Throwback No.4

10 0 0
                                    

Nalate ako kanina kaya nakatambay ako sa may shed sa school. 7:20 kasi first subject namin 7:40 ako nakarating. Hinihintay ko sila Monic makalabas ng room dahil wala akong kasama dito. Kainis.

"Hello."

"Uhm?" Kilala ko to e. Siya yung lalaking nakapurple na soulmate ni Monic.

"Ate pwede bang makiupo?"

"Bakit? Ang daming vacant na upuan oh."

"Ah ano kase pwede bang makuha number-

"Aless!" Monic/jas

"Katagal nyo naman inugat nako dito e." sabi ko sa kanila nakakainip kaya."

"Ah sige ate una nako ah bye." paalam ni kuyang soulmate ni Monic

"Oy bruha bakit kausap mo si soulmate ko?" Tanong ni Monic na muka pang nagtatampo.

"Magtigil ka Monic napadaan lang kaya yon tas nakikiupo."

"E bakit umalis agad?"

"Hindi ko alam. Umalis nung dumating kayo e." totoo naman.

"Don't tell me may gusto sayo si kuyang purple Aless?" jas

"Ano ba kayo. tantanan nyo nga ako wala ako sa mood late ako. -3-"

"Oo at malelate ka ulit pag hindi kapa tumayo dyan! Algebra na kaya!"

Okay class blah blah blah ....

"Huy" kalabit ko kay Monic.

"Hmm?"

"Napano ka? di ako sanay na tahimik ka e."

"Wala. Medyo masakit lang ulo ko."

"Hoy Monic wag kang umarte dyan hindi bagay sayo." jas

"Hindi ako umaarte no."

"Nako. Ang sabihin mo naiinggit ka kase si Aless kinausap ng soulmate mo samantalang ikaw ni ngitian wala."

"Jas ano kaba wala naman yun sakin e. May tinatanong panga siya hindi ko nalang maalala hindi kasi natuloy." Bulong ko sa kanilang dalawa.

"Gusto ko lang naman kahit ngitian niya ko e huhu." Monic

"Sabi na e type mo din si soulmate mo. hahahahah!"

"Jasmine can you please solve this one on the board? tutal busy kanaman sa kakadaldal dyan ." patay. Ang lakas naman kasi ng pagtawa ni Jas e.

"Sure maam." Confident na sagot ng bruha. nasagutan naman niya yun ng walang kahirap hirap at nakangiti pa pabalik sa upuan namin.

"Jas nakita mo ba mukha ni maam? Mukang napahiya sa pula e. hahaha." Sabi ko sa kanya pero pabulong lang. Ayoko mapasagot sa board bobo ko sa math.

"Yeah. Akala niya siguro shunga ko, ang galing ko kaya sa Math."

"Oo na. Si Aless lang naman hindi pinagpala e."

"E anong maggawa ko?" Tss. kasalanan ko bang hindi ako magaling sa Math? Hindi naman diba?

Past 5 pm nadin kame nakauwi dahil nag overtime prof namin sa t.l.e.

"Pagod nako sumakay na tayo pauwi." suggest ko sa kanila. Pano ang sakit pa ng ulo ko nanaman.

"Oo sige tara." pagsangayon naman nila.

Habang palabas sa school nakita namin si kuyang nakapurple na parang may hinihintay. Bigla siyang ngumiti nung nakita niya ko pero bigla din umalis nung nakitang kasunod ko sila Monic. Problema nun? buti hindi siya napansin nila Monic dahil busyng busy sila sa kakadaldal.

"Sana makita ko si Genesis. Matanggal man lang pagod ko." Sabi ni Jas na umaarte pang pagod na pagod.

"Wish mo." sabi ko naman.

"If i know gusto mo rin naman makasilay kay Luke mo. hmp."

"Hin-di no bakit ko naman gustong sumilay dun?"

"Talaga? Bakit nauutal ka?" usisa pa ni Monic. Pagtulungan daw bako.

"Tigi-tigilan niyo ko masakit ulo ko umuwi nanga tayo!" Umarte pakong nagwalk out para lang tantanan nila ko. Kukulit talaga ng dalawang yon.

Nakauwi naman kaming tatlo ng hindi nagpapatayan. nanahimik nadin yung dalawa habang nasa byahe dahil narin siguro sa pagod.

"Aless anak kaen na tayo."

"Ma sa kwarto napo ako ang sakit kasi ng ulo ko e."

"Dumadalas ata yang pagsakit ng ulo mo. Magdala ka kasi ng payong mainit sa tanghali."

"Opo ma bukas po. Pahinga nako ma." sabay kiniss ko sa cheek si mama.

June 9, 2006

Dear Diary,

Nakakapagod na araw. wala namang kakaibang nangyari except sa palaging pagalis ni kuyang nakapurple pag nakikita sila Monic. Hindi kaya? Uhm. I smell something fishy.

Nagtataka din ako kasi naman napapadalas pagsakit ng ulo ko. Sa init lang siguro or malapit na monthly dalaw ko, siguro nga. O pano tulog nako diary. masakit talaga ulo ko grabe. :(

P.S: wala akong makukwento about kay crush hindi ko kasi siya nakita. Sad nu?

ThrowbackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon