Chapter 25: Jealous Russel

Start from the beginning
                                    

Nginitian ko sya bago mabilis na tumakbo palabas ng kusina dala ang noodles nya..base kasi sa itsura nya mukhang babawiin nya talaga ito eh!

Russel PoV

"Freak!" Sigaw ko ng bigla syang tumakbo dala ang instant noodles ko. "Hindi man lang nag paalam, may pangalan ko na yon eh!"

Narinig ko namang tumawa si Blue kaya napatingin ako sa kanya. He was smiling habang nakatingin sa kung saan dumaan si Freak.

"She's cute, right? Lalo na pag nag bu-blush.." ngumiti ulit ito. Agad ko naman syang nilapitan at hinawakan sa damit nya.

"Wag si Zoey, dude" seryosong sabi ko sa kanya. "Wag na wag"

"Relax. I'm serious about her" ngumiti ito ulit bago tumingin sakin. "Don't tell me, you have feelings for her too?" Sa tanong nyang iyon binitawan ko sya bago tumawa.

"Ako? Wag kang mag-patawa, Blue. Pamangkin sya ni Auntie. Hindi iyon matutuwa kapag nalaman nyang pati pamangkin nyan isinama mo sa mga babae mo"

"I told you, seryoso ako kay Zoey" tinapik nya ko sa balikat ko. "Mauna na kong matulog sayo ha? Goodnight" pagkasabi nya nun umalis na sya.

Seryoso sya kay Freak? Ang isang gaya nya mag seseryoso sa isang gaya ni Freak? Is that a Fucking joke??!

Kinabukasan nakita ko silang dalawang sabay na bumaba at sumakay ng sasakyan. Si Ken ang nag drive katabi ko sya kaya nasa likod si Freak kasama si Blue at Red.

"Anong nangyare dyan sa noo mo, Blue?" Biglang tanong ni Ken.

Binato nga pala sya ni Freak kagabi, bagay lang sa kanya yan. Tsk.

"Wala 'to.. nauntog lang ako kagabi" Blue.

Nauna akong bumaba sa kanila ng kotse hindi ko na sila hinintay pero bago ako pumasok ng room ko nakita ko si Freak at Blue na sabay pa din na nag lalakad.

"Sana madapa kayong dalawa" inis na bigla kong sabi.

"Nag seselos ka talaga..." Muntik ng tumalsik ang kaluluwa ko ng biglang mag salita sa tabi ko si Meredith. Oo nga pala kaklase ko itong babaeng to.

"Ano ka ba kabute?" Angil ko sa kanya bago tinakpan ng kamay ko ang mukha nya..ngumiti kasi sya ng nakakaloko. Sumigaw naman sya dahil doon.

"Yuck! Ewww..." Pag iinarte nito.

"Mas malinis pa kamay ko kesa sa mukha mo" sinuntok naman nya ko sa balikat ko sa sobrang inis nya kaya natawa ako.

Natapos ang klase papunta na ko sa Parking lot ng mahagip ng paningin ko si Blue hawak nito sa kamay si Freak at hindi sila patungo dito sa kotse.

"Saan pupunta mga yun?" Wala sa sariling tanong ko.

Biglang may tumapik sakin kaya ako napalingon. Si Ken.

"Hindi makakasabay satin pauwi ang dalawang yun. Sabi ni Blue daldalhin nya sa isang Party si Zoey kasama ang iba't ibang model" Ken.

"So bakit hawak kamay kapag mag lalakad?" Inis na tanong ko.

"Huh? Hawak kamay?" Nagpalinga-linga si Ken.

Nagsalubong naman ang kilay ko. Dadalhin sa party? Ibig nyang sabihin mga babae ni Blue? Isa pa, hindi bagay doon si Freak! Baka pag tawanan lang sya dun!

"Siguro naman pag umattend doon si Zoey ma-adopt nya mga panunuot ng mga model doon hindi ba?" Si Red.

Hindi ko na lang sila pinansin at nauna ng sumakay sa kotse, bahala na sila. Wala akong pake sa kanila.

Tahimik na kumakain kami ng Pizza na inorder namin habang nanonood kami ng TV dito sa Sala. Kami lang tatlo at hindi pa nakakauwi sila Freak at Blue. They sure to enjoy each other company huh!

"Gusto ko kumain ng luto ni Zoey" humawak si Red sa tiyan nya bago ngumuso.

Ako din, hindi sapat sakin ang pizza lang! Hindi ako mabubusog dito. Napatingin naman ako sa malaking orasan, 8:30 pm na.

"Hindi pa ba sila uuwi?" Tanong ko kay Ken.

"Wala pang reply si Blue, hayaan nyo na munang mag enjoy kahit papano si Zoey" Ken.

Nagkibit balikat na lang ako bago tumingin ulit sa TV nang biglang dumating na yung kanina ko pa hinihintay, si Freak at Blue.

Nagtatawanan ito at halata mong nag e-enjoy si Freak. May paghampas-hampas pa sa Braso ni Blue habang natawa eh!

"Zoeeeeey~" agad naman lumapit si Red kay Freak bago kumapit sa braso nito. "Nagugutom ako, Pwede mo ba akong ipagluto?"

"Ha? Oo sige ba" Zoey.

"Mukhang nagkakatuwaan kayo ah? Anong meron?" Tanong ni Ken.

"Eto kasing si Blue, sa party kanina----" hindi na natuloy ni Zoey ang sasabihin ng takpan ni Blue bibig nito.

"Sssh! Wag kang maingay" Blue.

"Tssk!" Inis na tumayo ako at iniwan silang lahat doon. Nabu-bwisit ako, ewan ko ba! Ayoko makita mukha nilang dalawa nakakasira ng gabi. Baka mapaginipan ko pa si Freak at bangungutin ako! Nakakakilabot.

Meet The MONDRAGON BOYSWhere stories live. Discover now