All For Love

56 1 0
                                        

"Cena, ayusin mo na ang mga gamit mo. Magbalot-balot ka na dahil hindi na kita kailangan dito. Aalis ka na. Nandiyan na 'yong gustong umampon sa 'yo" Dinig kong sabi ni Auntie Margie sa 'kin isang araw pagkatapos matapos ang pakikipagusap n'ya sa isang matandang lalaki.

"Ano pang tinatanga-tanga mo riyan? Kilos na!" Inis nitong wika sa 'kin nang makita na hindi pa rin ako kumikilos. Natatakot ako kay Auntie sa t'wing ganyan na ang tono ng boses n'ya. Parang mangangain.

"O-opo!"

Kaya naman, agad akong nagtungo sa bodega kung saan ako pinatuloy ni Auntie ng halos isang taon. Sinimulan kong ayusin ang mga gamit ko at isinilid sa isang luma nang traveling bag. Pagkatapos ay nilagyan ko ng perdible at sinigurong walang malalaglag na gamit doon. Sira na kasi yung zipper ng bag.

Si Auntie Margie ay kapatid ng papa Alfred ko sa ina. Matapos akong maulila ay kinupkop n'ya ako hindi para arugain o pag-aralin. Kung hindi para gawing katulong n'ya sa loob ng bahay.

Mabait naman si Auntie Margie, minsan. Mabait siya sa tuwing nananalo s'ya sa sugal o kaya naman ay pag napansin n'yang malinis na malinis ang buong paligid ng bahay. Wala s'yang asawa at wala ring anak. Kaming dalawa lang sa bahay.

Hindi na ako nagreklamo nun nung sa bodega ako pinatuloy ni Auntie. Naiintindihan kong sanay siyang mag-isa kaya ayaw n'yang may kasama sa loob ng tinitirhan n'ya.

Noong isang araw pa ako kinausap ni Auntie sa bagay na ito. Ang sabi n'ya sa 'kin ay may balak daw umampon sa 'kin. Tinanong ko s'ya kung sino. Ang sabi n'ya ay huwag na raw akong masyadong matanong. Naririndi raw s'ya. Basta dapat daw ay magpasalamat na lang ako sa kanya dahil baka mamuhay na raw ako ng mariwasa.

"Cena, ito si Jerry," pakilala ni Auntie sa matandang lalaking nasa harap. Sa tantiya ko ay mahigit nasa limampung taong gulang na ito. "Siya ang gustong umampon sa 'yo."

"Kamusta ka, Cena?" Bati sa 'kin ng matandang lalaki na ang pangalan pala ay Jerry. Nang mga oras na yun. Parang gusto kong magtatakbo pabalik sa bodega. Natatakot ako.

Hindi man ako napag-aral ni Auntie, alam ko naman yung mga ganitong scenario. Alam ko ang tungkol sa phedophilia. At ayokong matulad sa ibang batang madalas kong mapanuod sa TV ni Auntie sa balita t'wing nakikisilip ako.

Pero mali pala ako ng iniisip kay Jerry nang mga oras na 'yon. Mabait pala s'ya. Isinikay n'ya ako sa sasakyan at tinulungan sa gamit ko. Ang sabi n'ya, hindi raw s'ya ang talagang umampon sa 'kin. Kung hindi ang amo n'ya.

Napaisip ako. Hindi pa pala si Jerry ang amo? Pero ang gara naman ng suot n'ya. At mukhang mamahalin. Nalaman ko na malaki pala ang binigay nilang pera kay Auntie kapalit ko. Hindi niya sinabi kung ilan. Basta malaki. Hindi na ako nagtaka na tinanggap 'yon agad ni Auntie. Hay, mukhang hindi man lang nga nalungkot sa pag-alis ko. Parang ang saya-saya n'ya pa.

Tahimik lang ako sa loob ng sasakyan buong byahe. At mayamaya pa, bumaba kami sa isang napakagandang bahay. Ang gara! Sobrang laki! Parang mansion—tama, mansion nga!

Namamangha pa rin ako nun pero may lumabas na isang napakagandang babae. Nakasuot s'ya ng magandang kulay rosas na bestida. Napansin kong yumuko si Jerry na nasa gilid ko.

"Señora..." Ani nito.

"Jerry, s'ya na ba 'yon?" Tanong ng magandang babae sa harap ko.

"Yes, Señora" sagot naman ni Jerry.

Bigla akong nilapitan at niyakap ng magandang babae sa harap ko.

"Oh! I've always wanted a second daughter! You're so beautiful, hija! Come, let's get inside. Venice is waiting for you." Hindi ko maintindihan nun yung mga sinabi ng magandang babae. Pero nagagalak ang puso ko na para bang ngayon lang ako ulit nakaramdam ng ganoong klase ng tuwa mula ng mawala sina papa Alfred at nanay Marie. "Jerry, carry her things inside"

"Yes, Señora"

Pagpasok namin sa loob, kung ano ang ikinamangha ko pagkakita sa labas, ay mas namangha pa ako. Sobra-sobra ang pagkamangha ko noon dahil ngayon lang ako nakapasok sa isang napakagandang mansion!

"Anong pangalan mo, hija? At ilang taon ka na?" Tanong ng magandang babae.

Nahihiya naman akong sumagot. "A-Azucena Katigbak po, 13 years old"

"Hmm, matanda ka lang ng isang taon sa nag-iisa kong anak na babae," sabi n'ya nang nakangiti. "Oh—there she is" Sabi n'ya. Kaya napalingon din ako sa direksyon kung saan s'ya nakatingin.

Doon ko nakita ang isang maganda ring batang babae kagaya ko. Mahaba ang buhok nito na hanggang bewang. Maputi at may maamong mukha. Unti-unti itong lumapit sa 'min nang nakangiti. May kinang sa mga mata nitong nakatingin sa 'kin. Kaya napangiti rin ako.

"Venice, meet your new sister. Azucena" Sabi ng magandang babae. Habang hawak ang kamay ng sinasabi n'ya siguro kaninang anak n'ya. Mas lalong ngumiti sa 'kin ang batang babae. "Cena, from now on, you'll be my daughter's elder sister. And you're now, Azucena Montellon. You're now my daughter. Kaya anumang nangyari sa'yo sa nakaraan hija, kalimutan mo na. Kami na ngayon ang pamilya mo."

At simula sa araw na 'yon, nagbago ang buhay ko.

-


This is a work of fiction. Names, characters, business, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

All rights reserved.
No part of this story may be reproduced in any form or by any means without the prior consent of the author.

ALL FOR LOVEStories to obsess over. Discover now