Chapter 15: That Dirty Woman

Začít od začátku
                                    

            A-anong nangyari kay M-Mama?

            Ayun ang tanong na nagpaulit-ulit sa isip niya—na agad ding nabigyang kasagutan nang sagutin na niya ang tawag na mula pala sa isang ospital.

            “Ms. de Vera, huwag po kayong mabibigla. Pero ang mama niyo...”

            “De Vera!” Galit na sigaw ng prof niya na nadagdagan pa ng sermon dahil sa pagse-cellphone niya sa gitna ng klase pero hindi niya iyon binigyang pansin.

            “B-bakit po ba? Ano po bang nangyari s-sa mama ko?” Nanginginig pa rin ang mga kamay niya. Ang mga mata niya, naluluha na sa sobrang takot.

            At sa mga sunod na salitang narinig niya, tuluyan nang bumagsak ang mga luha niya kasabay ng pagguho ng mundo niya.

            Wala na... W-wala na si Mama...

                                                            ***

DEAD-ON-THE-spot after a hit-and-run ang nangyari sa ina ni Aubrey—sa ina niya na nag-iisa na lang na kasangga niya sa buhay. Nag-iisa na nga lang, nawala pa.

            Paano na ako ngayon?

            Sa panahong iyon, hindi na niya alam kung saan siya tutungo. Labing-anim na taon palang siya. Wala siyang alam pagdating sa pagha-hanapbuhay dahil inako iyon ng kanyang ina—dahil ang pinakagusto nito ay makataposmuna siya sa pag-aaral. Pero dahil wala na ang mama niya at wala namang ibang kamag-anak o taong tutulong sa kanya, pinilit niyang matuto na suportahan ang sarili.

            Aubrey did part-time jobs para maisabay niya ang kanyang pag-aaral. Para makapagtapos siya gaya ng pangarap ng mama niya.

            Kaso, napakahirap. Halos hindi na kayanin ng katawan niya ang pagta-trabaho at pag-aaral. Doble pagod, doble puyat. Kung hindi sakto ang perang kinikita niya sa mga pangangailangan niya, nagkukulang naman ito. Kaya bukod sa pagod at puyat, dumanas din siya ng matinding depresyon.

            Gabi-gabi, umiiyak siya. Mag-isa. Walang karamay. Ginusto na niyang sumuko. Ginusto niyang magpakamatay na lang para matapos na ang problema niya. Pero hindi niya kaya dahil sa madalas na pangaral ng kanyang ina noon.

            “Kahit gaano karami o kabigat ang problema, kakayanin mo ‘yan. Tignan mo ako. Mula nang mamatay papa mo, ang dami kong pinroblema. Pero kinaya ko. Kaya ikaw Aubrey, anak, huwag na huwag mong gagawing option ang pagsuko ah? Ano pa mang mapagdaanan mo, gawaan mo ng solusyon, ng paraan, at malalagpasan mo rin ‘yan.”

            “Naghahanap ka na naman ng trabaho?”

            Nabigla si Aubrey sa biglang pagsulpot ng kaklase niyang si Keisha sa likuran ng kanyang upuan. Nakasilip ito sa binabasa niyang classified ads sa isang broadsheet newspaper.

            “Uh, oo...” Hindi siya kumportableng kausapin si Keisha. Hindi kasi ito ang tipo ng taong kakaibiganin niya.

            Napaka-sexy kasi pumorma ni Keisha. Palibhasa naman, may maipagmamalaki physically. Kaso ang pagka-sexy ng porma nito, medyo bastusin ang dating. Minsan nagmumukha na itong prostitute sa paningin niya.

            “Grabe naman,” komento nito habang nagchu-chewing gum. “Malaking pera ba ang kailangan mo, Aubrey? May alam kasi akong trabaho na easy-money.”

Haunting Aubrey (SEXY BLACK Duology Book 1)Kde žijí příběhy. Začni objevovat