Sarap

68 4 3
                                    

Dedicated to ela_KNfan. Siya kasi ang masugid kong reader, voter, at commenter. Huahua ^^ Mobile kasi ang gamit ko eh kaya hindi ko maset ng maayos. Sige sige. Keep reading guys. #SuperShortUD lang to.

→→→→→→→→→→→→→→→→→
THIRD PERSON's POV

"What time is it?!"

Sigaw ni Aisha sa kalagitnaan ng mga naglalakad na estudyante sa kahabaan ng hallway. Breaktime na Ang dalawa naman ay walang imik lang. Nasa kanya-kanya silang sariling mundo. Sina Ayeesha at Skylar na nakatulala lang.

"What time is it?!"

Sigaw ulit ni Aisha ng hindi pansinin ng dalawa. Ngunit parang wala lang narinig ang dalawa.

"It's Knick Knacks time!!!"

Sagot nalang ni Aisha sa sariling tanong habang padabog na naglalakad.

"Guys anong gusto niyong kainin?"

Tanong ulit ni Aisha ngunit wala pa rin siyang narinig na sagot.

"Libre ko na."

"........."

"Aaah! Guys! Ano ba! Kanina pa ako salita ng salita dito wala ba kayong balak magsalita?!"

Sigaw ni Aisha. Halatang naiinis na siya. Napasabunot siya sa kanyang sarili dahil sa inaakto ng dalawa niyang kaibigan.

"........"

"Ganun? Dedma nalang talaga ako? Sa ganda kong to?"

"......."

"Sige inisin niyo pa ako. Bestfriend niyo oh.Bakit di niyo ako pinapansin? Sige kayo. Maghahanap talaga ako ng new bestfriend."

"......"

"Ah ganun? Mica!"

Tawag ni Aisha sa kilala niyang classmate na napadaan.

Lumingon din naman ang babae kay Aisha at tinuro ang sarili. "Ako?" Tanong niya kay Aisha. Bigla namang namula ang ilong ni Aisha sa inis.

"Hindi! Hindi! Yung katabi mo." Kalmadong may halo ng pambarang tonong sagot ni Aisha sa classmate na si Mica kahit inis na inis na siya.

Tumango naman si Mica at kinalabit ang katabi niya. "Juls tawag ka daw." Tumango din naman ito.

Napasapo naman si Aisha ng noo niya. "Ay tanga." Tanging nasabi niya.

"Bakit?"

Napaharap si Aisha sa babaeng lumapit sa kanya na nagnga-ngalang Julia or Juls. Napakunot siya ng noo ng hindi ito makilala.

Mr. ColdWhere stories live. Discover now