Skeletons Inside His Closet

25 3 1
                                    

No part of this story may be copied, reproduce or transmitted in any form without the permission of the author except where permitted by law.

This is a work of fiction. Names, character, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in as fictious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

All rights reserved

MadamBiyolet ©2020

***

Ang pagtunog ng nakakainis na alarm clock at ang paglagaslas ng tubig ang nagpagising sa aking ulirat. Dumilat ako at mabilis na pinatay ang tunog ng orasan. Tinatamad pa akong maglakad patungo sa kung saan dahil sa naririnig kong tuloy-tuloy na buhos ng tubig sa gripo.

I groaned and made a mental curse. Istorbo. Marahil ay nakalimutan na naman ni Albert na patayin ang tubig. Ilang beses ko ng pinapaalala ito sa kanya but he still keeps forgetting about it. Malaki na naman ang bill namin dahil dito. Panigurado.

"Honey!" sigaw ko.

"Babe?!" ulit ko at naghintay ng ilang minuto bago nagdesisyong umalis sa kama.

Tumaas ang kilay ko nang mapagtantong walang tao sa bahay. Saan na naman siya nagpunta? Sabado ngayon. Dapat ay nasa bahay siya.

Hay naku. Baka nagpunta na naman iyon sa kaibigan niya.

Humikab na lang ako at lumabas ng kwarto. Pumunta ako sa CR para tignan kung nakabukas ang gripo doon pero hindi naman. Yun pala nasa kusina ang lagaslas. Mabilis kong pinatay ang tubig at nagdesisyong magluto na lang para sa umagahan, pero nawawala ang gasul na siyang pinagtaka ko.

"Albert! Babe?!" muli kong sigaw. Nagpapanic na dahil baka may nakapasok na magnanakaw pero nag-echo lang ang boses ko sa apat na sulok ng condo.

Nasaan kaya siya? Simula nang magdesisyon kaming mag-live in, nag-iba na rin ang trato niya sa akin. Madalas na siyang galit at lagi ring nagpapabaya sanhi ng pag-aaway namin.

May naalala tuloy ako, I remember the day when I first met him during my duty in a fast-food chain. Matapos mabigay ang order niya, doon na siya nagsimulang kausapin ako at kulitin na ibigay ang numero. Sa una ayoko dahil creepy siya at medyo misteryoso pero napapayag niya rin ako dahil sa pagiging pursigido na makuha niya ang gusto. Hindi niya talaga ako tinantanan hanggang sa naging kami at nagdesisyong bumukod sa pamilya kahit hindi pa kasal.

I know it sounds too fast pero ganoon nga ang nangyari at hindi naman ako nagsisisi. Mahal ko siya kahit na minsan nagdududa ako sa nararamdaman niya para sa akin.

I never met his family, aniya nasa ibang bansa ang mga ito. Even his friends ay hindi ko rin nakausap dahil hindi naman siya nagkwekwento. Halos wala nga akong alam sa kanya bukod sa trabaho niya bilang nurse sa isang hindi kilalang ospital.

Thinking about it, ngayon ko lang din napagtanto na hindi ko pa siya lubos na kilala. But oh well, hindi naman iyon importante, ang mahalaga ay naging kami.

Maya-maya ay narinig ko ang pagbukas ng lock sa pinto. Malaki ang ngiti ko at sinalubong siya. Pero nakapagtataka dahil mukhang hindi niya ako nakikita. Matulin ang kanyang mga galaw na tila may humahabol sa kanya. I saw him put necessary things in his bag. Ni hindi pumunta sa kwarto para kunin ang mga damit.

"Babe?" takang tanong ko. Pero parang hangin na hindi niya ako naririnig.

"Saan ka galing? At ano ang ginagawa mo?"

Kinabahan ako. Mabibigat ang kanyang paghinga habang sinisinop ang mga gamit.

Hindi kaya may emergency? Hindi bale, ako na lang ang kukuha ng mga damit niya. Baka nagmamadali siyang pumunta sa ospital, mas mabuti siguro na magbaon siya ng damit para makapagpalit kung sakali.

At iyon nga ang ginawa ko. Pumunta ako sa kwarto at pinuntahan ang pulang kabinet. Nagtaka pa nga ako dahil mukhang pinalitan na niya ang kabinet namin nang hindi ko nalalaman. Hindi hamak na mas malaki itong ngayon at mukhang mas mabigat pa.

Nang akmang bubuksan ko na iyon ay nakarinig naman ako ng sunod-sunod na kalabog sa pinto.

Napakurap ako at hindi na nakalabas pa nang makita ang mga naka-unipormeng pulis na pwersahang binuksan ang pinto ng kwarto namin. Hawak nila si Albert na madilim ang mga mata na nakatitig sa kanila.

"Buksan niyo na!" one of the police officer ordered to the other. Napaatras naman ako nang humakbang sila palapit sa cabinet at halos lumuwa ang mga mata ko sa nakita. Natutop ko ang bibig at halos hindi makahinga habang unti-unting nagsituluan ang mga luha ko.

Numerous of bones are there. Limang bungo ang nakita ko na naroon pero ang pinakabago ay ang naaagnas na katawan ng babaeng kilalang-kilala ko.

I saw myself to that body and then I remembered, I was killed  by my lover inside his closet..

Skeletons Inside His ClosetDonde viven las historias. Descúbrelo ahora