"Diretsuhin mo na lang kaya ako? para kang ahas e." napangiwi naman ang mga kasamahan ng binibini sa sinambit nito.


"Maglaro tayo." diretsuhan nitong sambit habang nakatitig sa sa binibini 


"Mabilis naman akong kausap hehe." lumulundag-lundag itong umupo sa katapat na upuan ng pinuno ng carfo habang ang mga kaibigan nito ay nakatayo lamang sa likod niya at nagbabantay sa bawat galaw ng mga carfong nasa loob kung mag tatangka man ang mga ito ng masama.  


"Hindi pa sapat para sa akin ang dalawang kamay mo lang, binibini." sambit ng pinuno at minamasahe ang kamay nito. 


"Hindi pa? para sa akin ang dalawang kamay ko ay mas mahalaga pa para sa lahat ng mga carfong sunod-sunuran sa isang katulad mo." pinatunog nito ang dalawang kamay niya. Napatulala sa kaniya ang lahat ng mga naroon. Ang mga buto nito sa kamay na lumalagutok na parang handa nang manuntok. Nadagdagan ng kaba ang pinunong kaharap nito. Ang inaasahan niya ay isang binibining mahiyain at matatakutin ngunit tila kabaliktaran ng iniisip niya ang nasa harapan niya ngayon. 


"Gusto mo ba ng alak?" paanyaya ng pinuno habang nakangisi. Ang alak na ipapamahagi niya ay kasing tapang ng naglalabang serpiyente sa kapwa nito serpiyente. 


"Ikagagalak ko iyan." binigyan naman ito ng isang basong alak ng tagautos ng pinuno. Pinbakatitigan muna ito ng binibini.


'Paborito 'to ni kuya cloud' sambit ng binibini sa kaniyang isipan 


"Binibini, matapang ang alak na iyan." sambit ni andres sa likod ng binibini. Binalingan naman ito ng tingin ng binibini at ngumiti ng malawak sa kaniyang nag-aalalang kaibigan. 


"Alam ko hehe." napakunot ang noo ng mga kaibigan niya. Muling binalingan ng binibini ang kaharap niya at pinakatitigan ito sa mata. Nilagok ni sunny ang basong may laman na alak ng hindi humihinto. Gulat at hanga ang mababakas sa mga mukha ng nanonood rito. Pinunasan ni sunny ang bibig nito gamit ang kaniyang kamay. 


"W-Wala pang nakakagawa niyan.. kahanga-hanga."nanginginig na uminom ang pinuno. 


"Penge pa." nakangusong sambit ni sunny habang nakataas ang kamay nitong hawak ang baso.


"G-Gusto mo pa?" sambit ng tagalagay ng alak. 


"Masarap e hehe. May bayad na ba?" kalmadong paghingi ng binibini. Kumurapkurap ang carfong naglalagay ng inumin.


"Bigyan mo."  matapang na sambit ng pinuno. Nilagyan naman ng carfo ang baso ng binibini. 


"Magumpisa na tayo."  nakangiting sambit ng binibini at itinabi muna ang alak


'mamaya nalang tayo magtuos,alak.'    sambit ng binibini sa kaniyang isipan. 


Nagbalasa na ang isang carfong may balbas. Mabilis ang pagbabalasa nito na na parang nalipad-lipad pa ang mga baraha. 


"Kamay sa kamay." sambit ng isang carfong nanonood.


"Sa tingin mo sino ang mananalo?"sambit naman ng katabi nito. Kung dati ay lagi niyang nasasabi na walang makakatalo asa pinuno nila ngunit ng makita niya ang presensya ng binibining kalaban ng kanilang pinuno ay nagduda na ito. 


"Hindi ko alam. Subaybayan nalang natin." 


Namigay na ng tig dadalawang baraha ang bangkerong may balbas. Sumandal sa upuan ang pinuno ng makita nito ang barahang naibigay sa kaniya at saglitang napatingin sa bangkero. Hindi naman nakaligtas sa mata ng binibini ang makahulugang tingin ng pinuno sa bangkero.


Sunny Adelson: The journeyOnde histórias criam vida. Descubra agora