Chapter 15: That Dirty Woman

Začít od začátku
                                    

            “Oh? Anong trabaho ‘yon?” Naging interesado agad-agad si Aubrey. Pero may pagdududa siya. Parang may ideya na siya kung anong tinutukoy na trabaho nito at ayaw niya no’n.

            Napangiti si Keisha at tinignan siya mula ulo hanggang paa. “Hmm... Puwede ka na rin. Kaso ewan ko lang kung game ka sa ganung klase ng trabaho.”

            Napataas ng isang kilay si Aubrey. Sabi na nga ba.

            “Game ka nga bang magbenta ng aliw?” Pabulong nitong tanong at nainsulto siya. Nagtitimpi na lang siya na barahin ito. “Sayang din ang kita roon. Naglalaro sa lima hanggang sampung libo kada customer. Pero kapag sinuwerte ka, may lalaking magbabayad hanggang 50K magamit ka lang. Ay, lalo ka na. Virgin ka pa ‘no?”

            “Sorry ah, hindi ako interesado sa ganyang trabaho.” Pilit siyang hindi nagsungit at bumalik sa pag-i-scan sa classified ads na hawak. Hinding-hindi ako papasok sa ganung klaseng trabaho ‘no. Tss. She wanted to add.

            “Ganun... Sige. Ikaw bahala.” At hindi na siya muling kinausap ni Keisha.

                                                            ***

PRELIM EXAMS WEEK was about to come at problemado na naman si Aubrey.

            Kailangan niyang makapag-exam. But before that, kailangan niya munang mabayaran ang first installment ng tuition fee niya for the second sem.

            Pero hindi pa buo ang pera niya.

            Good thing, puwede siyang gumamit ng promissory note.

            Kaya lang, paano na pagdating ng midterms?

            Nag-aalala siya. Hindi kasi siya makasigurado kung makakabayad ba siya ng first installment bago mag-midterms. Mabilis tumakbo ang oras pero mabagal makapag-ipon ng pera.

            Kakayanin ko pa ba ‘to?

            She went through another period of depression. Naisip niya na tumigil na lang sa pag-aaral. Kaso naisip niya rin ang mararamdaman ng kanyang ina kung ititigil niya iyon. Kaya kahit hirap, pinilit siyang gumawa ng paraan.

            Musica Academy of Paris

            Nagbabasa si Aubrey ng mga naliligaw na Job Hiring flyers sa freedom wall nila nang mapansin niya ang poster na iyon ng isang music school sa Paris, France.

            Prestihiyosong paaralan pala iyon doon at ngayon, naghahanap ito ng interested students sa unibersidad nila na maging scholar at doon mag-aral sa Paris.

            Agad namang pumasok sa isip ni Aubrey ang pagpa-piano niya—talento niyang pinasa pa sa kanya na kanyang ina—at ang pangarap niya noon na maging propesyunal na pianista.

            Aubrey took the admission exams. Pangkatuwaan lang. Gusto lang kasi niya iyon maranasan. Ang tumugtog ng piano at may mga kritikong kikilatis sa kanya.

            But unexpectedly, she passed. In fact, nag-iisa lang siya sa unibersidad nila na nakapasa at nakatanggap ng scholarship.

            Ito na ang pagkakataon ko...

            Pero... hindi ko kaya...

Haunting Aubrey (SEXY BLACK Duology Book 1)Kde žijí příběhy. Začni objevovat