Kabanata 9

32.6K 853 43
                                    

Kabanata 9

Selos

Nagising ako sa isang hindi pamilyar na kuwarto. Damn, ano bang nangyari kagabi?

Nanlaki ang mata ko ng onti-onting pumapasok sa akin ang nangyari kagabi. Damn, nasa kwarto nga pala ako ni Ezekiel.

Kinapa ko ang gilid nang kama ngunit wala naman akong naramdaman. Sa tingin ko gising na siya at nasa baba. Lumabas na ako ng kwarto niya upang tumungo sa aking kwarto upang makaligo.

Nagmadali akong magpalit at hinablot ko nalang kung anong damit ang naroon dahil nakarinig ako ng ingay mula sa baba. Mga boses ng lalaki.

Nagmamadali akong bumababa na gumawa ng ingay. Lahat ng mga lalakeng naroon ay napatingin sa akin. Naroon ang mga pinsan ko at si Ezekiel kasama ang dalawa pang lalake na hindi pamilyar sa akin.

"Gising ka na pala, Zel. Nandito ang mga kapatid ni Ezekiel," ani ni Gad ng tinungo ko ang sofa kung saan sila naguusap.

Tumingin sa akin si Ezekiel at lumapit sa akin. Iniharap niya ako sa dalawang lalakeng nasa aking harapan. Matangkad ang mga iyon at mas soft ang mga features kaysa kay Ezekiel kaya sa tingin ko ay mga kapatid niya ito.

"Ito si Jan ang pangalawa kong kapatid at ito naman si Jayte ang bunso," pagpapakilala niya.

Binigyan ko sila ng matamis na ngiti at kinamayan sila. Nakatitig sila sa akin na para bang manghang-mangha.

"Kuya, akin nalang fiancee mo. Ako nalang magpapakasal," sabi ni Jayte.

Halos kamukha ng magkapatid ang kuya nila kaya hindi halata ang layo ng edad nila kay Ezekiel.

"Tss, manahimik ka nga Jayte," ani ni Ezekiel.

He possesively snake his arms around my waist na para bang aagawin ako ni Jayte sa kanya kapag hindi niya ginawa iyon.

"Tara mag-almusal na tayo at ililibot namin kayo dito sa Cagayan. Pupunta tayo ng Sta. Ana," nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Gad.

Matagal na akong hindi nakakapunta sa Sta. Ana. Namiss ko na ang white sand beach doon.

"Talaga Kuya? Sa rest house ba tayo tutuloy?" excited kong tanong.

"Oo, tatlong araw tayong mamamalagi roon."

Nakangiti akong tumango sa kanya. Tumuloy na kami sa may dining table. Si Ezekiel ang naglagay ng pagkain sa aking plato na kinakunot ng noo ko. Hindi naman siya ganito dati. Kadalasan nga hindi kami nag-iimikan kapag kumakain.

"Nagkakaigihan na ata kayo?" tawa-tawang tanong ni Luo sa amin habang pinagmamasdan kami.

Sinamaan ko siya ng tingin. Nagkakaigihan? No way!

"Chivalry ang tawag diyan, kaya pwede ba?" mataray na sagot ko.

Nginisian lang kami ng apat. Hindi naman umiik si Ezekiel sa tabi ko pero batid kong nakangisi rin siya. Hindi ko alam kung namumula ako ngayon ngunit ramdam ko ang pagakyat ng init sa aking pisngi.

Hinahayaan ko nalang si Ezekiel sa pag-aasikaso niya sa akin. Sa ngayon ay gusto ko muna maging mapayapa. Nakakapagod rin makapag-away sa kanya.

Puro tungkol sa kaso ang pinagusapan nila kaya hindi nalang ako nakisali. Buti sana kung tungkol sa aviation ang pinaguusapan nila, sasali ako. Pero tungkol sa mga kaso kaya wala akong interes.

"Hindi ko maintindihan kung bakit tayo pinaglalakad ni Ezekiel ngayon," angal ni Jan habang hirap na naglalakad paakyat.

Kailangan kasi nilang bumaba ni Jayte para maka-akyat ang sasakyan. Nauna na ang sasakyan nila Gad at Luo sa amin. Dito kami ngayayon nila Ezekiel at ng mga kapatid niya sa hiache ni Ezekiel.

