MSG : 26

253 26 7
                                    

#MSG26

"Third Person's POV"

Sa araw na 'yon hindi maikakailang pamilyar ang presenya ng taong kaharap niya. Tila ba nananabik siyang makita at mayakap ang taong ito.

"Po?"

Dahan-dahang lumapit ang ginang sa dalagang naguguluhan.

"Anak?" Inulit nito ang tan

"I-ikaw na ba talaga mama ko?" Lumapit ang dalawang binata.

"Siya nga ang mama mo pero hindi ni Momo."

"Sino si Momo?" Bahagya siyang kinabahan sa tanong ng binata.

Tinapik ng binata ang balikat niya.

"Matagal ka rin sa katawan na 'yan, sana naman sa pagkakataong ito ibalik mo na. Sapat na siguro na matupad ang iyong hiling, hindi ba?" Makahulugang sabi nito at umalis na kasama si Dave.








“Lian's POV”

ANO ba ang sinasabi nila? Ako ay hindi ako?

"A-anak? Ikaw ba talaga 'yan?" Ang bigat ng pakiramdam ko, pinagmamasdan ko ang babaeng umiiyak sa aking harapan.

"I-ikaw ba talaga ang mama ko? B-bakit mo ako iniwan? Bakit mo ako hinayaang mawala?" Lumuhod siya sa harap ko.

"Anak patawad! Mahal na mahal kita! Kasalanan ko anak, kasalanan ko!" Pinahid ko ang luhang tumutulo mula sa mata ko.

"Alam mo ba ma, a-ang sarap sa pakiramdam na matawag na 'anak', dito sa lugar na ito. Umaasa akong babalikan mo ako, ma bumalik ako para sayo..." Patuloy sa pagdaloy ang mga luha ko. Naaalala ko na...

"Anak, anak kung gusto 'wag mo na ibalik 'yang katawan na 'yan, oo tama, tara na umalis na tayo." Nag he-histerical ito at tumayo.

Umiling ako.

"Ma..."

"Diba nagbalik ka na? Tara na mag-iibang bansa tayo. Doon sa walang nakakakilala sa may-ari ng katawan na 'yan. Ikaw...ako...anak babawi ako sayo. Magiging masaya tayo anak!"

"Ma..."

"Anak, sorry ha? Siguro napaka ganda mo na ngayon, pero maganda rin naman ang katawan mo ngayon. Kung gusto mo na ibalik ang itsura mo may kakilala akong surgeon, anak possible 'yon! Tara na? Sama na ikaw kay mama?" Hinihila niya ako pero winakli ko ang kamay niya. Nagtataka niya akong tiningnan.

"Ma! Oo nagbalik ako. Nagbalik ako para sayo!" Nakikita ko sa mga mata niyang nasasaktan siya.

"Ma, m-masaya na akong mayakap ka. Masaya na akong malaman mong hinihintay kita. Ma, ibabalik ko na ang katawang ito." Umiling siya at hinawakan ang dalawa kong kamay.

"Anak, makinig ka sa mama, binigyan ka na ng pagkakataong mabuhay uli para makasama mo ako.  Anak lumayo na tayo ha? Please?"

"Ma! pasensya na pero hindi na kakayanin ng konsensya ko ang lahat." Inalis ko ang kamay niyang nakahawak sa akin. Mabilis akong tumakbo palayo sa lugar na iyon.

Hindi ko alam kung hanggang saan ako dadalhin ng  mga paa. Ang alam ko lang sobra akong nasasaktan, oo ito yung gusto ko pero isang kahibangan ito, nanghihina akong napaupo at tumingala sa kalangitan.

"F-fiwu... A-ayoko na..." Sabi mo hindi mo ako papabayaan, asan ka na? Bakit mo ito ginawa?

"Lian..." Agad akong nagpalinga-linga. Hindi ako maaaring magkamali. Si Fiwu 'yon!

My Special Ghost (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon