Chapter 64 : The Beginning

Começar do início
                                    

"Alam mo Ace, ayokong mamatay ang pamangkin ko kung iisipin nating mabuti, pag pinatay natin siya at nakuha natin ang kapangyarihan niya ng hati-hati panigurado ako ang iba sa kanila ay magsasarili dahil mas lumakas sila baka kalabanin pa tayo. Alam ko na ang gagawin ko sakanila para pumayag na sila sa planong ito kaya wag ka mag-alala .At kung nakuha nga natin si Athena at ginawa nating ka-uri natin, kung makakakuha tayong dalawa ng kapangyarihan niya tiyak na magiging payapa ang Kaharian natin at walang mag aaway away isipin monalang ang dugo ni Athena na mula sa mga diyos at diyosa. Nakapalaki at napakadami niyang kapangyarihan kaya mas lalakas tayo kung magiging ka-uri natin siya at tayo ang maghahari sa buong mundo ng Mahika" napakatalino naman 'diko man lang naisip 'yon kaya napangiti ako bigla kaya natawa sakin ang Hari.

Nangangamoy tagumpay Ace, magaling magtatagumpay ka din.

Kristine's POV

Napakadumi at napakabaho ng selda nila pagpasok palang. Pinasok nila ako sa isang selda katabi ng selda ng dalawang babaeng nakahiga at mukhang mga tulog. Sino kaya 'yon? Hindi ko makita ang mukha dahil nakatalikod sila sakinbat medyo malayo layo ang kulungan nila.

"Oh ayan d'yan ka, nababagay ka d'yan dirty bitch!" Binato ako ni Barbie ng iniinom niyang juice.

"Tandaan mo, mamamatay ka din Barbie!  Si Athena na bahala sayo at alam kong gumagawa siya ng paraan!" Sigaw ko sakanya at inirapan niya lang ako saka umalis.

Napatingin ako sa suot ko at balat ko. Puro pasa at dugo at sobrang lagket kona. Nakakaines!

Nakakadena yung dalawang kamay ko di ko magamit yung kapangyarihan ko.

Nakakaiyak......

Sobrang sakit ng katawan ko dahil sa pambubugbog nila sa'kin. At si Ace nakita ko 'di man lang siya naawa sa'kin. Ang sakit tuluyan ng sumanib si Ace sa mga kalaban. Hindi kaya siya nakokonsensya?

"K-kristine?! Ikaw nga Kristine!" Napatingin ako sa tumawa sa kabilang selda at nagulat ako nandoon si Stacey at si Tita.

Ba't sila nandito?!

"Anong nangyari sainyo Tita? Stacey?! Sinaktan ba nila kayo?!" Sabi ko at napaiyak ako kasi katulad ko sobeang dumi nila at may mga sugat. Kita kong nanghihina sila.

Nakita ko nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Tita at parang naiiyak siya kaya mas lalo akong  naluha don.

"N-nandito a-ako dahil trinaydor ko k-kayo" sabi ni Stacey na nakayuko na lamang ngayon.

Trinaydor?

" Clone lang yung Stacey na kasama niyo matagal na. Nagpapalit-palit kami minsan pag 'di ako pinabalik ni Drack. Pero linggo na din simula nung 'di na'ko makabalik sa Academy dahil wala na'kong silbi kay Drack at kaya ka nahuli dahil kay Vin na cloning ang kapangyarihan na isa din sa mga alagad ni Drack. Patawad Kristine kung binigo ko kayo. Si Ama at Ina dinampot sila ng mga kawal ni Drack ilang buwan na makakalipas kaya nung kukunin na ang mga magulang ko nagmakaawa ako kay Drack na gagawin ko lahat ng gusto niya wag lang saktan mga magulang ko. At sumunod ako sa lahat ng utos niya. Patawarin mo'ko Kristine gusto kolang mailigtas ang mga magulang ko" umiiyak siya ng ipinaliwanag niya lahat kaya lahat kami nag-iyakan kasama na din si Tita na namayat na siguro dahil buwan na din simula ng nandito sila.

Bute nalang binibigyan kami ng tubig at makakain ng mga kawal nila dito kahit papaano ay nagkalakas kami.

"Asan si Tito?" Bigla kong tanong kaya lumungkot sila.

MAGIAN ACADEMY : The Legendary Princess | UNDER REVISION Onde histórias criam vida. Descubra agora