Sinabi kong sa kanila Gad at Luo na ako sasakay ngunit hindi pumayag si Ezekiel. Ayan tuloy at kailangang maglakad ng dalawa niyang kapatid paakyat dahil masyadong mabigat at di kakayanin ng kotse paakyat.

Buti nalang at agad rin naming narating ang tuktok dahil awang-awa na ako sa dalawa niyang kapatid na naglalakad. Agad na sumakay ang dalawa niyang kapatid sa kotse. Inabutan ko naman sila agad ng pamunas dahil tagatak ang pawis na nag-lalandas sa kanilang mukha. Kaya ang driver namin ay nakabusangot na nagmamaneho patungo sa rest house malapit sa mismong dagat.

"Grabe ka Kuya! Pwede namang ikaw nalang ang bumaba at ako ang magmaneho, e," pang-aasar ni Jayte kay Ezekiel na kinatawa ko.

Jayte and Luo's personality is quite the same. Pansin ko rin na malapit ang mga pinsan ko sa dalawang kapatid ni Ezekiel.

Nang marating namin ang mismong rest house, bukas na ang pintuan. Naunang nakarating ang mga pinsan ko kaya naman sigurado akong nasa loob na sila.

Pagpasok naming apat, naabutan namin sila Gad at Luo na naglalagay ng mga pagkain sa dining table. Pagod kami sa byahe kaya naman agad kaming nagtungo roon. Hindi rin nakawala sa aking paningin ang busangot na mukha ni Ezekiel.

"Tss, mas concern pa siya sa mga kapatid ko," rinig kong bulong niya na kinakunot ng noo ko.

Sus, nagmamaktol. Selos? Bakit naman magseselos 'yan? Ang dami niyang babae, e! Pwede siyang pumunta sa mga babae niya kung gugustohin niya. He can ravish all the girls that he wants and I won't even care.

"Hoy ikaw! Wag ka ngang bumusangot sa harap ng pagkain," inis na sita ko sa kanya ngunit lalo lang siyang bumusangot.

"Ikaw pa ang galit, ikaw na nga ang may kasalanan," pambibintang niya.

Kasalanan? Bakit ako? Wala naman akong ginagawa sa Lawyer na ito.

"Kayong dalawa mag-sitigil nga kayo. Nasa harap tayo ng pagkain. Kung hindi kayo titigil, mabuti pa at lumabas nalang kayo," seryosong sabi ni Gad na nagpatigil sa aming dalawa.

Inis naman kasi tong si Ezekiel, ayan tuloy galit si Gad. Mamaya ipatapon niya pa kami sa tubig ng Sta. Ana.

"By the way, malaki ang rest house ngunit limitado lang ang kwarto rito. Tatlong malaking kwarto lang ang maaring gamitin kaya kailangan nating maghati-hati," pagpapaliwanag ni Luo.

Natampal ko ang noo ko dahil sa sinabi niya. Oo nga pala't tatlo lang ang kuwarto rito dahil madalas ay wala namang bumibisita rito. Kaya lang naman may rest house kami dito ay dahil dito namamalagi ang mga kamag-anak namin na gusto ng payapa at tahimik na lugar malapit sa dagat.

"Kami ni Luo sa isang kwarto, si Jan at Jayte naman sa isa at ang mag fiancee naman sa isa," kunot noo kong hinarap si Gad dahil sa sinabi niya.

"Kuya naman! Ayokong kasama tong babaerong 'to sa iisang kwarto. Baka kung ano pa ang gawin niya," natawa naman silang apat sa pag-angal ko. Bakit? Totoo naman a!

"Zel, baka nakakalimutan mong nasa ilalim siya ng batas kaya alam niya ang mali sa hindi. Tsaka what's the matter? Fiancee mo naman siya," pang-aasar ni Gad.

Tsk, akala ko pa naman kakampi ko siya. Tsaka hindi ba niya narinig? Sabi ko, babaero! Dapat pinapaulanan niya na ng mura at suntok 'yang si Ezekiel dahil sa ginagawa niya sa likuran ko.

Nakangisi namang lumapit sa akin si Ezekiel at binulungan ako sa aking tenga.

"Wala kang magagawa. You're stuck with me. Di ka makakalapit sa mga kapatid ko."

Damn, nagsitaasan ang mga balahibo ko sa batok ko dahil sa kanyang naging bulong.

Ayaw ko siyang makasama sa iisang kwarto!

Handle With Care (Law Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon