Bigla namang sumingit ang nurse na nag-interview sa akin kanina na may dala dalang syringe na ginagamit kapag kumukuha ng dugo.

"Excuse me ma'am , kukunan ko lang po siya ng dugo" sabi niya , umalis naman si mommy mula sa pagkakayakap kay Sunshine na siya namang inalalayan ni Daddy agad.

Matapos kunan ng dugo ni Sunshine akmang aalis ang nurse nang biglang magsalita si mommy.

"Magtatagal ba dito ang anak ko , nurse?" Tanong ni mommy , pumihit naman ang nurse paharap kay Mommy.

"Hindi ko rin po alam ma'am , depende po sa resulta ng laboratory" sagot niya , ako naman ang nagtanong.

"Anong oras namin malalaman ang result?" Tanong ko , pumihit naman siya paharap sa akin saka sumagot.

"Mga iilang oras din po" sagot niya , si Dad naman ang nagtanong at pumihit na naman siya paharap kay Dad.

"Bakit may dextrose ang anak ko? Kung gayong hindi pa nalalabas ang result ng laboratory saka ngayon pa nakunan ng dugo?" Tanong ni Daddy.

"Kasi po , mukhang nagka migraine ang anak niyo. Ang kailangan nalang po ay ang dahilan kung bakit nagka migraine siya" sagot ng nurse , ng mga ilang segundong wala ng nagtanong sa amin, nag excuse siya saka umalis.

Bumunto hininga naman si Daddy saka yinakap si Mommy.

"Ano bang pinagagawa ng batang ito kagabi? Kung totousin nga dapat ako ang sumakit ang ulo dahil ako ang naglasing kagabi" sabi niya pa , agad namang napatingin si Mommy ng masama sa kaniya.

"Yes Darling , I'm guilty" sabi niya pa , bigla namang gumalaw si Sunshine at minulat ang mga mata.

"N-nasaan ako?" Tanong niya sabay hawak sa ulo niya , bigla namang lumapit si mommy sa kaniya.

"Anak , nasa hospital ka , masakit pa ba ang ulo mo?" Mahinahong tanong ni Mommy , agad naman niya kaming pinagmasdan at ngumiti ng pilit kay Mommy.

"H-hindi na po masyado" sagot niya , yumakap naman si Mommy sa kaniya saka nagtanong si Daddy.

"Ano bang ginawa mo kagabi para sumakit ang ulo mo ng ganiyan?" Kunot noong tanong ni Daddy.

"Ang huli ko pong natatandaan ay ang pagtingin ko sa teresa t-tapos , yun lang , wala na akong maalala" sabi niya pa , nagkatinginan naman kami ni Daddy saka magsasalita na sana ako nang biglang may Doctor na sumingit.

"Excuse me , are you the parents of this?" Tanong ng Doctor , tumango naman sina Mommy saka tumingin kay Sunshine.

"We found out na s-she's stress and you don't have to worry , it's not that big thing" paliwanag ng doctor habang nakayuko.

"Did you remember something kagabi hija? You know , yung nakaka stress sayo" tanong ng Doctor , sinapo naman ni Sunshine ang ulo niya saka pilit na inaalala.

"W-wala talaga doc eh" sagot niya , tumango naman ang doctor.

"As of now , okay lang siya , pwede na siya ma discharge , all she need is a break form the city , siguro mabuti kong magbakasyon kayo , somewhere" paliwanag ng doctor. Tumango naman sina Mommy at Daddy saka nagpasalamat sa doctor na agad namang umalis.

Lumapit naman ulit yung nurse kanina saka may tinurok sa dextrose ng kapatid ko na agad naman dumaloy papasok sa kamay niya. Matapos non ay tinanggal na ng nurse ang dextrose saka umalis.

"Dito lang muna kayo , babayaran ko lang ang bill" sabi ni Mommy saka lumakad na.

"Ano ba kasing pinagagagawa mo ba't ka ba nai-stress?" Tanong ko , nag pout naman siya saka tumingin sa akin.

10,718 Miles of Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon