“Just promise me na hindi mo tatawanan ang pangalan ko.”

            “Promise!”

            “Okey. It’s Jose Narciso…”

            Muntik na niyang mailabas ang kakahigop lang na tsaa sa sobrang pagpigil sa sarili na matawa. “H-hindi ako tumatawa ha… I’m really not!” pagpipigi pa din niya sa sariling tumawa. Hindi lang pala kamukha ng binata ang artistang tintukoy niya, kapangalan pa nito. “Jose Narcisco, ha.”

            “Oh h’wag mo na ulit ulit-ulitin pa ulit,” napapakamot na sa ulong sabi ni Iñaki.

            “Jose Narcisco…” Nagsimula namang  kumunot ang noo niya. Bakit pakiramdam niya pati pangalan nito ay pamilyar na sa kanya.

            “Why?”

            “Para kasing pamilyar ‘yung pangalan mo sa akin. Parang narinig ko na kung saan.”

            “Dahil parehas kami ng real name ni Dingdong Dantes? Buti nga hindi naging Dingdong ang nickname ko, masyado na akong magiging copy cat no’n,” ani Iñaki.

            “No,” napapailing na tugon niya habang inaalala kung saan pa niya narinig ang buong pangalan nito. “Parang narinig ko na talaga ‘yung buong pangalan mo dati pa. Saan ko nga ba narinig…”

            “J-joy, parang may nagba-vibrate sa may sofa. Cellphone mo yata ‘yon sa loob ng bag.”

            “Narinig mo pa iyon?” naa-amaze na tanong niya. Naalala niyang naka-silent nga pala ang cellphone niya pero naka-vibrate para sa mga darating na tawag o text. Tumayo na siya mula sa kinauupuan upang magtungo sa sala. Naramdaman naman niya ang pagsunod ni  Iñaki sa paglalakad niya na nauna pang umupo sa malambot na sofa ng makapasok sa sala.

            “Si Ed pala ang tumatawag,” aniya ng mailabas ang cellphone mula sa bag na iniwanan niya sa sofa kanina at makita ang pangalan ng kaibigan sa screen. “Hello Ed, why -”

            “Ms. Eliza Joy Ignes?” putol ng hindi pamilyar na boses mula sa kabilang linya sa sinasabi ni Joy.

            “Y-yes? S-sino ito?” May pakiramdam siya hindi na niya nais pang marinig ang itutugon ng kausap niya ngayon.

            “This is detective Darwin Ramos. May nangyari kay Ed Salvador at ikaw ang nasa last dialled number ng cellphone niya bago nangyari ang aksidente kaya tinawagan na rin namin kayo.”

            “A-aksidente? M-may n-nangyaring a-aksidente?” halos hindi na niya naintindihan ang sarili sa mga inusal niyang iyon.




****

***


“KOTSE NI ED ‘YUN!” bulalas ni Joy ng mapansin ang kotse ng kaibigan na nakabangga sa isang malaking truck. Nakayupi na halos ang unahan at kalahating bahagi ng kotse. Kaagad siyang bumaba ng sinasakyang motor ni Iñaki.

            Mabilis ding  sumunod si Iñaki ng maiparada ng maayos ang motor. Ito ang nagprisinta na samahan siya sa lugar na ibingay ni detective Darwin.

            Tatlong  kotse ng pulis, dalawang sasakyan ng ambulansya at nagkalat na mga pulisya. Hindi niya alam kung sino ang dapat niyang lapitan. Kanina pa niya nararamdaman ang panginginig ng mga tuhod  at pangangatal ng mga labi niya. Kanina pa din niya pinipigilan ang sarili na maiyak.

Where is Franco? (Published under VIVA PSICOM and featured as TV Series)Where stories live. Discover now