CHAPTER 27🌿✨ -Bestfriend's POV

ابدأ من البداية
                                    

"You surprised us, what brought you here?"

"Uhm nothing, I just wanted to visit you. I missed you." malambing na sabi ni Kei kay Ate Cynthia at itinaas niya ang mga dala dala niya para ipakita ito "And oh by the way, I've brought food for everyone!"

Para bang kahit walang usap usap ay nagkatinginan na lamang kami nang kusa ni Yenggay at doon pa lang ay tila nagkaintindihan na kaming dalawa.

I just sighed while looking at her habang paisa-isa nang lumalapit ang mga staff sa kanya dahil nga may dala siyang pameryenda para sa lahat.

By just looking at her, I can't help it but to feel the pain pero ayoko nang magsalita.

Kagabi lang ay lumabas na ang mga pictures nila na nagdedate sila ni Erik. Sa totoo lang ay hindi na ako nagulat lalo na dahil nitong mga nakaraang araw nga ay nabalitaan ko na rin na lumalabas na sila.

Hindi ko siya masisisi, wala akong dapat na sisihin. Desisyon ko na pakawalan si Erik at mukhang masaya naman siya sa desisyon ko at patunay na rin ang mga balitang naririnig ko tungkol sa kanilang dalawa.

Mabuti na nga lang ay hindi napanood ni Mama Bob ang balita kagabi at sinabihan ko na rin sila Ate Irene na iiwas muna si Mama sa panonood ng mga ito para hindi na lumaki ang gulo.

Ilang beses na rin akong kinukulit ni Mama Bob kung alam na daw ba ni Erik ang tungkol sa bata at kung bakit hindi nagpupunta si Erik sa bahay gayong ganito na nga ang kalagayan ko. Ang sakit lang, na pati si Mama hinahanap siya, ang hirap kapag kilala siya ng buong pamilya mo tapos bigla na lang mawawala.

Maging si Nanay Susan ay ilang beses na rin akong tinanong at kinukulit tungkol kay Erik, na kung ano na daw ba ang plano naming dalawa. Hindi ko naman sila masisisi dahil syempre, nanay ko sila kaya natural lang na maging ganoon ang reaksyon nila. Sino ba namang ina ang papayag na mabalewala lang ang anak niya diba? Sinabi ko na lang na aayusin ko pa ang tungkol sa amin.

Pero natatakot ako, baka kahit kailan nga ay hindi na maayos pa.

At dahil sa biglaang pagdating ni Kei at natigil na nga ang rehearsal kaya naman nagpaalam na rin si Ate Kyla na uuwi na siya dahil susunduin niya pa ang anak niya sa eskwelahan.

"Ge, mauuna na ako. Okay ka lang ba dito? Gusto mo rin bang umuwi na?"

May bahid ng pag aalalang tanong niya. Halata naman na inaalala niya ako dahil sa presensya ni Keia. But instead, I brightly smiled at her to give her an assurance.

"Hindi Ate, okay lang lang ako dito."

Pinipilit kong kumbinsihin ang sarili ko na ayos lang ako kasi kung magpapaapekto ako ay wala rin namang maidudulot sa akin.

"Sigurado ka? Pwede naman kitang ipagpaalam na kela Sir Erickson."

Umiling naman ako. "Sure na sure Ate, sige na baka inaantay ka na ng bagets mo. Iba pa rin ang trabaho ng isang ina."

Ngumiti naman siya sa akin. "Oo Ge, at darating ang araw mararanasan mo na rin 'to."

Ngumiti na lang din ako bilang tugon sa makahulugang sinabi niya. Tama nga.

"Oh siya sige, kung gusto mo na umalis magsabi ka lang agad. Yenggay, ikaw na muna bahala dito kay Angge ha?" sabi nito habang inililigpit ang mga gamit niya.

Halata naman na parang nagtaka naman si Yenggay sa paraan ng pagsasabi ni Ate Kyla.

"Wow, ibilin ka daw ba sa akin?"

"Wag ka na tumanggi. Bantayan mo na lang ako." pabiro ko namang sabi

She shrugged, "Kung makapagsalita naman si Ate Kyla parang grade 2 ka na kailangang bantayan."

Secrets Beyond the Starsحيث تعيش القصص. اكتشف الآن