Are You Crazy ?

95 3 0
                                    


*Kriiiing!*

Break time na namin .

Tumayo na ang mga kaklase ko at nagsilabasan . Nagpahuli nalang kaming apat .

"So tara na ? "

Pag-aya ni Skylar nang wala ng tao sa room.

" Let's go ! "

Sigaw ni Aisha at nauna ng naglakad.

Papalabas na din sana ako ng mapansin kong natutulog pa rin si boy transferee .Wala ba yang balak gumising at kumain manlang ? Hyy

" Uh . Guys mauna na kayo sa cafeteria susunod nalang ako. "

Pagpapaalam ko sa kanila. Gigisingin ko pa kasi ang bakulaw na to eh . Hehehe concerned kaya ako !

" O-okay ? Sige . "

Sagot naman nila at umalis na . Bumalik naman ako sa likuran at tumayo sa harap ni boy bakulaw/Mister transperi .

*poke* *poke* *poke*

Di pa rin gumising at umungol pa.

"Oy ! Mister Transperi gising ! "

Sabi ko habang patuloy pa rin sa pagsundot sa pisnge niya.

Hayyy. Ang hirap naman tong gisingin . Napasarap ata ang tulog.

Linapit ko ang mukha ko sa kanya at tiningnan siya ng mabuti . Mahaba pala pilik mata niya , maputi din .ang kinis ng balat . Sabi ko sa isipan ko habang hinahaplos ang pisnge niya .Putek! Nahiya ako sa kinis ko. Talo pa ata ako nito eh . Tapos Ang tangos ng ilong niya at - at mapupula ang labi.

Geeez ! Nate-tempt talaga ako! Mas gwapo pala siya sa malapitan.

I traced his lips with my hand ng bigla siyang gumalaw .

Napatayo naman ako bigla. Hehe kakahiya naman kung magising siyang ginagawa ko yun . Masungit pa naman ata to.

Nang hindi na siya gumalaw pinagmasdan ko ulit siya . Hindi ko alam napapangiti na pala ako .

Uggh! What is happening to you Yeesha ? Ngayon ka lang ba nakakita ng gwapo ?

Sabi ng brain ko.

Eeeh . Minsan lang naman to eh .

Sabihin mo tumatalande ka na !

Sigaw ni brain sakin

Geeez! Im not ! Hindi ba pwedeng tumingin eh sa gwapo siya eh ! Naiinlab na ata ako .

Eewww. Kilabutan ka sana .

Sabi ulit ni brain.

Tss . Mind your own business ! Inggit ka lang !

Ayun hindi na sumagot . Totoo ata eh . Naiingit si brain sakin. HAHAHA

Hey ! Im not crazy . Sadyang ganito talaga ako basta makakita ng gwapo . Ahihihi lumalande na siguro talaga ako.

Napa-giggle naman ako sa iniisip ko.

" Are you crazy ? "

Ha? Sino naman yun ?

Lumingon lingon ako. Wala naman ah ? Parang wala namang tao dito except sa akin at kay Pogi the transpe- O_O

" Oh my gee "

-///////-

Waaaah! Gosh ! Mommy ! Daddy !

Earth lamunin mo na ako please ?

Ayokong mapahiya here . Huhuhu

Anong isasagot ko ?

" Ah eh iih . Hehe "

Tanging nasabi ko at kumaripas na ng takbo palabas ng room.

Sheeet ! Kahiya !

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Not really as I expected .

HAHA . Till Next Chapter ^-^

Mr. ColdWhere stories live. Discover now