"Ang cute mo waaaa!" sambit ko at parang ina na ipinahiga ang cute na pusa sa braso ko.




"Mukha siyang sanggol." sambit naman ni david



"HAHAHAHAHA." tawa nina kyle at andres na nagaapiran pa.




"Pfft--HAHAHAHA." tawa naman ni dio.



"Meow~" sa mukha ng pusang hawak ko ngayon ay masasabi kong nakanguso ito. Napanguso rin ako ng makita ko ang mukha nito.




"Hahanapin natin ang nagmamay-ari sayo." sambit ko rito



"Meow~ Meow~"



"M-Maari ko ba siyang kargahin?" nahihiyang sambit ni david. Ibinigay ko naman ito sa kaniya ng hindi sinasagot ang tinatanong niya. Ngumiti ito habang hinahawakan ang pusa



"Masaya ka." napatingin ito sa akin at tumango-tango.



Si andres ang naunang naglalakad sa amin. Bumulaga sa amin ang lugar na sobrang tahimik.



"Bakit walang katao-tao?" tanong ni kyle



"Baka tulog." sagot ni andres


"Ano 'yon? tulog sa umaga gising sa gabe?" may sarkastikong sambit ni dio



Parang magdalena lang



"Pst!" luminga-linga kame sa paligid.



"Pst!"



"Ikaw ba'yon dio?" tanong ni andres. Umiling ito




"Pst pst!"



"B-Baka itong pusa." sambit ni david. Napatawa naman ako ng mahina


"Pst! Mga ginoo at binibini dito!" may lumabas na isang babae sa kanilang tahanan. Lumingalinga ito sa paligid at kinumpas kumpas ang kamay na parang minagmamadali kameng lumapit. Nauna akong naglakad sa kanila. Dali dali naman kameng pinapasok sa bahay ng babae. Nakita ko ang pamilya nitong magkakasama sa isang sulok.



"Bakit kayo nagtatago?" panimulang tanong ko ng makapasok na kameng lahat sa loob ng bahay.



"Dahil may hinahanap ang pinuno ng carfo. Takot kaming mapagkamalan." napatingin ito sa amin. Tumingin naman ako sa mga kasama ko.




"Sinabi ba nila ang itsura?" dagliang tanong ni dio



"Hindi ginoo. Ngunit may kasama silang tumutukoy ng itsura ng kanilang hinahanap."



"Alam niyo ba kung nasaan ang pinuno nila?" napatingin muli ito sa akin at pinakatitigan ang buhok ko.




"S-Sa ngayong oras ay nasa kaniyang palaruan iyon,binibini." sambit nito.



"Palaruan? Ano siya bata?" sambit ni dio. Napatawa naman kame rito



"A-Ang palaruang sinasabi ko ay hindi katulad ng sa mga bata. Ang palaruan niya ay madaming katulad niya nananonood kung papaano niya papabagsakin ang kalaban niya sa paglalaro ng baraha."



"Kapalit rin ba nito ang kamay ng kalaban niya?" lumaki ag mata nitong tumingin sa akin.



"P-Paano mo nalaman?" nginitian ko lamang ito



"Ngunit dalawang kamay ang sa kaniya." sambit naman ng isang babae na nasa sulok.


"Ano bang ginagawa niya sa pinagbibintangan niya?" tanong kung muli.




Sunny Adelson: The journeyWhere stories live. Discover now