Kabanata 22

27.2K 773 52
                                    

Kabanata 22

Kasal

Kaya naman pala at hindi ko siya makita, nahuli rin pala siya katulad ko. Damn! Parang ayaw ko ng humarap sa kanila Gad at Luo. Bwisit naman kasing Luo na 'to at hinigit nanaman ako palapit sa kanya kaya nakaharap ko ang lalakeng kakadating.

It's the great Attorney Ezekiel Verdad!

Wearing an expensive Armani suit. His hair was styled backwards. Matangkad na siya dati pero mas tumangkad pa siya ngayon. Igting nanaman ang panga niya. I can tell that maturity really hits him hard because of his body built. His mysterious eyes bore into mine. Para nanaman akong napaso sa paraan ng pagtingin niya sa akin.

"Ayos lang, hindi lang naman ikaw ang nahuli," sabi ni Luo.

Tinanguan naman ako ni Ezekiel at ganun rin ang ginawa ko. Ang bigat ng mga titig niya sa akin. Mas lalo pa siyang naging imtimidating ngayon lalo na't nakasuot siya ng suit. Iginala niya rin ang tingin niya sa akin mula itaas patungong ibaba. Damn! Nacoconsious na tuloy ako lalo. Dapat kasi nagpalit muna ako bago pumanta rito, e!

"Welcome back First Officer Pianzel Nique Dalio," napalingon ako sa aking likod at hinanap ang pinanggalingan ng boses na iyon.

Nanlaki ang mata ko ng matanto kung sino iyon. "Greetings Flight Commander Rish Dalio!" sinabayan ko pa ng saludo.

Rish is Gad's wife, finally! She's a Commander in the Philippine Air Force and a professional Pilot too. I really look up to her. Isa sa hinahangaan kong Piloto at naging Ate ko.

"Tss, nagsama ang dalawang piloto," natawa nalang kami ni Rish sa sinabi ni Gad at niyakap siya.

Hindi man kami naipakilala ni Gad sa isa't-isa ng maayos, naging malapit rin naman kami ni Rish. Lagi niya akong kinakamusta kapag hindi ako natatawagan ng asawa niya. Siya rin ang unang taong naka-alam na gusto kong mag-piloto.

Natapos ang maliit na reunion sa labas dahil sa pag-anunsiyo ng organizer na magsisimula na ang seremonya. Pumasok na ako sa loob dahil hindi naman ako kasali sa mga abay. Iniwan rin sa akin ni Rish si Anjo, ang anak nila ni Gad.

Mabilisan rin namang natapos ang seremonya. Si Ezekiel pala ang best man ni Luo. Hindi ko rin naman mapigilan ang hindi tumingin sa kinororoonan niya ngunit seryoso lang siyang nakikinig sa buong seremonya.

Now, I'm doubting Luo's intentions on why did he demanded me to come home. But I don't want to assume things. Nang matapos ang seremonya ay agad akong lumabas ng simbahan para makapunta na sa reception. Gusto ko ng makapagpalit, hindi ako komportable na isuot itong pilot suit ko hanggang reception.

Halos manlaki ang mata ko ng namataan si Ezekiel sa may tabi ng Vios. Sa kanya ata ang Porsche na nasa tabi ng sasakyan. Wow! Bigtime na siya at Porsche pa ang gamit na sasakyan. Alam kong dati na siyang mayaman pero sigurado akong sariling pera niya ang pinangbili niya ng kanyang sasakyan. Now, I don't regret that I leave. Sigurado akong wala siya sa kinalalagyan niya ngayon kung sumama siya sa akin sa Amerika.

Napansin niya yata na may nakatingin sa kanya kaya napalingon siya sa kinaroroonan ko. Tumiim agad ang bagang niya nang makita ako. Just a glance from him makes me tremble!

"Uhm...Aalis ka na?" awkward kong tanong.

Napaangat ang kilay niya dahil sa tanong ko. "No, I'm going to the reception. How about you?"

Thanks God he's talking so casual with me!

"Same, I'll use the Vios but I guess Ronald wasn't here," luminga-linga pa ako.

He sneered. "You're a pilot but you don't know how to drive a car?" napatalima ako dahil sa naging tanong niya.

"No, I know how. Si Ronald kasi ang nagsundo sa akin kanina galing airport," pagdadahilan ko.

He's different from the old Ezekiel that I know. He's more intimidating now. Mas lalong naging malaki ang katawan niya at mas lalong nadefine ang panga niya. He also have a clean shaved jaw.

"Okay, I'll go ahead," aniya at tumalikod na sa akin upang tuluyan ng makapasok sa kotse at umalis.

Damn! Why am I feeling so disappointed, huh? Kasi umaasa akong aalukin ka niyang isakay? Dream on, Zel. After what you said to him before leaving the country? I don't think so.

