"What?"

Ngina! Sabi na! Ang galing ko talaga!

"N-nothing. So, am I forgiven now? Are we good already?" Nag-plaster pa ako ng isang malawak na ngiti para hindi niya mapansing pinaplastik ko lang siya.

Tinanggal niya maging ang libro sa magkabilang kamay ko saka tumango. Inabutan pa ako nito ng tubig na agad ko namang kinuha at nilagok. Uhaw na uhaw ako. Leche kasing Mickel 'yan. Hindi marunong makaramdam. Nagtanong pa kung nauuhaw ako, hindi naman ako papainumin.

"Yes, you're forgiven."

Tiningala ko siya. Kunwari gulat na gulat ako. Pero ini-expect ko na talagang papatawarin niya ako matapos nang ginawa ko. Dahil kung hindi, bibigwasan ko lang naman siya ulit. "Talaga? I mean, really? Oh my! Thank you so much Kartini!"

Tumango lamang ito saka bitbit ang mga librong tinalikuran ako. Dali-dali ko namang inubos ang natirang tubig saka binato ang bote sa kanya. Makaganti man lang ako kahit sa simpleng paraan. At ayun, saktong tumama sa ulo niya.

Napahinto naman ito sa paglalakad at salubong ang kilay na lumingon siya sa 'kin.

"Opps! It's slipped on my hand, sorry. Peace." Nag-peace sign pa ako para convincing.

Nailing lamang ito saka nag-walk out.

Naka-todo na ang aircon, nakatutok pa sa 'kin ang electricfan. Gusto ko talagang maligo. Pinagpapawisan ako ng sobra at nanlalagkit ako. Pagkagaling sa oval ay agad kaming dumiretso sa sunod naming subject. Nagkataon namang wala ang propesor dahil may dinaluhan daw na seminar.

"Okay na, Kaye?"

"Itodo mo!" Utos ko kay Mickel habang tinututok nito sa 'kin ang electric fan. Si Daimler naman ay pinapaypayan ako sa gilid ko. Samantalang ang mag-jowang sina Elyce ay nandun sa isang tabi at naglalandian.

"Nakatodo na, Kaye. 'Yung feelings niya na lang sa 'kin ang hindi."

Nangunot ang noo ko nang humagalpak ito ng tawa. Kinuha ko kay Daimler ang hawak na pamaypay saka binato 'yun kay Mickel.

"Corny mo, Ungas!"

Tumayo ako saka lumabas ng room. Makaligo nga. Hindi ko na kaya. Pakiramdam ko ang baho-baho ko na. Total naman ay may P.E uniform ako sa locker ko.

Matapos kong kunin ang damit ay agad na akong naligo. Fresh na fresh tuloy ang pakiramdam ko pagkatapos.

Pasado alas dos na ng hapon at halos lahat ng freshman students ay walang klase. Nagtungo ako sa caf dahil bigla akong nakaramdam ng gutom.

Saka ko lang naalala na hindi pala ako nakapag-lunch dahil sa nangyari kanina. Pero okay lang. Worth it naman 'yun. Makakaganti rin ako kay Kartini sa tamang panahon.

Anong akala niya? Ganun-ganun na lang? Mananahimik lang ako ng ilang araw lalo na't mainit ako sa mata ng Dean ngayon. Kapag okay na, saka ako maghahasik ng lagim.

Natawa ako sa sariling naiisip.

"Meron kayong burger? Pero 'wag lagyan ng mayo saka ketsup. Patty's lang," ani ko sa sa tindera saka nagbayad. Hindi kasi ako kumakain nun. Maamoy ko pa lang ang mga 'yun, nasusuka na ako. "Padagdag na rin ho ng shakes. Ikaw na ang bahala sa flavor. Kapag hindi ko nagustuhan, next time, hindi na ako bibili sa 'yo dito," banta ko.

Napakamot naman ang tindera saka tumango-tango.

Dahil ako lang naman ang bumibili ay limang minuto lang nabigyan niya na ako ng order ko. Matapos nun ay lumabas ako ng caf. Naghe-head bang pa ako sa tugtoog na pinapakinggan ko sa earphone ko habang sumipsip sa straw.

My Maton Girlfriend (On Going)Where stories live. Discover now