CHAPTER 18- KARMA

Start from the beginning
                                    

Perhaps, this is our karma.

"Gusto mo ng coffee?" muling tanong ni Jinro. Umiling ulit ako. "Jowa gusto mo... Aray ko, Silang!"

As usual nakatikim na naman siya ng batok sa isa.

"Napaka-haduf mo! Anong klaseng tanong 'yon, ah?"

"Ito naman, pinapagaan ko lang ang loob ng kakambal mo, eh. Matuto ka namang maki-ride, Silang! Hindi puro init ng ulo ang pinapairal mo."

I let out a sigh. In my current situation, it's unlikely that anyone or even a group of clowns or magicians could lighten my mood. It feels like my world has truly lost its color.

I lost them both. How sad.

I sighed again. Fate can be so cruel; all the sacrifices I've made seem futile at this moment, like lighting a fire in the water.

"Feeling mo naman. Hello? Si Marciella 'yan, Jin. Huwag kang eroplano diyan."

"Eroplano?"

"Lutang sa ere."

"Haler? Connect?"

"Haler? Slow."

Bumukas ang pinto at iniluwal doon sina Crystal, Kenshane at Faller.

"Marci? How are you feeling?" kaagad na tanong ni Crys habang bakas  sa boses nito ang pag-aalala.

Nag-thumbs up lang ako bilang tugon. Nagkatinginan lang sila at saka ay napabuntonghininga din.

"Jin, puntahan mo si Boss," utos ni Shane sa pinsan. Napaangat naman ako ng tingin.

"Why? Ayoko, sungit niyon eh," reklamo pa ng isa.

"Hindi naman pwedeng si Lovimer ang ipadala natin doon. Baka magsabong lang sila. Si Kenya naman pauwi palang. Kung ako naman baka tuluyang magpatiwakal iyon dahil sa napaka-comforting kong tao. Besides, kaya mong sakayan ang tupak ni Kuya Ash. Sige na, alalayan mo muna ang boss natin. Kawawa naman, nagtatrabaho kahit..." Tinapunan ako nito ng tingin. "Kahit you know what I mean," pagtatapos pa nito sa lintanya.

"Eh? Sabihin mo lang talaga na favorite cousin mo si Ashmer."

"Napaka-childish mo talaga, Jinro! Hindi naman kasi pwedeng lahat tayo ay nandidito kay Marci. Baka nakakalimutan niyo, he's the boss! Kung meron mang mas nangangailangan ng tulong ngayon ay siya iyon. Tsaka, pinsan mo rin iyon. Kaloka kang haduf ka." Bakas sa tono ni Shane ang iritasyon.

"Excuse me? Nandito lang ang kakambal ko, Kenshane Guieco. Naririnig ka niya.  Paano mo nasasabi ang mga katagang 'yan sa harapan niya, ha?" singit ni Gab.

"Hello? Malamang dahil nandito ang kausap ko, Silang. Nandito si Jinro. Hindi namang pwedeng sa DH ako dumada gayong nandito ang kausap ko. Tsaka bakit ka ba galit sa isa? Pamilya mo si Marci at pamilya ko rin si Kuya Ash. Hindi ako galit kay Marci kaya sana 'wag ka ring maging bitter kay Kuya Ash. Pareho lang silang may pinagdadaanan ngayon."

Napapikit na lang ako dahil sa bangayan nila. Sa harapan ko pa talaga? Seriously?

"Shane tama na," saway ni Faller sa dalaga.

"Bakit ka magagalit kay Marci? May kasalanan ba siya? Ako kasi galit kay Ashmer dahil sa ginawa niya kina Marci at Percy!"

"Duh? C'mon, Gab! May mga isip na sila pare-pareho. Nasaktan si Kuya Ash, nasaktan si Marci and Percy but the bottom line is that they both made reckless decisions. Tsaka labas na tayo sa usapan, problema nila ito.  All we have to do is to give them the support they need right. Kaya nandito ako para kausapin si Jin para sa pinsan namin. Huwag mo naman sanang masamain."

A Forbidden Affair (Guieco Clan Series #2)Where stories live. Discover now