sa kanya iyon. Para pala iyon sa babaeng mahal ni Emerbeb. Kaya pala nawala ito ay para paghandaan iyon, para sa babaeng mahal nito. At hindi siya ang babaeng iyon.

“Bakit ba kasi umasa ka, Riddle?” hikbi niyang kausap sa sarili. “May kandila lang, sa 'yo na kagad. W-when he made it clear that he doesn’t love you.” dahil roon ay mas lalo pang lumakas ang hikbi niya.

Nasa ganoon siyang estado ng tumunog ang telepono niya. Ang Tito Benedict niya. The second to the last person she wanted to talk to.

Bahagya niyang hinamig ang sarili bago sinagot ang telepono. “T-tito, pauuwi na po ako.” Mabilis niyang tinakpan ang bibig niya ng napahikbi siya.

Hija, what’s wrong?” may pag-aalala sa tinig nito na lalo niyang ikinaiyak.

Umiling siya na tila nakikita siya ng mga ito. “W-wala po. Pauwi n-na po ako. D-d'yan na lang po t-tayo mag-usap.”

Hindi na niya hinantay pang sumagot ito, sa halip ay binaba na niya ang telepono at nagmamadali ng nilisan ang building kung saan naiwan ang puso niya.

[Completed] Scared To DeathМесто, где живут истории. Откройте их для себя