Chapter 23: Whats wrong with you?

14 1 0
                                    

Chapter 23: Whats wrong with you?

Tapos na ang Boring na School Festival. Balik klase na naman kaya nandito ako sa Library hindi para mag aral para matulog.

Ayoko munang pumasok sa klase nakakatamad pa mag aral. At saka tinatakasan ko si Meredith! sa totoo lang nag sisisi akong maging friend nya, ang kulit nya de joke lang.  At nagtataka ako dun ang daming gusto syang maging kaibigan ako pa ang pinili nya, eh gusto ko ng katahimikan tapos sya maingay at makulit? Di kami pwedeng mag sama.

"Andito ka lang pala" Tinanggal ko ang librong nakatakip sa mukha ko at tinignan ang nagsalita.

"Blue?"

"The one and only" ngumiti sya tapos umupo sa upuan sa tapat ko, napakunot naman ang noo ko. Kasi this past few days di nya ko pinapansin at kinakausap, simula nung makita nila kami ni Russel noon.  ehh sya lang naman sa apat ang pinakamakulit at laging nakikipag usap sakin kahit nung umpisa pa. Feeling Close sya eh! ang akala ko galit sya sakin kaya di nya ko kinakausap.

"What are you doing here?"

"Tatambay, Boring ang next subject ko kaya ayokong umattend, ikaw di ka pumasok simula pa kanina"

"Ahh..Ehh tinatamad kasi ako" Napansin ko namang nakatitig sya sakin. Kaya bigla akong nailang "Madumi ba mukha ko?"

"Hindi naman, may kamukha ka kasi"

AKO? May kamukha baka si Sadako?

"Ahh.."

"Zoey, Anong tingin mo sa pinsan ko kay Russel?" Ano ba namang tanong yan?

"Tao?" Tumawa sya.

"No, hindi yan"

"Ehh ano?"

"Ah wala nevermind" Kumuha sya ng libro.

"Matulog ka na ulit, Gigisingin na lang kita pag Dismissal na" tumango na lang ako at pinatong ang ulo ko sa mesa..

Pakiramdam ko may nakatitig sakin kaya dinilat ko ang mata ko.

"WAAAAH! B-Bakit ka nandito?" Gulat na tanong ko kay Russel kasi pag dilat ko ang mukha nya ang nakita ko na nakatingin sakin.

"Nagulat ka ba sa kagwapuhan ko, Freak?" Tinaas nya ang paa nya sa mesa at ngumiti.

Isa pa 'to lagi na lang nakasulpit kung nasaan ako. Totoo lang iniiwasan ko sya. Matapos nyang hawakan ang dibdib ko ng dalawang beses at sabihing Flat ako. No way!

"Kasing kapal ng mukha mo ang mga libro dito, Nasan si Blue?" Hinanap ng mga mata ko si Blue kasi diba sya ang kasama ko dito kanina.

Naging seryoso naman ang mukha ni Russel.

"Nasa bulsa ko nagkakape"

"Weh? Talaga?" Sakay ko sa trip nya. Napakapilosopo ehh.

"Pssh! Tara na nga" Tumayo sya at tumingin sakin.

"Saan?"

"Sa Puso ko"

O/////O

*DugDugDugDug*

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko kaya napahawak ako doon.

"Bwahaha! Syempre joke lang, namula ka naman agad dyan. Freak! HAHAHA Sabi na may gusto ka sakin WAHAHA"

Abnormal! Siraulo! Baliw! Takas mental!

Sinundan ko lang sya ng tingin ng mauna syang naglakad papunta ng Library. Humawak ako ulit sa dibdib ko bumilis na naman ang tibok!

Meet The MONDRAGON BOYSDove le storie prendono vita. Scoprilo ora