Fred

3 0 0
                                    

“Ashlei Marie Palermo sent you a friend request."

I clicked on the facebook friend reqest. Tiningnan ko yung profile. Maganda sana kaso taken naman na. I clicked on the list of mutual friends. Oh, friends pala sila Chelsea, I mean best friends. I muttered while scrolling on their pictures together. Close nga sila, halos magkadikit na mga mukha sa pictures. Parang konting dikit pa, magpapalit na ng mukha mga ‘to eh. Chelsea is one of my new found friends, online. Nakikita ko na siya dati. Di ko lang matandaan saan, tapos one time nakita ko sa may sidewalk on the way sa lilipatan ko na tirahan. Eh, new sa neighborhood kaya medyo nahihiya. Hanggang sa may tumawag sa kanya from inside a car.

“Chelsea, lika na!!” said a girl na di ko na namukhaan kasi nakatalikod sa side ko. Mas lalo ako nahiya kasi mga rich kid yata mga ‘to. Pang rich kid yata na neighborhood to ah. Anyway, tinype ko pa din sa Facebook. Eh, pangalan lang narining ko, okay yun lang din natype ko. Tas boom. Daming Chelsea lumbas. I scrolled through the profiles sa results. Then boom. Nakita ko. Chinat ko, surprisingly kalog and sabay sa flow lang din tong si Chelsea kaya naging friends kami agad. At the time, bored din ako pero ayoko lumabas ng bahay kay pa-FB FB lang muna ang tsong nyo. Nakikitira na naman kay Auntie Annie nun, sila kasi nagpapaaral saken that time. Isip bata din masyado tong si Chelsea.Hay nako, kung nkita nyo lang profile nyan halos lahat ng nangyayari sa buhay pinopost sa social media. Our conversations remained virtual, kahit medyo malapit lang yung kanila nahihiya naman ako makipag-jam din. Minsan kasi, mahiyain lang din talaga ako especially sa mga babae. Ang dadrama kaya ng mga yan, mamaya mamisinterpret pa pakikipagkaibigan ko.

I clicked accept. Then I searched for Chelsea’s name on the online lists.

“Hoy, Chelsea! Pambihira naman oh. Lam mo naman single and ready to mingle tong kaibigan mo, nireto mo naman ako sa may jowa na. Hahaha” Sent.

“Hoy ka rin, di kita nirereto kahit kanino noh. Baka pag niloko mo, ako yung mabuntunan ng galit eh. Sino ba yan?” Reply naman ni Chelsea.

“May nag add kasi saken, Ashlei something. Nung tiningnan ko yung profile, bff mo pala.”

“Ah yun, taken nga yun. Wag kana umasa, pang forever to go yun. Tagal na nila nung boyfriend niya. Eh kasi, naalala mo yung mga pinakita mong artworks dati?”

“Alin dun? Artist ako, di ko na maalala aling artwork tinutukoy mo. Hahaha”

“Loko ka ah. Yun ngang may mga drawings mo. Pinakita ko kasi sa kanya. May pagka artist din yung BFF ko na yun. Kaya wag mo lagyan ng malisya, nagustuhan niya yata kaya ka na-add sa FB.”

Luh. Artist daw. Hahaha. Bweset. Yun pala reason kaya inadd niya ‘ko. Bigla tuloy ako naconscious sa mga pinagpo-post ko. Tiningnan ko ulit yung facebook profile ko. Teka nga, patingin ng mga profile pictures ko. Pakshet, ang jeje naman ng mga ‘to. Nakakahiya. Ang kalat pa ng page ko.

Teka..

Tekaaa lang naman muna. Ang OA ko naman yata, bakit naman ako naconscious dun bigla. Di naman kami close. I was scrolling back on her profile. Tingin pictures, ang sweet naman nila ng jowa niya. Edi wow. Stalking skills at its finest, very careful ako na walang mailike na post from years ago. Kundi, papalamon na talaga ako sa lupa. I clicked through her notes. Mahilig pala sya magsulat ng poems. Ang swerte ng boyfriend, makata tong Ashlei na ‘to.

The next few days, I mustered all the courage to send her a message. I do not know it at the time, pero parang there’s something in her that draws me in eh. I can’t explain it pero anyway, I slowly typed..

“Hi!”

I waited. Online naman ‘tong babaeng to wala man lang respect na mag Hello. Suplada. But then..

Confused HeartsWhere stories live. Discover now