"Oo naman," sabi niya mukha naman siyang mabait, siguro gagawa na ako ng kaibigan ngayon palang.

"Hi ako ng pala si Fiolee." ngumiti ako at nilahad ang kamay ko sa kaniya, naging pormal ako sa harap niya kasi mukha siyang disente at may pinag aralan.

"Hahaha pormal mo girl." natawa ako dahil mali pala ang tingin ko, hinubad niya ang salamin siya at binaba ang binabasa niya saka inabot ang kamay ko.

"Reyly nga pala." tumingin siya sa'kin at parang may pinapakiramdaman siguro inaalam niya kung bampira ako.

"Okay Reyly, ano ng tinatake mo? Mag eenroll ka rin ba or nag aaral kana dito?" Tanong ko malay ko ba kung mas matanda siya sa'kin.

"Kakatapos ko lang mag take ng exam kanina, graphic artist ang kinukuha ko," sabi niya kaya nag ningning ang mga mata ko.

"Waaah same!" Napatayo ako sa sobrang saya kasi naman bampira rin siya at magiging classmate ko pa!

"Lower your voice teh," sabi siya sa'kin at tinignan 'yung mga lalaki sa malayo na nakatingin samin.

"Nag papacute ako sa mga lalaki doon oh sinisira mo ang porma ko no ka ba," sabi niya kaya napatawa ako, parang mag kakasundo kami nito.

"HAHAHA ganun ba sorry," sabi ko at inayos ang upo ko.

"Mag isa ka lang?" Tanong niya at umiling ako.

"May kasama ako kaso 'yung dalawang 'yun iniwan ko."

"Bakit?" Napabuntong hininga ako.

"Pano daming asungot na nasunod sa kanila." tinignan ko ang paligid pero wala pa rin sila Marshall, na saan na ba 'yung dalawang 'yun?

"Pogi 'yan no?" sabi niya na parang may naamoy akong plano niya.

"Alam ko iniisip mo." ngumiti siya ng malapad at niyakap ako.

"Iisa tayo nang isip magkakasundo tayo simula ngayon sista na kita hoho." nag iba ang awra niya at parang dark side na may pinaplanong masama.

"You need to introduce them to me." Mala demonyo niyang ngiti kaya kinilabutan ako.

"Wait girl jowa ko isa doon ah." ngumiti siya sa'kin at inakbayan ako. Kala ko talaga mahinhin siya pero pagtinanggal niya na ang salamin niya nagiging makulit siya haha.

"No prob may isa pa naman eh." saka niya ko inaya tumayo.

"Tara na magtake ka muna ng exam dapat makapasa ka d'yan para classmate tayo." naglakad kami habang naka akbay siya sa'kin at may nakakasilaw na ngite.

Para siyang ewan.

Natapos ako mag exam at sinamahan pa rin ako ni Reyly mag libot sa buong university, bago lang din siya dito pero alam niya na daw ang pasikot sikot dito. Nag tataka nga ako eh kung bago siya dapat 'di niya alam 'to.

"Neng saan ba 'yung mga tropa mo?" Nilingat lingat niya 'yung ulo niya.

"Baka nag tatake din ng exam, si Prince kukuha ng pagiging teacher eh si Marshall ewan ko." napanguso ako, ano nga ba kukuning course nun?

"Okay then tara dito." Hinila niya ko kung saan at nakita ko si Prince na nag tatake ng exam samantalang si Marshall nakaupo doon at naka-dekwatro pa.

"Marshall." tinawag ko siya at agad din siyang tumayo.

"Saan ka ba galing ha? Kanina pa kita hinahanap at teka." tinignan niya si Reyly ulo hanggang paa.

"Sino ka naman?" Bastos 'tong si Marshall.

Sumama ang tingin ni Reyly kay Marshall, at nilapit ang ilong nito kay Marshall, agad niyang hinila si Marshall at parang nag bubulungan sila, 'di ko gets pero mamaya maya ay bumalik din sila.

"Gosh 'di mo sinabi bampira ka pala? At hindi ko na amoy if hindi ko pa nalaman dito sa Marshall na 'to." napasabunot siya sa buhok niya.

"Haha sorry." ngumuso lang siya

"Wait, Reyly si Marshall, Marshall si Reyly." late ko nang sinabi pero ginawa ko pa rin para naman pormal silang magkakilala.

"Siya ba 'yung jowa mo?" Tumango ako.

"Na saan 'yung isa?" Tinuro ko si Prince doon sa loob ng room na nag tatake ng exam at para siyang nag ulat, napahawak siya sa bibig niya at ilang beses kumurap.

"Reyly?" Hindi niya inaalis ang titig niya kay Prince.

"Love at first sight 'yan," sabi ni Marshall at hinampas ko siya, para kasing maiiyak na si Reyly nung nakita niya si Prince.

"Ke-kenneth?" Nabigkas niya at unting unti nang tumulo ang mga luha niya.

Nagulat kami sa ni-react niya kaya pinakalma namin siya, pinaupo namin siya sa bench at saka siya kinausap.

"Reyly bakit?" Tanong ko.

"Kamukhang kamukha niya si Kenneth," sabi niya habang nakatungo, hawak-hawak niya 'yung libro na kanina niyang binabasa. Nawala ang saya sa mga mata niya at parang binalikan ng mga bangungot sa buhay niya.

"Sino naman 'yun," sabi ni Marshall.

"Boyfriend ko dati." mahina niyang sabi.

"Nag break na kayo?" Tanong ko, mukha ba kong chismosa o pakialamera? Pero concern lang naman ako sa kaniya kaya inaalam ko kung bakit siya naging ganito.

"Hindi patay na siya." napalunok ako at tinignan siya.

"Sorry Reyly." hingod ko ang likod niya.

"Namatay na siya since 1997 and na iwan ako dito, dito sa school na 'to." nababasa ng mga luha niya 'yung libro na nakapatong sa binti niya. Kaya pala solo niya na ang school dahil ilang beses na siyang nag aaral dito.

"Grabe ilang years ko siyang inantay at ngayon makikita ko ulit siya? Kaso sa ibang katawan na." napakagat siya ng labi niya, pinipigilan umiyak.

"Wala tayong magagawa mortal sila." cold na sabi ni Marshall, kung naging mortal din ba ko ganito rin ang mangyayari sa'min ni Marshall?

Parang ang lungkot masyado.

"Hey guys iniwan niyo ko doon." na gulat kami dahil dumating na si Prince, nakita ko namang pinunasan ni Reyly ang luha niya at tumayo.

"Una na ko ah, salamat ulit. Sana magkita tayo sa first day of college haha." tumakbo siya at na iwan niya 'yung librong binabasa niya.

"Sino 'yun?" sabi ni Prince at kinuha 'yung libro.

"Ignite me." binasa niya 'yung title at umupo sa tabi namin.

"Naiwan niya," sabi pa niya at hinabol ng tingin ang papalayong si Reyly. 


TO BE CONTINUED 

Your Blood Is MineWhere stories live. Discover now