Chapter 26: Condition

9.5K 366 52
                                    

Chapter 26

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa byahe. Nagising lang ako nang maramdaman kong nangangati ang balat ko. Naalala ko na kumain nga pala ako ng malansa na bawal naman sa 'kin.

"Nasaan tayo?" nagtataka kong tanong kay Francis.

Nakahinto sa isang parking lot ang sasakyan niya habang bukas ang makina para hindi mawala ang lamig ng aircon.

"You okay?" nag-aalala niyang tanong habang sinusuri ang braso ko na namumula.

"Damn!" mura niya at mabilis siyang bumaba ng sasakyan at pinagbuksan ako ng pinto.

"I can walk," saad ko nang akmang bubuhatin niya ako.

"Huwag na matigas ang ulo."

Wala na akong nagawa nang buhatid na niya ako ng pangkasal. Mahina niyang binangga ang pintuan ng kotse para magsarado.

"Nasaan ba talaga tayo?"

Hindi ko maiwasan na mapatitig sa mukha niya. Nagsisimula na siyang maglakad habang buhat ako. Nakikita ko ang pagsasalubong ng kilay niya.

"Hospital."

Namilog ang mata ko sa sinabi niya. "Ibaba mo nga ako!" hinampas ko ang braso niya para ibaba ako pero hindi siya nagpatinag.

"Kailangan mong magpatingin, damn! Humanda sa 'kin ang gagong 'yon sa oras na may masamang nangyari sa 'yo!"

Nilingon niya ako kaya nagtama ang tingin naming dalawa. Mabilis ko naman iniwas ang tingin sa kanya kasi bumibilis na naman ang kabog ng puso ko.

Hindi ko dapat 'to maramdam ulit sa kanya. May boyfriend na ako na sobrang nagmamahal sa 'kin at nangako pa kaming dalawa sa harapan ng Diyos.

"Gamot lang ang katapat nito kaya please ibababa mo na ako. Babalikan ko si Ethan!"

Napansin kong mas lalong nagsalubong ang kilay niya nang banggitin ko ang pangalan ni Ethan. Ang boyfriend ko dapat ang kasama ko at hindi siya.

"Ethan! Ethan! Pvtanginang Ethan! Pwede bang ako naman? Si Francis naman!"

Napaawang na lang ang labi ko sa sinabi niya. Naramdaman ko ang pagkirot ng puso ko sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.

Nagsinungaling ako sa kanya at lalo na sa sarili ko. Mahal ko siya, mahal na mahal ko siya. Pero pagod na akong masaktan. Pakiramdam ko nang dahil sa pananakit niya ay nauubos ang pagmamahal ko siya.

Pinalitan na siya ni Ethan pero bakit muli na naman niyang sinasakop ang puso ko? Pilit niyang tinutulak palayo si Ethan sa puso ko.

"Ano po ang nangyari sa kanya?" biglang salubong ng isang babaeng nurse.

"PLEASE CALL THE DOCTOR!"

Nagulat naman ang nurse sinagaw ni Francis habang mariin kong kinagat ang ibabang labi ko kasi nahihiya ako. Bakit ba siya nagkakaganito? May allergy lang naman ako at hindi ko kailangan na ma ospital pa.

"F-francis, hindi ko kailangan ng Doctor kaya umalis na tayo rito!"

Hindi niya ako pinansin kasi nakamasid lang siya sa nurse na mukhang pinagmamasdan ako. Napansin ko ang pagkunot ng noo nito nang masigurado niya na wala naman akong sugat.

"Sir, mukha naman pong ok----" hindi na naituloy ng nurse ang sasabihin niya kasi bigla na lang humiyaw si Francis.

"I SAID CALL THE DOCTOR! DAMN!"

Napansin ko ang takot sa mukha ng nurse nang makitang galit na si Francis. Hanggang ngayon ay buhat niya pa rin ako at napapansin ko na marami na ang nakamasid sa amin.

Love Me Back (COMPLETED) Onde as histórias ganham vida. Descobre agora