Chapter 19: You stole my First kiss

20 1 0
                                    


Chapter 19: You stole my First kiss

"Zoey, what are you doing here? Its class hour"

Anak ng! Gulat na lumingon ako sa nagsalita

"Red, Ah nagpapahangin hehe"

"Cutting classes ka"

Kinuha nya yung malaking Styrofoam dun.
Eh? di ko napansin yun kanina.

"Tinatamad kasi akong umattend ng Class"

"Haha, sumama ka na lang sakin sa SC Room"

"Pwede ako dun?"

"Hmm. yeah, I'm the Vice" kumindat sya sakin.

Psssh! Hilig nilang kumindat pag ako nainis sundutin ko mata neto.

"Ang Cute ko noh? Haha tara na" sumunod naman ako sa kanya.

Pagkadating sa Student Council Room nandoon lahat ng Officers busy sila.

"Four Days before the School festival. kaya busy kami, Yow Ken eto na" Nilapitan nya si Ken na busy sa pagpi-paint ng Styro.

Waaah!

"Para ba yan sa booth nyo?" tanong ko

"Oo, Bea ikaw na munang mag design sa dala ni Red" Ken

"Oras ng klase Zoey, ah?" tumingin sya sakin.

Luh! may paint sya sa mukha >___<

"Ahh...ehh" napakamot ako sa ulo ko.  Bat ba natatakot ako kay Ken? Strict kasi yan

"Pres. ito mga kailangan natin sinong bibili?" Tanong ng kasamahan nila na may hawak na listahan.

"Ako na lang, Kami ni Zoe" turo sakin ni Red

"Eh?" Gulat na tumingin ako kay Red.

"Eto ohh..." inabot nung babae yung list ng bibilhin.

"Tara na, Zoe" sumunod na lang ako kay Red. mas mabuti pang sumama sa kanya kesa bumalik sa Room

Pumunta kami sa malapit na Mall sa NBS daw kami bibili.

"Zoe, gusto mo nyan?" binitawan ko yung Twilight na book at tumingin kay Red

"Hindi tinignan ko lang, nabili mo na ba lahat?" pinakita naman nya yung Limang malaking NBS bag.

O___O

"Oo, haha"

Kinuha ko yung dalawang plastic bag. "Tulungan na kita"

"Gusto mong mag meryenda muna? Dyan tayo sa Jollibee gutom na din ako" sumunod na lang ako ulit sa kanya.

Habang nasa counter kami at namimili ng i-o-order na pagkain yung mga babae sa paligid nakatingin kay Red. Pati ang mga babae sa counter.

Tsk pag Gwapo ba talaga dapat laging tinitignan?! Gwapo at chinito si Red maputi, matangkad. Tinake out ko yung akin mas prefer kong sa kotse na lang kumain. Kesa kumain na marami naman nakatingin.

"Zoey"

"Hmm?" tumingin ako sa kanya

"Maganda ka naman pero di ko parin maintindihan kung bakit niloko ka ni Patrick?" Tumingin ako sa labas.

"Di ako maganda, dalian mo na lang kumain" Ngumiti sya sakin sabay gulo ng buhok ko

"Try mo kasing manalamin" Tinapik ko ang kamay nya.

Meet The MONDRAGON BOYSWhere stories live. Discover now