Teka! Pano ako nagkasya sa butas ng inidoro? Hay!!! Ano ba itong pinagiisip ko baka nasa likod lang ako ng bahay
Lumapit sa akin yung isang paru paru at pumunta sa aking balikat, pinagapang ko ito sa aking daliri akala ko isa lang itong ordinaryong paru paru pero nung ito ay lumipad naglabas ito ng mabangong amoy
Kaya pala ang bango ng paligid akala ko dahil sa mga bulalak
Dahil pala yun sa mga paru paru
Gusto ko magstay, ang ganda kasi nilang pagmasdan pero kailangan ko ng umalis, magkikita pa kami ni Nathaniel
Mahuli pa ako ng caretaker dito, makasuhan pa ako ng di oras dahil pumasok ako kahit nakalagay na nga na “no trespassing”
Napansin kong sumusunod sa akin ang mga paru paru, natuwa naman ako kasi parang ginagabayan nila ako
Pero napansin ko din… kanina pa ako naglalakad, hindi ko parin makita ang gate
Ngayon ko lang din napagtanto na walang nakatayong bahay sa paligid kahit bakod wala din puro puno at damo
Hindi kaya na NUNO na ako? o nainkanto na ko? Kailangan ko siguro ibaligtad ng damit ko
Alice! Naniniwala ka ba sa ganyan, mga bata lang ang mga naniniwala sa ganyan
Pero…masubukan na din, wala naman siguro mawawala
Pumunta ako sa malapit na puno para magbaligtad ng damit “tabi tabi po, makikiraan po” sumilip muna ako sa paligid baka may tao
Habang nagtatagal ako ng pangitaas na damit, nakita ko sa tabi ng puno may mga kabute
Inisip ko tuloy na kung pwede ba yun kainin kasi nagugutom na ko
Pagkasuot ko sa binaligtad kong damit hindi ko sinasandya nasagi ko ang mga kabute
Pagkatingin ko “WAAAaaaaaaaaaaahhhh!!!” hindi ko napigilang sumigaw
Yung mga kabute may mga mata!!! Kumaripas ako ng takbo
Ano bang klaseng lugar ito!!? Hindi naman ako nakadrugs para makakita ng mga ganung bagay Kailangan ko na talaga makaalis dito kapag may nagpakita pangkakaiba sa akin, hihimatayin nalang ako dito bigla
Habang tumatakbo ako may kung anong bagay na pumalupot sa aking mga paa at hinila ako
Pagkahila sa akin may pumalupot ulit sa akin mula bewang
Argh!!! Bakit lahat ng nakikita ko baligtad?
BINABASA MO ANG
ALICE { o n g o i n g ...}
FantasyA girl who stranded in the world of unknown; she will discover that this world was different from where she came. She will meet a stupid guy, the only one who can help her back to her world. Until she became confused for her decision if she want to...
Chapter 5 : Where am I
Magsimula sa umpisa