• 2 🎨🎥

Magsimula sa umpisa
                                    

Bago pa man makapagsalita si Win, inunahan na siya ni Bright, "Sorry, next time mag-ingat ka." Suddenly, he felt a stinging sensation on his shoulders that made him felt a little weak.

Napalunok ito, tinapik kasi ni Bright ang kanyang balikat kung saan mayroon itong sugat. Tuluyan na naglakad pataas ng hagdan si Bright. The ghost of the latter's hand left a trail on his shoulder that kept Win wondering why he was feeling this way.

Hindi niya alam kung nanghihina ba siya dahil nahawakan ang kanyang sugat o dahil nahawakan ito ni Bright.

Dahan-dahan ipinatong ni Win ang kanyang kamay sa balikat niya. Huminga ito ng malalim bago tuluyang naglakad pababa upang puntahan ang kanyang mga kaibigan na siguradong kanina pa ito hinihintay.

🎨🎥

win's pov

"Hoy Win, isa nalang talaga kukunin ko na yang sketchpad at pencil mo. Kumain ka muna, drawing nanaman inaatupag mo eh." Pinalo ni Gun ang kamay ko.

Nagulat naman ako noong biglang kinuha ni Zee ang sketchpad ko habang hinablot naman ni Saint ang hawak kong mechanical pencil. Ipinatong naman ni Off ang isang plato sa harap ko, nilagyan niya ito ng kanin at kaunting ulam.

"Ayan, kumain ka muna. Tignan mo oh, pumapayat ka nanaman. Kulang nalang maging buto't balat ka eh," sita rin sa akin ni Saint habang itinaas niya ang isa kong kamay.

Oo nga, pumapayat nanaman ako. Ngayong sinabi ito ni Saint, ngayon ko lang rin ito napansin.

Huminga ako ng malalim, "Binebaby niyo nanaman ako eh. Kaya ko naman sarili ko."

"Bakit? Baby ka naman talaga." Komento ni Off.

Nakita ko namang tinignan ito ng masama ni Gun, "Anong baby, huh?"

Natawa ako, nag-aaway nanaman ang dalawang 'to.

Ngumiti si Off kay Gun, "Ibig kong sabihin, bunso natin si Win. Ano bang nasa loob ng utak mo, ha? Iba iniisip mo eh. Alam mo naman na ikaw lang baby ko." Sinubukan pa nitong halikan si Gun sa ulo nito ngunit umiwas si Gun at inirapan ito.

Nagkatinginan kami nila Saint at Zee at sabay-sabay kaming napailing at mahinang natawa.

"Tama na, kumain na muna tayo. Mamaya na kayo mag-away," Sita ni Zee sa kanila.

"Kaya nga, ngayon na nga lang tayo magkakakasama eh," Pahabol na komento ni Saint.

Ngayong araw lang kasi kami nagkaroon ng vacant na sabay-sabay. Madalas kasi ay hindi nagtutugma schedule namin kaya bihira lang rin kami magkita.

Kaibigan ko na nga pala si Gun mula nursery pa lamang kami, habang si Saint ay naging kaibigan naman namin noong high school kami. Si Off at Zee? Mga boyfriend nilang nakilala nila noong high school sila.

At oo, pinapaligiran ako ng mga magjowa. Ako nalang ang single sa amin.

Bumusangot naman ako nang mapagtanto kong itinago nanaman nila ang art mats ko, "Uyy, akin na sketchpad ko, ayan na nga lang kasama ko palagi, nilalayo niyo pa sa akin eh."

"Nah-uh, hindi pwede, kumain ka muna bago namin ibigay 'to." Itinaas ni Saint ang sketchpad ko.

"Basta ibalik niyo ha," I gave up, alam ko namang hindi nila ito maibabalik hangga't gawin ko ang gusto nila. Tumango sila ng sabay-sabay.

Nagsimula na kaming kumain, tahimik ko lang silang pinapanood at pinapakinggan habang nagkekwento sila tungkol sa mga nangyari sa kanila for the past few weeks.

Tahimik lang akong nakikinig hanggang sa biglang napunta sa akin ang atensyon nilang lahat, "Oh ikaw, kamusta buhay, ano balita?" Tanong sa akin ni Gun.

I smiled hesitantly, "Wala namang bago. Aral at gawa ng commissions lang naman inaatupag ko." They looked at me disappointedly, like they were already expecting and tired of what i said.

"Sigurado ka? Sa bahay niyo ba, ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Zee sa akin.

Of course, I had to be honest, "Hindi."

"Matagal ko na sinasabi sayo na lumipat ka na sa condo ko, tutal malaki naman space ng condo ko eh." Sabi ni Gun sa akin.

Umiling ako, "Hindi, ayos lang ako. Alam mo naman na 'di ko rin maiwan-iwan ang bahay nami—"

Suddenly, Off dropped the bomb, "Kahit minamaltrato ka?"

Natahimik kaming lahat. I looked down and slowly nodded, ". . . M-Mhm, kahit minamaltrato ako."

Sabay-sabay silang napabuntong hininga at napailing dahil sa halo-halong emosyon.

"Basta alam mo naman na pwede mo kaming tawagan kahit anong oras kapag kailangan mo ng tulong." Banggit ni Saint.

"Mhm, salamat sa inyo ah. Alam niyo naman na hindi ako masyadong dumedepende sa inyo kaya hindi ko matanggap mga tulong niyo."

"Ayos lang, ano ka ba. Basta alam mong andito kami, sapat na 'yon." Sabi naman ni Gun.

Ngumiti ako, "Balang araw matatanggap at mababalik ko rin mga tulong niyo."

🎨🎥

note

medyo angsty pala 'to, jusko, dibale we'll get to the fluff part soOooN 😂

anyways, i added OffGun and ZaintSee/SaintZee (yes, switch 😗) as side ships!! they're from Theory of Love and Why R U kung 'di niyo pa napapanood hahaha

favorite subject • brightwinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon