4

677 32 0
                                    

MABILIS na napakunot ang noo ni Emerben nang mabuksan niya ang pinto ng kuwarto ni Riddle. Gigisingin sana niya ito dahil tinawagan siya ng daddy niya na umuwi sa bahay nila upang pag-usapan ang merging ng kompanya. At kung naroroon daw sa unit si Riddle ay isama na niya. Funny that he forgot that his father knew that she was there. Alam niyang paborito nito ang dalaga dahil na rin sa kakulitan nito.

Napailing siyang muling inilibot ang tingin sa kuwarto. It was the first time na nabuksan at napasok niya ang kuwartong iyon ng dalaga at hindi niya akalaing ganoon iyon kagulo.

Maayos ito sa loob ng unit niya pero ang kuwarto nito, mukhang bodega na. Punong puno iyon ng canvasses. Ang lapag na dapat ay carpet ay nababalutan ng karton na mukhang ginawang pantakip sa carpet para hindi iyon mapatakan ng pintura. Nang ilibot niya ang paningin, wala siyang makitang kama. Ang kama ay nakasandal sa isang sulok habang ang kutson ay nakalatag sa isang sulok at doon niya natagpuan ang dalaga. Slepping like a baby.

Ang mahabang buhok nito ay nakasabog sa kama habang nakahilata ang dalaga na tila hinagis na lang bigla. She looked beat, dead tired.

Nakalapit nga siya rito ng hindi ito natitinag. His fist clenched when he remembered what she told him. May nakapasok na magnanakaw doon. Paano kung napasukan nito ang dalaga ng ganoon? Paano na lang?

Mabilis niyang kinalma ang sarili sa naiisp niyang gawin sa magnanakaw na iyon pagnalaman niyang nagkaganoon nga.

Really? Would you really care? Parang tuwing tatawagan ka ng daddy mo at si Riddle ang pag-uusapan ay mabilis mong dinidismiss ang usapan.

Napabuga siya roon ng hangin. Sa kaiiwas niya sa dalaga, hindi niya alam kung gusto pang ibalita ng ama niya ang tungkol sa pangyayaring pagnanakaw sa unit niya.

Pero kung hahayaan niyang mapalapit siya sa dalaga…no, hindi pwede. I won’t be a blinded man because of love. I’m not gong to be stupid and crazy nang dahil lang sa pag-ibig.

Muli niyang naikuyom ang kamay sa isiping iyon bago ginising ang dalaga.

“What?” ungol ng dalaga sanhi para mapasinghap siya.

Alam niyang hindi siya inaakit ni Riddle pero sa ginawa nito, she was innocently seducing him. Her in her bed, with tussled hair, half asleep and with that husky, sexy voice.

Damn, Emerben. Get a hold f yourself!

“Riddle,” mas mariin niyang panggigising rito.

“Five more minutes, OJ. Promise gigising na ako.” Anang nito bago umikot patalikod sa kanya.

Doon siya natigilan. OJ? Sinong OJ iyon. Isa lang ang kilala niyang OJ. Si Oasis John Aristedes ang kaibigan niya simula pa noong high school. Mukhang kailangan nilang mag-usap dalawa.

Dahil sa isiping iyon nakalimutan na niyang gisingin ang dalaga at pabalagbag na isinara ang pinto ng kuwarto ng lumabas siya roon.

He was definitely angry at that moment.

[Completed] Scared To DeathWhere stories live. Discover now