Chapter 27: Reason

9.5K 361 62
                                    

Chapter 27

Sa tingin ko ay namumula ang mukha ko habang pinagmamasdan ang sarili ko sa harapan ng salamin. Nakasuot ako ng bikini na binigay sa 'kin kanina ni Francis. Mabuti na lang hindi masyadong expose ang katawan ko kasi ang magkabilang bewang ko lang ang nakikita.

Nakasuot rin ako ng short pero hindi ko pa rin mapigilan na mailang. Hindi ko alam kung saan ba galing 'to. I think he planned all this.

"Tama ba talaga ang desisyon ko?" tanong ko sa sarili ko.

Pumayag ako na maging girlfriend niya ngayong araw pero sa isang kondisyon ay lalayo na siya sa 'kin. Wala na akong maisip pang paraan kundi ang mawala siya sa buhay ko.

Yes, selfish na kung selfish pero ang inaalala ko ay si Ethan. He's my boyfriend and I don't want him to get hurt because of me.

Paulit-ulit na pumapasok sa isip ko ang pagtulo ng luha sa mata ni Francis na ikinadurog ng puso ko. Alam kong bibigay na talaga ulit ako sa kanya pero kailangan kong pigilan ang sarili ko.

Hindi ako pwedeng magpadala sa bugso nang nararamdaman ko kasi may masasaktan akong tao.

"Aren't you done?" biglang tanong ni Francis sa labas.

"Wait lang, lalabas na ako."

Muli kong pinagmasdan ang sarili ko sa harapan ng salamin. Malakas akong bumuntong hininga at mariing kinagat ang ibabang labi ko. Sobrang lakas ng kabog ng puso ko.

"Today he's your boyfriend, Xavery," sabi ko sa sarili ko.

Matagal kong pinangarap na sana ay maging boyfriend ko siya kahit na imposible kasi palagi niya naman akong pinagtatabuyan. Mas lalong nawalan ako ng pag-asa nung malaman ko na may girlfriend na siya at 'yon ay si Hailey.

Hanggang ngayon ay wala pa rin talaga akong balita kay Hailey. Marami ang nagsasabi na umalis na daw 'to ng bansa. Meron pa ngang nagsasabi na baka buntis daw 'to.

Pero kung totoo nga ang balitang 'yon ibig sabihin ay si Francis ang ama? Pakiramdam ko ay sinasaksak ng kutsilyo ang puso ko sa naiisip ko.

"Wow! Ang ganda naman ng girlfriend ko," nakangiting salubong ni Francis.

Hindi ko napigilan na mapangiti sa sinabi niya. Bumilis ang kabog ng puso ko nang marinig ko ang salitang Girlfriend ko. Pero hindi ako magpapadala sa kanya.

Alam kong may balak siya kaya siya pumayag sa kondisyon ko. Gagawa siya ng paraan para makuha ulit ang loob ko at hindi ko hahayaan na mangyari 'yon.

Nagulat ako nang hawakan niya kamay ko at hinalikan ang likod ng palad ko.

"I love you, my girlfriend."

My heart beats so fast. Mabilis kong hinila ang kamay ko sa kanya na ikinagulat niya.

"Please tumigil ka na, pumayag ako na maging girlfriend mo ngayon pero huwag kang aasa na babalik ang nararamdaman ko sa 'yo."

Lalampasan ko sana siya nang hawakan niya ang braso ko para pigilan. Hinarap ko siya at nagtama ang tingin naming dalawa. Eto na naman ako, nanghihina na naman ako sa paraan ng titig niya.

Hinawakan niya ang palad ko at dinala sa dibdib niya na sobrang lakas ng kabog.

"Mahal na mahal ka nito."

Marahan niyang pinisil ang kamay ko habang nararamdaman ko pa rin ang lakas ng kabog ng puso niya. Ganun din kalakas ang tibok ng puso ko sa oras na 'to.

"Pero kung wala na talagang pag-asa, kung hindi na talaga pwede. Lalayo ako maging masaya ka lang."

Dumako ang isang palad niya sa pisngi ko nang maramdaman ko na lang na hinalikan niya ang noo ko.

Love Me Back (COMPLETED) Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang