Oh.

57 4 1
                                    


"Aye aye my baby boo-boo."

Napantig naman ang tenga ko dun. Baby Boo-boo? Anong klaseng salita yan?!

"Bwes*t kang bobo ka! Anong sinasabi mo jan ha ? Nahihibang ka na ba?! Sapakin kita jan eh!"

Sigaw ko sabay hila ng buhok niya. Kinagat ko din ang tenga niya at napasigaw naman siya sa sakit.

"Huy wag kang malikot! Mahuhulog ka."

Hindi ko siya pinakinggan at sinakal-sakal siya.

"Babe *ackk* hindi ako maka *aahck* hinga."

Hinigpitan ko pa ito dahilan ng pagkalaglag ko. Kinuha niya kasi ang kamay niyang sumusuporta sa likod ko at kinuha ang mga kamay ko sa leeg niya.

"Ouch! My butt!"

Sigaw ko at hinimas ang pwet ko.

"Hala! Babe sorry! Let me help you."

Sabi niya at tinulungan akong tumayo.

Tinabig ko naman ang mga kamay niya at tumayo kahit mahapdi pa ang tuhod ko. Pati ang ankle ko. May sprain ata.

"No thanks. I can manage."

Sabi ko at naglakad na paalis. Uuwi na ngalang ako. Nakakabadtrip naman dito sa school. Tsk.

Paika-ika akong naglakad papuntang gate. Hindi ako tumitigil kahit sigaw ng sigaw ang ul*l na yun sa gitna ng field. Nakakabwes*t ang mukha niya. Naiinis ako.

I fished my phone from my pocket at dinial ang number ni Mr. Odelle. Magpapasundo na ako. Nakakasura na dito. Bad vibes mga mukha nila. =___=

Ilang ring lang at sinagot naman agad  ni Mr. Odelle.

[Yes Young Miss?]

"Pick me up."

Sabi ko at naghung up .

Sana si Basti nalang ang tumulong sa akin.

Hmp!

Wait. Si Basti pala! Bwahahahaha

Dinial ko ulit ang number ni Mr. Odelle.

[Yes You-]

"I changed my mind. Don't pick me up nalang pala.]

I said at pinatay na ang phone.

Tiningnan ko ang wristwatch ko at may 3 minutes pa ako bago mag-bell kaya tinodo ko na ang pagtakbo kahit na paika-ika pa.

Wala na masyadong students sa hallway kaya mabilis lang akong nakarating sa room namin. Filipino pa naman ang subject at si Sir Pirans pa ang teacher namin. What a luck ! =____=

Sumilip ako sa pinto at nakitang nakaupo na lahat ng mga classmates ko.

Napatampal naman ako sa noo.

"Kung sini-swerte ka nga naman."

Bulong ko sa sarili ko. Tumingin tingin naman ako kung nanjan na si Sir at ayun. Prenteng nakaupo sa table niya habang nagta-type sa laptop niya.

Nakita ko naman si Aisha na gumagawa ng gestures mouthing 'Hala ka. Pasok na!'

I creased my forehead. Paano ako papasok kung nanjan na ang baklang terror teacher namin sa harap ?

Mr. ColdWhere stories live. Discover now