Guilt

7 0 0
                                    

Maaga parin akong gumising kinabukasan pero nakasimangot ako at wala ako sa mood.

Maaga parin akong pumasok at una padin ako kela Monic.

"Hoy Aless bat nakabusangot yang muka mo? Anyare?" Monic

"Oo nga. Kamusta kayo ni Luke. Nagkatext naba kayo? Kayo naba?" Kinikilig na tanong ni Jasmine.

Ayun nanga e tinext ko siya pero hindi pa sya nagrereply hanggang ngayon. hayy. Napabuntong-hininga nalang ako.

"Alam ko na. Hindi pa nagtetext si Luke no?" Monic

"Tinext ko siya kagabi pero hanggang ngayon hindi parin siya nagrereply." nakasimangot na sabi ko.

"Anong oras mo ba siya tinext tsaka anong sabi mo?" Jas

"Sabi ko goodnight Aless to may smiley panga sa dulo. Mga 10pm ko siya tinext."

"Natural hindi talaga makakapagreply yon sabi kasi ni Genesis kagabi kaylangan nilang matulog ng maaga dahil may long quizz sila ng 7am bawal daw malate." Jas

"Yun naman pala e Aless. Baka mamaya text kana nyan. Relax lang kasi."

Napawi naman yung lungkot ko sa info na sinabi ni Jas. Baka nga tulog na siya kagabi kaya di na nakapagreply.

Napasabunot ako sa buhok ko ng bigla ko maalala na eto rin yung nangyari dati. Bat hindi ko naalala na may quiz nga pala sila noon at mamayang hapon sasabihin niya yun sakin. Natawa nalang ako sa isip ko.

Nakalimutan ko na bumalik nga lang pala ko sa nakaraan at iyun at iyun padin ang mga mangyayari.

Masyado lang akong nagisip na baka ayaw sakin ni luke kaya hindi siya nagreply. Hindi ko kasi maiwasan na hindi damhin yung moment. Feeling ko laging bago lang yung mga nangyayari. Nakalimutan ko na mahal na mahal pala ako ni Luke at ako lang yung sumira ng lahat.

"Oh Aless bakit na naman?"

"Wala monic. May naalala lang ako bigla."

Buong period kong iniisip at sinisisi yung sarili ko sa ginawa ko. pero bigla ko din naalala na pwede ko palang itama lahat yon. That thought made me smile.

Hindi ako dapat sumuko. Nagsisimula palang ako. :)

Papasok ako ng tanghali ng makita ko si Luke na naglalakad papasok kaya bumaba ako sa tricycle para sabayan siya. hindi ko ito ginawa dati kaya bakas sa muka ni Luke yung pagkagulat.

Alam kong mamaya pa dapat kaming hapon magkikita ulit pero gusto ko kasi siyang makausap.

"Hi." sabi ko paglapit sa kaniya. gulat na gulat padin siya pero nakabawi naman siya tsaka ngumiti.

Those smiles. Na alam kong para sa akin lang.

Tahimik lang kaming naglalakad at alam kong pinagpapawisan si Luke, sa kaba. Sobrang nanlalamig din yung kamay ko dati pero ngayon hindi na. Panay saya lang yung nararamdaman ko kaya di ko maiwasang hindi mapangiti.

"Ah ano sorry pala hindi ako nakapagreply kagabi." pasimula ni Luke at napakamot pa sa batok niya.

"Okay lang. Alam ko naman na may quizz kayo kanina sinabi ni Genesis kay Jasmine." sagot ko naman habang nakangiti.

"Hindi. Gising pako kagabi nung nagtext ka. Wala lang akong load tsaka sarado na kasi mga tindahan, sorry."

Napahinto ako. Kase ang alam ko na sasabihin niya lang e yung may quizz nga sila. Ayun lang kasi yung sinabi niya dati. Hindi niya nabanggit na wala siyang load. At napangiti ako sa pagisip na naghanap pa siya ng mapagloloadan.

ThrowbackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon