Chapter 18

16 4 0
                                    

Chapter 18

Sage Ella's POV

I really envy Selene a lot. She got the attention of our school's heartthrob without even doing something to make him notice her.

Matagal na akong may gusto kay Reeve, unang kita ko palang sa kaniya ay sigurado akong gusto ko na siya.

He's our school's dream guy, ideal man, Prince Charming, etc.
Lahat ng babae ay nagkakandarapa sa kaniya dahil hindi lang siya basta gwapo at mayaman, sobrang bait din. He's not arrogant and snob, yun nga lang hindi niya gusto ang laging pinagkakaguluhan. Ayaw niya ng atensyon at ingay, pero dahil hindi maiwasan ay unti-unti na rin siyang nasasanay.

Pero hindi ako yung tipo ng babaeng desperada, makuha lang ang atensyon ng taong gusto nila.

I'm happy by just admiring him from afar. Hindi ko gustong maghabol, lalo na pag alam kong wala din akong mapapala. Hindi ako yung tipo na ike-claim siya na sakin kahit hindi niya naman talaga ako napapansin.
Like, hello?? How can the legendary Nixon Reeve Rivera fall for a nobody like me? Mas kilala pa nga yata siya kesa sakin na mismong student council president, eh.

I like his personality and i admire him a lot but, i know that I don't have a chance. He's so high that I can't reach. Minsan naiisip ko nalang, sino kaya ang maswerteng bibihag sa puso ng isang Reeve? Siguro, ka-level niya. Someone who is more famous, pretty, and rich. Yung tipong pwede niyang ipagsigawan sa buong mundo, at pwede niyang ipagmalaki sa lahat.

While intently staring at him, i can't help but remember the day when we first met. The day i started admiring him.

~Flashback~

"Saan ba kasi dito yung auditorium?" Mahinang bulong ko sa sarili habang palinga-linga parin sa paligid.

First day ko ngayon dito sa Atieca University. I just turned first year highschool this year at kasalukuyan kong hinahanap ang auditorium para sa orientation naming transferees.

Halos 30 minutes na rin akong naglilibot dito at hanggang ngayon ay hindi ko parin mahanap. Wala ng estudyante sa paligid ngayon na pwede kong pagtanungan dahil malamang ay nasa klase na sila.

Ang malas naman ng araw na to!

"Asan ba kasi yun?" Napakamot nalang ako sa sentido ko.

"Are you lost?" Isang tinig ng lalaki na pumukaw ng atensyon ko.

His voice is so attractive and heavenly, it gives me an uncomprehensible feeling.
Hindi ko pa man nakikita ang mukha niya ay nasisiguro kong gwapo na ang itsura nito.

Unti-unti akong lumingon sa gawi no'n at tama nga ako! Halos mapa nga-nga na ako sa gwapo ng lalaking kaharap ko ngayon.

Grabe! Nuknukan ng gwapo at halatang mayaman! Napaka-bait ng itsura, he's like an angel in disguise! Napatulala nalang ako sa ma-amo niyang mukha.

"Miss?" Natauhan lamang ako nang muli niya akong tawagin.

"H-Ha?" Lutang na tanong ko.

Bahagya pa siyang natawa dahil sa naging ekspresyon ko. "I was asking if you are lost? I can help you. Looks like you're a transferee."

A Journey To Forever [ON GOING]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