****

Yung pakiramdam na para kang nababaliw? Ayun yung nararamdaman ko ngayon habang naunuod ng star movies sa cabled tv. Hawak ko na ngayon yung videocam na dinala ni Denise kanina nina lang, nakiusap pa kami sa nurse para lang maipaabot nya saakin. Doctor at nurse lang pwedeng pumasok sa kwarto, di ko din alam bakit pero ganun daw talaga. Bigla nalang akong natawa, pakiramdam ko, pang teleserye na nga talaga tong buhay ko. Mamatay ba ako sa operasyon na to? What if ganun nangyari? Astig yun, pero syempre nakakatakot.

Tinitigan ko yung videocam uli saka tumingin sa wall clock sa pader. Eleven na ng gabi, bukas ng seven, dadalhin na ako sa E.R tas from there, ewan ko na. Nakakasuspense, sobra at sobrang takot din. Bigla nalang akong naluha. Andami kong iniisip, hindi ko alam paano icacategorize isa isa, kasi halo halo na kasi lahat.

Binuksan ko yung videocam saka nilagay sa recording. Ewan, ano ba tong ginagawa ko? Ano to? Pamamaalam? Gumagawa na ako ng goobye video? Hindi ko din alam bakit ganito trip ko pero parang gusto kong ilabas lahat to. Hindi naman pwedeng magvent out ako sa nanay ko, mahirap na, sa mga kaibigan ko naman, parang sobra sobra na din yung nagawa nila. Pwede siguro sa salamin, yun nga lang walang salamin ditto sa kwarto, pwera lang sa CR at mukha naman akong tanga kung nakatayo lang akong nagsasalita dun kaya siguro, ditto nalang.

Ang pangit ko na talaga, sobra. Halatang halata na yung cheekbones ko, para akong kalansay tapos ang putla ko pa, mukha akong patay kasama na din naka hospital gown ako, grabe. Ataul nalang kulang saakin. Sinubukan kong ngumiti sa camera, para lang talaga akong baliw, nakaON na din sya kaya nagrerecord na.

“Uh... Hi?” ang pangit ng entrada ng boses ko sa video. “Ano ba tong ginagawa ko? Ewan, hindi ko din alam pero if ever man na may makapanuod nito, please, pagbigyan nyo nalang ako, hayaan nyo nalang ako kasi nagvevent out lang ako. Tapos may sakit pa ako so, keri lang diba? Ang corny ko ever. Paawa effect pa ba? Ang sakit sakit ng katawan ko ngayon, kinakabahan din ako para bukas kasi hindi ko alam yung mangyayari saakin, parang naghahalo lahat ng emotions sa sarili ko na di ko alam ano ba dapat yung mararamdaman ko.”

Awang awa na ako sa sarili ko. Hindi ako dapat ganito pero hindi ko alam bakit ganito ang nagging kapalaran ko. Dapat sa TV lang to, pero bakit ganun? Bakit sa dinami dami ng tao sa mundo, ako pa ang napili ng Diyos na magkaganito?

 “Nahihirapan na din ako at nahihiya sa mga taong nakapaligid saakin. Parang pakiramdam ko, perwisyo nalang ako sa kanila dahil sa kalagayan ko. Yung feeling na useless ka, na bawat atake ko, lahat sila natatakot, di magkanda ugaga kung anong dapat gawin. Sinusubukan kong maging matatag, hindi nyo alam kasi hindi nyo naman nakikita pero bawat paghinga ko, pilit kong pinagpapatuloy kasi kailangan kong mabuhay. Hindi naman pwedeng stuck lang ako sa isang situation forever. Hindi ko alam paano ko kinaya pero nagawa ko naman.” Bigla lang akong natawa sa mga nonsense na pinagsasabi ko. “Dati rati, hindi ko magawang makatulog dahil bawat pagpikit ng mata ko, sya yung naalala ko. Bawat kanta na marirnig ko, sya ang pumapasok sa isip ko. Hindi ko alam paano ako natulungan ng mga kaibigan ko pero nagawa nila. Na gabi gabi, handa silang magpuyat para lang masamahan ako, para mabantayan ako at kung wala sila sa bahay, kausap nila ako lagi sa phone. Denise, Jerich, utang ko sainyo ang buhay ko. Sobra. Aminado ako, may mga times na minsan, nakakairita na yang kalandian mo Jerich, pano ba naman, mas malandi ka pa saamin ni Denise pero keri lang friend. Alam mong love na love kita at si Denise, wala akong masabi sayo, lahat ng aura ko, inaagaw mo! HAHA. Pero seriously, hindi ko alam kung nasaan ako ngayon if it weren’t for the both of you. Alfred. O kaya naman Kuya Alfred? Naalala mo pa ba nung una tayong nagkasabay sa hotel tas kumain tayo sa Jollibee. Sobrang laking ng naitulong mo saakin, sa pamilya ko at sa lahat ng taong mahal ko. Sorry. Sorry dahil nagging pabigat na ako sayo. I don’t deserve your kindness pero andyan ka pa din lagi, wag ka magalala, i will do my very best to repay you and sobrang thank you talaga. YOU ARE AN AMAZING PERSON. Ngayon, panibago nanamang journey yung lalakbayin ko at tapos na ako sa mga panahon kung saan umiiyak ako sa isang petty reason na pagiwan saakin ng taong mahal ko.

Liempo ( A story of Rival Colleges)Where stories live. Discover now