Napanguso ako. Ang harsh naman ng gurang na 'to. Expell agad. Malaki siguro galit sa 'kin dahil mas maganda ako sa pamangkin niyang si Avhril. Partida, laging putok ang nguso nun sa lipstick tapos ang kapal ng foundation sa pisngi.

"But for now, you are suspended for a week."

Napatayo ako. "S-suspended? W-wala na bang ibang paraan Miss? K-kahit community service na lang ang ipagawa n'yo sa 'kin. K-kahit maglinis ako ng boy's cr. Gagawin ko. 'Wag lang 'to."

Lagot ako nito kila Nanay panigurado. Anong araw pa lang ngayon. Masyado pang mahaba ang linggo na 'to.

"You may go now, Miss Palma. May mga gagawin pa ako." Tinuro nito ang pinto, hindi inintindi ang pakiusap ko.

"Miss naman. C-community service na lang. Promise, hindi ko na papatulan si Avhril."

Nangunot ang noo nito saka umiling. "Leave now."

Napabuga ako ng hangin at bagsak ang balikat na lumabas ng opisina. Nakatungong naglalakad ako nang salubungin ako nila Mickel. Agad akong inakbayan ni Daimler.

Siniko ko naman ito sa tagiliran. "Pasimple ka pang kumag ka. Minamanyak mo lang ako," biro ko para hindi nila mahalatang namomroblema ako.

Pero imbis na matuwa, inilingan lang ako ni Daimler. "How did it go? Naayos ba? Detention room ka?"

Umiling ako saka nangibit balikat. "Suspended ako mga Dre. One week. Pero ayos lang, makakapagbakasyon ako."

Sinubukan ko pang tumawa para hindi nila mahalatang affected ako. At ang uto-utong Mickel tumawa rin at ginulo ang buhok ko. Pero nang tingalain ko si Daimler nailing lang ito.

Sino ba naman kasi ang matutuwa sa sitwasyon ko? Syempre si Mickel lang. Manhid masyado ang gago eh.

"Ano? Inom tayo mamaya? Wala ka naman palang pasok bukas. Libre ko. Game?" Nag-aya pang mag-inuman.

"Kaylan ba ako umayaw sa libre ha?" Ngumisi ako at inakbayan si Mickel. Itotodo ko na ang kasalanang nagawa ko ngayon. Total naman ay malalaman din nila Nanay na suspended ako at paniguradong hindi ako hahayaang lumabas, mag-e-enjoy na muna ako.

"You're grounded, right?" ani Daimler.

Ngumisi ako. "So? Tatakas naman ako. Sunduin niyo na lang ako mamayang gabi. Una na ako." Tinalikuran ko sila at naglakad pabalik sa room na pinagiwanan ko ng bag ko.

"Yun oh! Tawag na lang kami sa 'yo, Kaye mamaya."

Itinaas ko ang kamay ko at ikinaway kay Mickel.

"Ang tagal mo naman, Kaye. Kanina pa kami nandito. Para ka namang chicks," himutok ni Mickel kinagabihan nang pumasok ako sa loob ng kotse niya.

Pinasadahan ko ng tingin ang relo ko. "Alas dyes pa lang naman ah. Mabuti pa nga at nakasama ako sa inyo."

"Why are you so matagal kasi?"

Napalingon ako kay Elyce. Van kasi ang gamit namin kaya hindi ko ito napansin sa likod ko. Nakaakbay sa kanya si Reishi na nakapikit naman ang mata at sobrang dilim sa pwesto nila.

"Ba't nandyan kayong dalawa? May ginagawa kayong milagro no?" pang-aasar ko saka sinuot ang seat belt ko.

Ngumiwi ang huli saka binato ako ng kung ano. "You're so eww, Kaye. Yuck!"

Napahalakhak ako saka nilingon si Reishi na iminulat pa lang ang mata. "Ano brad? Dumada-moves ba? Kaya kayo nandyan?"

Ngumisi lang ito saka mas lalo pang hinapit ang nobya.

"Ba't ka natagalan Kaye?"

"Ayun, inantay ko pa munang makatulog sila Nanay. Pero lintek, mukhang matagal pa ang mga 'yun dahil ginagawa pa ang kapatid ko."

My Maton Girlfriend (On Going)Where stories live. Discover now