But he must atleast offer me a ride! Where are his manners?

Hanggang sa biyahe pauwi ay inis na inis ako dahil sa ginawa ni Ezekiel. Ang ayos-ayos kong kinausap siya tapos di niya man lang ako aalukin na isakay!

Nakita ko ang sasakyan niya sa labas ng mansiyon pagkadating ko. Inis na inis pa rin ako sa ginawa niya ngunit mamaya ko nalang siya hahanapin sa mansiyon habang onti palang ang mga bisita. Sa ngayon, kailangan ko munang magpalit. Dumiretso ako sa kwartong nakalaan sa akin dito sa family house namin. Nothing change much though. Nasa ganoong ayos pa rin ang lahat at wala naman akong masyadong gamit rito dahil madalang lang rin naman ako dati rito.

Naligo na rin muna ako bago ko isinuot ang mid lenght white off shoulder dress ko. Nagsuot rin ako ng black pumps at kumuha ng black purse. I just let my hair fall into my back as I put on a light make up into my face. Isinuot ko na ang airplane earrings na regalo sa akin ni Gad noong graduation. Lastly, I spray some perfume into my wrist, neck and dress.

Pagkababa ko ay madami na ang taong naroon dahil dumating na rin ang bride at groom. Punong-puno ang hallway namin ngayon dahil sa dami ng mga bisita. Some are familliar while the other's are maybe a family friend.

Dumiretso na ako kaagad sa likod ng mansiyon kung saan ang mismong reception. May mga lamesa at upuan na nandoon. Baby blue ang theme ng reception at may mga flowers na nakasabit bilang dekorasyon sa paligid.

Namataan ng mga mata ko ang table kung saan nakaupo sila Gad kaya doon ako tumungo. Pero parang ayaw ko ng tumuloy ng namataan ko si Ezekiel roon. Shit! Ang bakanteng upuan nalang ay ang upuan sa pagitan nila Gad at Ezekiel.

"Zel!"

Damn, my thoughts of walking away easily vanish when Rish spotted me at their back. Napatingin tuloy sa akin sila Gad at Ezekiel. Madilim akong tinapunan ng tingin ni Ezekiel at agad uminom sa kanyang wine glass.

Tumikhim ako at lumapit sa table nila. Napilitan akong maupo sa nagiisang bakanteng upuan dahil inuestra iyon ni Gad sa akin.

"Akala ko balak mo pang suotin ang Pilot suit mo maghapon, e," natatawang puna sa akin ni Gad ng mapansin niyang nagpalit ako.

I rolled my eyes at him. "Kasalanan ng magaling na groom. Naghabol ako ng flight pauwi, Kuya! Yang magaling mong kapatid, pinauwi ako kahit alam niyang mapapagod ako," pagsusumbong ko.

"What? Ibig sabihin may flight ka kahapon?" tanong ni Rish.

"Yeah, New york to Las Vegas and that was a freaking five hours and fifty minutes flight! Tapos ilang oras pa ang flight pauwi ng Pinas. Pagkatapos ng flight ko kahapon ay umuwi ako agad," napangiwi si Rish sa sinabi ko.

I know she knows what I feel. Pagod at puyat ang kalaban ko rito. Napailing nalang si Gad sa sinabi ko. Pag nag-piloto ka talaga, kulang na kulang ang tulog mo. But doing something that you really love is a great self fulfilment.

"Oo nga pala, Rish, Gad, pwede ba niyo akong pahiramin ng kahit Cessna lang? Kahit yung 172 ayos na," sabi ko.

Kumunot ang noo sa ni Gad dahil sa sinabi ko. "Para saan? Maglilibot ka?"

Umiling ako. "No, I wan't to visit Cagayan first before I resume with my work," tumango-tango naman si Gad sabay turo kay Ezekiel sa aking tabi.

Kumunot ang noo ko at napalingon kay Ezekiel na ngayon ay nakataas na ang kilay sa amin. Tumawa naman si Rish sa tabi ni Gad na lalong pinagkunutan ko ng noo.

"Ayan, may private jet yan. Do you really think na kakayanin mo magmaneho ng C172 hanggang Cagayan?" ani ni Gad at tinuro-turo si Ezekiel.

Nanlalaki ang mata kong nakatingin kay Ezekiel. "What? No need, ayos lang ako sa Cessna dahil gamay na gamay ko iyon."

Nakakahiya naman kasi kay Ezekiel kung hihiram pa ako sa kanya ng private jet niya. Saglit lang naman ako sa Cagayan at hindi ako magtatagal kaya ayos na ang cessna.

"Then I'll come with you."

Nalaglag ang panga ko dahil sa sinabi ni Ezekiel. What?!

Handle With Care (Law Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon