Oo, aminado din naman ako na isa sya sa mga reasons kung bakit ako nagkaganito. Oo, ikaw Mike, isa ka sa reasons. Galit na galit ako sayo.” Tuloy tuloy na yung pagtulo ng mga luha ko. “ Selfish ka... ang inisip mo lang ang sarili mo, hindi ako susuko eh, ni minsan di ko inisip na bumitaw pero ikaw mismo na nangako, ikaw ang kumalas...” Humahagulgol na ako. Bakit bigla nalang sya yung laman ng mga sinasabi ko?

****

Nakatingin lang ako sa kisame, tulala, lutang. Hindi ko na alam anong gagawin ko. Tinext ko si Angelie kahapon, wala syang reply. Iniisip ko baka walang load kaya hinayaan ko nalang. Sinubukan kong iring sya, out of coverage area naman. Hindi ako mapakali, buong pagkatao ko ngayong oras na to, balot balot ng takot at pangamba. Ayoko umalis, ayoko pero kailangan. Nandiyan na sa baba yung visa, nakuha na nila mama at within a week, kailangan na namin umalis. Bakit parang nagfafast forward ang lahat? Bakit kung kalian gusto kong magchill, hayaan lang muna lahat, saka naman parang nagmamadali yung panahon?

Bumangon ako at kinuha yung susi ng kotse ko. Gusto kong malinawan.

“Mike san ka pupunta?” tanong ni mama.

“Dyan lang po. Balik din ako agad.”

Inistart ko yung makina saka humarurot sa kalsada. Gulong gulo na talaga yung isip ko, ayoko ng ganito. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nakaramdam na ganitong klaseng takot. Tinahako ko ang C5 hanggang sa matunton ko ang Oritgas, buti nalang walang traffic kaya yung speedometer ko, pumapalo ng 80-100. Buti walang ding MMDA kundi baka sampahan ako ng reckless dito. Kumanan na ako saka ako pinahinto ng guard sa may gate.

“Sir, saan po kayo?”

“Boss, Fernan po.”

Binuksan nya yung gate saka ako pinapasok. Dali dali akong nagdrive papunta kanila Angelie. Pagkadating ko, bumaba ako ng kotse saka niring yung doorbell nila pero walang tao. Nagantay pa ako ng mga 15 minutes siguro pero wala talaga. Hindi naman ako makapagtanong sa mga kapitbahay kasi tanghaling tapat, walang tao sa kalsada. Tinawagan ko si Angelie, pero wala pa din, out of coverage area pa din. Nagpalit na ba sya ng number?

Tinawagan ko si Denise, walang sumasagot, maski si Jerich, cannot be reached naman. Ano ba to? Kung kalian kailangan ko sila, saka naman wala. Bumalik na ako sa kotse. Napaisip ako. What if tuluyan na akong iniwasan ni Angelie? Na nakipagbati lang sya sakin para matapos na lahat at pagkatapos nga nito, tuluyan na syang mawawala saakin? Lalo akong nanginig. Bakit ganun? PUTANGINA. So  pinaasa nya lang ako? Pinaasa nya lang ako na magkakaayos kami when ang totoong intention nya ay tapusin na lahat at tuluyan ng mawala sa buhay ko? PUTANGINA LANG TALAGA. Napakaunfair nya! Akala ko ba mahal nya pa din ako? HInampas hampas ko yung manibela sa sobrang gigil. Bakit kasi ganun eh. Sobra na sya. Hindi pa ba sapat na pinahirapan nya akong habulin sya? Akala nya sya lang ang naghirap, ako din. Naghirap din ako ng sobra. Araw araw, kinakain ako ng kunsensya ko sa lahat ng mga maling nagawa ko. Kung pwede ko lang ibalik yung oras, gagawin ko pero hindi ko magawa kaya pinagsisisihan kong lahat yun.

                Kinuha ko ulit yung phone ko at nagdial ng ibang number.

                “Hello?” sinagot pagkatapos ng tatlong ring.

                May mga naguusap na babae sa kabilang linya.

                “Michelle.”

                “Mike! How are you?” excited yung boses nya.

                Narinig kong nagshhh sya dun sa mga kasama nya.

Liempo ( A story of Rival Colleges)Where stories live. Discover now