Simula

5.9K 155 39
                                    

Simula


I rolled my eyes as I sat down on the couch. Hindi ko talaga maiwasang mainis sa mga taong nasa paligid ko ngayon. Like, the hell? Do they even know what I've been through in four years?


Napatitig ako sa screen ng laptop ko nang makita kong online sa Skype ang hinayupak kong pinsan. Agad na nag-init ang dugo ko at inis na ibinaba ang screen. Every week kasi ay nagvi-video call kami ng parents and cousins ko. Nadamay na naman ako sa gulo ng mga isip batang pinsan ko.


"Jusko! Ano bang gusto nilang mangyari?"


Sumimsim ako ng tsaa sa tasang hawak ko. Napatingin ako sa bintana at nakita ang mainit na panahon sa labas. Inilibot ko ang tingin ko sa buong bahay. Natatakpan na ng puting tela ang mga kagamitan dito. All of my things are packed. Hindi ako nag-iwan ni isang gamit ko dito.


I guess I'm ready to come back home.


*


Ramdam ko ang matinding jet lag. Nandito ako ngayon sa condo ko. For a 21-year-old girl like me, I travel alone. All the way from United States to the Philippines. But all of it isn't easy for me. I mean, hindi ako sanay dahil madalas kong kasama ang pamilya ko.


Great! I'm back in the Philippines!


I'm sure na kapag nalaman na nila na umuwi na ako ay magagalit sila! My gosh! Should I go back? No?


Of course not, you silly girl! I heaved a sigh. Sayang ang pera! Nakapag-isip-isip din ako. Now I have plans to do. Kinabukasan ay nag-ayos ako ng iilang mga gamit ko.


I planned to go shopping for myself. You know? Buy new shoes and clothes. Makakapal kasi ang mga damit na dala ko. Pang-winter lahat. Ang iba naman na maninipis ay maluwag na sa akin.


Nagbihis ako ng skinny jeans at white na ruffled crop top, then a pair of black heels. Hindi mawawala ang mini handbag ko at sunglasses. Nag-loose curls lang ako and voila! This is Anastasia Hilary Vonriego, everyone!


*



"Hindi mo man lang ako tinawagan na nakauwi ka na pala." Umirap si Zee at sumimsim sa kape niya.


"Alam mo na ang rason kung bakit, Zee." Ngumiti ako.


Nandito kami ngayon sa Starbucks malapit sa condo na tinutuluyan ko ngayon. I called her to come with me kanina. Her reaction was just priceless!


"Fine, Asia! It's been a week mula nang dumating ka. Ano bang problema at ayaw mong umuwi sa inyo?" Agad akong napaisip sa tanong niya. Zee and I are friends for a decade now. She knows me the most bukod sa mga pinsan ko na lagi kong nakakasama at nakakausap.


Sa tanong niyang 'yon, alam ko na may idea siya.


"I just want to live alone, for now..." I lied. As if maniniwala naman siya? Tss.


"Live alone? Nagpapatawa ka ba, ha?" Inirapan niya ako at napatingin sa labas. "Four years kang nasa States, Asia. Mag-isa kang nanirahan doon. I mean, hindi pa ba sapat 'yon? Nasaan na ang Asia Vonriego na kilala ko?"


"I know what you mean, Zee. Babalik din naman ako e. I just want to chill and spend the free days I have before the school starts. It's me time naman." Sabi ko at nginitian siya. Pero panibagong irap nanaman ang natanggap ko.


"Ang dami mong dahilan, Asia."


**

Thank you for reading!

Anastasia (Vonriego Series 1)Where stories live. Discover now