2 : Algebra

10 1 0
                                    

Mabilis na nagdaan ang isang buwan at kaagad ay napasabak si Sasa sa pakikipagsabayan sa mga estudyante ng Bonifacio U. Naglalakad sya ngayon papunta sa isang klase nya nang makasalubong ang grupo ng Spikers.

"Oh! Si Miss Genius!" Sigaw ni Den.

Inirapan nya ito at lalagpasan na sana ang grupo nila pero hinarang sya nito.

"Excuse me, may klase pa ako."

"Seriously? Ang sungit mo talaga noh? You're supposed to be shouting because I am with the Spikers, na tinitilian ng mga babae rito. Tomboy ka siguro talaga hanoh?"

Umatras sya at hinead to foot ito at tinaasan nya ito ng kilay.

"Ikaw? Titilian ko? Manigas ka. Excuse me." At nagtagumpay si Sasa na makadaan sa pagitan ng Spikers dahil kusa itong umiwas nang maglakad sya. Nakahinga sya ng maluwag at lakad takbong pumunta sa susunod na klase nya.

"Wow! What was that? Den, you left speechless! Hahaha!" Sigaw ni Patrick dahil pag alis ni Sasa ay nakatulala pa rin sya.

"Ihead to foot ka ba naman, ano ha, nakahanap ka ng katapat mo! Ang kulit mo kasi eh." Natatawang sabi ni Arman.

Naglolokohan pa ang mga magkakaibigan pero si Pierre ay tahimik lang.

Ang tapang ng babaeng yun. Kausap nya sa sarili nya.

"Dude, look!" Nakuhanan ko sya ng picture. Sabi ni George, isa sa miyembro ng Spikers na Journalism ang course. Lagi itong may dalang SLR camera.

"Tingin!" Sabi naman ng iba pang miyembro.

"Shit, dude! Kapag nagbihis babae to, chikababes to for sure! Ang ganda ng register nya sa camera, no filter pa yan ha!" Proud na sabi ni George.

"Hmm, parang hindi naman." Sabi ni Den.

"Hahaha! Uy si Den, may crush na!" Sabi naman ni Patrick.

"Ulol! Hindi ko crush si Sasa!"

"Hahaha! Uy, wala akong sinabing pangalan, Sasa agad? Naku naku naku..tsk tsk tsk.." Panghaharot pa rin nito kay Den.

"Dude, tingnan mo." Sabi ni Arman kay Pierre. Sinilip naman ni Pierre ang camera.

"Beautiful." Bulong nya.

"What did you say?" Tanong ni Arman.

"Ha? Wala. Sabi ko ang ganda ng shot."

"Ng shot o ng model?" Nakangiting tanong ni Arman. Biglang nagring ang phone nya kaya't nawala ang atensyon nya sa kaibigan. Sinagot nya iyon at nakagawa ng paraan para hindi na sagutin pa ang tanong ni Arman.

Pero sa totoo lang, nagandahan sya sa kuhang iyon ni George. Saktong sakto iyon nang magkaharap ang mukha ni Sasa sa Den at kitang nakataas ang kilay ni Sasa na halatang nagsusungit sa nanlalaki naman na mata na si Den. Tama si George, she might be a good subject. At alam nyang napansin ng bestfriend na nakuha ni Sasa ang atensyon nya. Bihira iyon. Hindi sya mahilig sa babae, hindi tulad ng mga kasama sa Spikers. At alam nyang hindi sya titigilan ni Arman dahil alam nyang napansin nitong apektado sya sa presensya ni Sasa.

"What??? Sinabi mo yon? Sa harap ng lahat ng miyembro ng Spikers?"

Gulat na gulat ang tatlong kaibigan ni Sasa sa kwento nya.

"Nakakainis eh! Lalo yung Den na yun! Bakla talaga yun eh!"

"Omg! As in, I can't believe this! Parang ikaw lang yata ang nakilala kong hindi attracted sa Spikers!" Sabi ni Karen.

"That's true! Alam mo bang halos lahat ng girs sa campus ay crush sila? Girl, aral ka kasi ng aral eh. Hindi mo tuloy naeenjoy ang mga likha ng Diyos." Sabi naman ni Elise.

My Fate is YouWhere stories live. Discover now