Pasakit

251 12 0
                                    

"Kailan graduation mo Bream?"

"Bukas na po. Tita." Masaya kong saad.

"Anong gusto mong regalo? Bibilhin ko" Nakangiti habang nakatingin sa akin si Tita.

"Ahm. Tita. Gusto ko lang po sanang lumabas tayong tatlo nina Mama. Pumunta sa restaurant ganun po." Agad nawala ang ngiti ni tita matapos kong sabihin yun.


"Ah Bream, ano kasi. Alam mo naman na di lumalabas si Ate, diba? Okay lang ba sayo kung tayong dalawa lang muna? Saka na tayo lalabas na tatlo kapag tapos ka na sa kolehiyo." Pangungumbinsi ni tita sa akin. Kaya tumango nalang ako at ngumiti sa kanya.

"Kahit pa makatapos ka pa ng kolehiyo. Hindi ako sasamang lumabas sainyo."

Sabay kaming napatingin ni tita sa gawi ng nagsalita. Umawang ang aking mga labi at dahan dahang ibinalik ang atensiyon sa aking kinakain.

"Ate!" Singhal sa kaniya ni Tita.

Narinig kong papalapit na ang yabag sa katapat ng aking pwesto kung kaya't dahan dahan kong inangat ang aking paningin.

"Ma." Mahina kong bulong.

"Hindi ako ang sasabit ng medalya mo bukas. Kung mayroon man." Walang buhay niyang sabi.

"Wala ka na ba talagang pakiramdam ngayon? Wala ka na bang awa? Ate naman! Kausap mo yang anak mo! Kung itrato mo parang ibang tao! Pangarap niyang ikaw ang magsabit ng medalya sa kaniya! Ni
"Congratulations!" nga wala? Napakamanhid mo naman na ata?!" Namumulang mukha ni tita ang nakita ko ng humarap ako sa direksyon niya. Makikitang galit siya dahil sa mga nagtatagis niyang bagang.


"Stasy. Pwede ba? Huwag kang makialam. Hindi mo naman anak yan. Umalis ka nalang, ang dami mong sinasabi" Saad ni Mama.

"Ate Charm. Mawalang galang na, pero pamangkin ko siya. May pakialam ako kasi pamangkin ko siya. Huwag mo akong itulad sayo. Ina ka na nga, kung umasta ka para kang dalagang hindi pa nakakamove on sa ex mo. Kaya anak mo yang sinisisi mo" Napabaling ang tingin ni mama kay tita. Dahan dahan niyang kinuha ang baso na may lamang tubig at isinaboy kay tita. Dahilan para mapatili si tita ng malakas.



"ATE! ANO BA?!"


Agad kong inabot ang tuwalyang nasa silya kay tita dahil basang basa ang kaniyang mukha.


"Huwag kang mandamay ng ibang tao. Matuto kang ilugar yang kadaldalan mo." Malamig na sambit ni mama.


"Alam ko kung saan ilulugar ang kadaldalan ko. At ngayon yun." Mariin na sambit ni tita.


"Huwag ka nalang magsalita. Baka hindi lang yan ang maranasan mo. At huwag mong hintaying palayasin kita sa pamamahay ko, Stasy." Nagtatagis ang bagang na animoy kaaway ang kaharap ni mama. Inilipat niya ang tingin sa akin. Agad akong kinabahan sa mga tingin niya.



"Ikaw ang puno't dulo. Pasakit ka sa buhay." Pagkatapos sabihin yun. Tumalikod siya at iniwan kami.

"Huwag kang iiyak. Huwag kang iiyak" paulit ulit kong sinasabi sa aking sarili.


Nagulat ako dahil sa mga bisig na yumakap sa akin.

Si tita.

Katanungang Walang Kasagutan (COMPLETED)Where stories live. Discover now