"When I saw you with your girlfriend hugging at the library, I envy the warmth you gave her with your hug, Alvaro. At noong dumating ang intrams at may free hug ako sa booth, akala ko talaga mayayakap na kita. I looked forward to it but I was also too shy to initiate. Pakiramdam ko mahihimatay ko."

My jaw dropped. Ang iilang estudyante ay nakatingin na sa akin, para bang alam nila na galing iyon sa akin.

Nagmadali akong pumunta. Masyado na nga lang maraming tao para makita ko pa ang buo. At ang lahat ng nakakakita sa akin, may ngisi na sa labi.

Nagbara na ang mga estudyante sa daanan. Nakikita ko ang iilang grade eleven sa harap na nagkakatuwaan at may binabasang papel. Hindi ko man nakita ng buo, pakiramdam ko alam ko na kung saan napunta ang sulat ko.

I became very dizzy. The laughs I heard from the students weren't the usual teasing laughs. They were full of malice! At ang mga nakakakita sa akin, ay nginingitian akon na para bang may ginawa akong napakasama.

"Uy, baka kaya nagkahiwalay si Alvaro at ang dati niyang girlfriend? Kaya ba milagro at wala na siyang girlfriend ngayon?!"

"Uy si Kalansay! May tinatago ka pa lang landi, ah!"

Then the laughs covered all my rational thoughts.

"It's weird because I want nothing but for you to hold me, but then also I didn't have to guts to do it. Or to tell you. Kaya dito sa sulat ko, sasabihin ko iyon sa'yo."

"Mahal na mahal kita, Alvaro. Love, Yohan Valiente!" the girl on another microphone cheered.

Sa tono pa lang, alam ko nang hindi iyon simpleng pang-aasar iyon. May malisya iyon. Nagtawanan ang lahat at mas lalo akong nanliit.

"Kaya ba walang girlfriend si Alvaro? Ilang buwan na rin 'yon, ah?" the host said maliciously.

"Oo nga! Minsan, nakikita ko nga sila sa parke na may kasamang pusa. Baka hindi natin alam, nalandi na ni Kalansay si Alvaro Santander!"

"Malay natin kaya nagkahiwalay dahil sa paglalandi ni Kalansay Valiente?!"

The then laughed.

"Aww. The message is heartfelt. Yakapin daw sana. Naku, baka higit pa sa yakap ang gusto ng batang 'yon!"

They laughed again. Each time they speak, I feel like I'm shrinking.

"Kaya lumalaki na ang ulo ng batang iyon, eh. Kasi napagtutuonan na ng pansin!"

"O baka naman gusto lang ni Alvaro makaganti sa mga Valiente? Kuhang kuha naman ang loob noong-"

Her voice got cut off. The audience were shrieking. Hindi na ako nakakapanood pero narinig ko ang bulungan sa mga nasa unahan ko.

"Si Alvaro!"

"Hala!"

I heard more static from the microphones. Kaya ang sunod na boses, hindi na nakamikropono. Pero nanahimik ang gulat na mga estudyante kaya kahit paano, naririnig ko iyon.

"Tigilan n'yo na 'yan!"

"It's Yohan's entry, Alvaro. Bakit titigilan? She has some talent in writing, huh?"

"Tigilan n'yo na siya. Hindi ako naniniwala na sa kanya 'yon-"

"Oh? Bakit? Eh, halata naman na gusto ka kaya hindi na kataka taka kung gawin niya itong paraan para maipahayag ang nararamdaman."

"Tigilan n'yo na siya."

There was another static, telling me that Alvaro was getting all the microphones.

Hold Me Close (Azucarera Series #3)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz