CHAPTER 18

48 8 0
                                    

SUNSHINE'S PoV

Sinabunotan ko ang sarili kong buhok dahil sa ka-iisip kung anong naging dahilan kung bakit sumakit ang ulo ko kaninang umaga.

Bukod kasi sa pananakot ni Claude sa akin kagabi at sa mga posts sa instagram at wala na akong maalala, hindi naman ganoon ka laki ang epekto nung mga iyon sa akin.

"Okay ka lang ba talaga?" Nakakunot noong tanong ni Lorraine , lahat naman ng mga kaibigan ko nakatingin na sa akin ngayon.

"Tanga neto" bugaw ni Lorenz sa kakambal
"Hindi nga nabawasan ang pagkain oh , okay ba yan?" sabi ni Lorenz.

"Oh eh bakit di ka okay?" Tanong ni Pepay, ginulo ko ulit ang buhok ko dahil sa inis.

"Tigilan mo nga yang paggulo-gulo mo sa buhok mo Sunny, mukha kang tukmol" reklamo ni Theo , tumawa naman silang lahat. Tiningnan ko naman siya ng masama.

"Sabi ko nga , tukmol na maganda" pagbawi niya , pinakatitigan ko naman ang pinggan ko na hindi man lang nagalaw.

"Um-order ka pa hindi mo naman kakainin" si Pepay sabay hila sa pinggan.

"Ano ba talaga ang gumugulo diyan sa isip mo ah? Kanina ka pa eh" reklamo ni Lorraine.

"Let her think" depensa naman ni Lorenz na nasa tabi ko pala.

"Eh kasi naman eh" sabi ko saka umupo ng maayos.

"Kaninang umaga ang sakit sakit ng ulo ko na parang binibiak, tapos paggising ko nasa hospital na ako. Sabi naman ng doctor stress lang daw ako , eh wala namang dahilan para ma stress ako , feeling ko talaga may nangyari kagabi eh , hindi ko lang matandaan" sabi ko , nagkatinginan naman sila saka nagsalita si Lorenz sa tabi ko.

"Eh baka tungkol sa mga posts sa IG?" Tanong niya , umiling naman ako.

"Hindi naman ganoon ka laki ang impact noon sa akin , wala naman akong pakealam kung malaman ni Mrs.Reyes ang totoong dahilan ba't ako absent kahapon" sabi ko pa saka sinubsub ulit ang mukha sa brasong nakapatong sa mesa.

"Oh eh bakit ka nga ba absent kahapon? Yan tuloy , nagkanda-ugaga kang maghabol sa mga activities niyo" sabi ni Pepay sabay subo sa manok.

"Eh kasi sinamahan ko si Rain sa farm , mukhang may problema eh" sabi ko saka umayos ng upo , nagkatinginan naman silang lahat at bakas sa mga mukha nila ang panunukso.

"Anong ginawa niyo kahapon para maibsan ang kalungkotan ni Rain?" Tanong ni Lorriane habang binubuksan ang foundation niya.

"Naglaro ng soccer , saka alam niyo ba..." nagsimula na akong magkwento sa kanila tungkol sa mga ginawa namin ni Rain kahapon hanggang sa maka-uwi kami , pero syempre yung iba hindi ko na sinabi.

"Confirm Guys!" Agad na sigaw ni Theo sabay hampas sa mesa matapos kong magkwento.

"Oo nga" sabay nilang sabi, kumunot naman ang noo ko.

"Anong confirm?" Tanong ko sa kanila.

"NA IN LOVE KA KAY RAIN" sabay nilang sabi lahat.

"A-ano?! Hoy kayo ah! Grabe kayo! Porket sinamahan ko lang in love na ako?" Sabi ko saka inayos ang sarili kong buhok.

"Sabihin mo nga sakin kung bakit hindi ka in love kay Rain? Eh sa tuwing kinukwento mo siya ang saya-saya ng aura mo, nakangiti ka pang litche ka" sabi ni Lorraine.

10,718 Miles of Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now