"But--"

"Stop now or regret forever?"

"Caleb, I love you" umiiyak na sabi nito

"I don't love you. Get lost" sagot nito rito

Umiiling iling ito at umiiyak na tumakbo palabas pero parang wala lang ito sa binata.
"Get out hansford"

I walk slowly with a smile on my lips.
"Nice show Wu. Impressive" sabi ko habang pumapalakpak pa.

Dumilim ang ekspresyon ng mukha nito at mabilis akong nilapitan. Pwersahan ako nitong hinila at sinandal sa katawan ng puno habang hawak ang leeg ko. I smirk

"Relax Wu, hindi ako pumunta dito para paki alam sa buhay pag ibig mo sa katunayan nga pumunta ako rito para pumayag sa gusto mo" sabi ko rito. Muli, isa nanamang mapag larong ngiti ang gumuhit sa labi nito at umatras mula sa pagkakalapit saakin.

Nilagay nito ang dalawang kamay sa bulsa ng suot nitong Jacket
"Napag isipan mo na ba?"

"Yeah. That"s why I'm here" sagot ko rito

"Wise choice Hansford" he smirk.

"Oh by the way I am going to give this back to you" at ini abot ko rito ang naka balot sa puting telang dagger nito

Tinanggap naman nito ang ibinigay ko. Tumalikod na ito at naglakad papasok sa bahay nito so I decide to turn around too. Malapit na ako sa bakod nito ng isang dagger nanaman ang bumaon sa punong malapit saakin.

Sa pangalawang pagkakataon binato nanaman ako nito ng hawak nitong dagger. Nagiging hobby na rin siguro nito ang batohin ako ng dagger. Napa taas ang kilay ko at nilingon ito. Naka sandal ito sa dingding malapit sa pinto ng bahay nito at naka tingin saakin.

"That's my symbol so keep it" sabi nito at saka ito pumasok na sa loob.

Binunot ko ang dagger nito at dahan dahang tinalon ang medyo may kataasang bakod ng bahay nito. Maingat ang bawat pag hakbang na ginagawa ko para di maka gawa ng kahit na anong ingay.

Malapit na ako sa dormitoryo ng tatlong sunod sunod na putok ng baril ang umalingawngaw mula sa bahay nito. Nagulat ako sa nangyari. Kinakabahan kong nilingon ang bahay nito na sobrang dilim na dahil naka patay na lahat ng ilaw.

Maya maya pa nagsisilabasan na ang mga naistorbong studyante at guro kaya mabilis akong nagtago sa madilim na sulok. Halatang halata sa itsura nito ang pag mamadali dahil naka suot pa ito ng pang tulog, gulo gulo ang buhok at ang iba naman ay naka paa pa

Nakita ko rin kung paano pigilin ng mga guro ang mga studyante sa balak na puntahan ang lugar na pinangyarihan.

Dahan dahan akong naglakad pabalik at maingat na tumalon uli sa bakod nito. Nilingon ko muna ang mga nagkukumpulang studyante at ng masiguro kong wala saaking nakakita isinuot ko ang hood ng aking jacket at mabilis na tumakbo papasok sa bahay nito

Madilim, madilim ang bahay nito pagpasok ko kaya dahan dahan ang ginawa kong pag hakbang. Maingat kong kinapan ang bahagi kung saan sigurado akong naro'n ang switch ng ilaw. Akmang i o-on ko na ito ng maka rinig ako ng mga tunog na animoy nababasag na salamin na nang gagaling sa isa sa mga silid nito.

Mabilis ko itong pinuntahan at pinakiramdaman ang tao sa loob. Nasa pito hanggang walo ang tao rito maliban pa sa taong pakay ng mga ito.

Malakas kong sinipa ang pinto nito at tumbad saakin ang isang taong napapalibutan ng mga naka itim na lalaki na puros may takip ang mga mukha. Lumakas lalo ang kaba sa dibdib ko ng makitang may bakas na ng pulang likido ang puting jacket nito sa bandang kanang tagiliran.

Sa ginawa ko naagaw ko ang atensyon ng lahat at nakita ko rin kung paano kumunot ang noo nito ng makita ako. Kinapa ko ang dagger na ibinato nito saakin kanina at ibinato rin sa taong malapit saakin. Sumugod saakin ang ilan sa mga ito kaya wala na akong ibang nagawa kundi ang labanan sila

Like the techniques that mama taught me diniinan ko ang isang bahagi ng leeg nito kung saan magdudulot ito ng pansamantalang pagkawala ng malay tao nito at paulit ulit ko iyong ginawa hanggang sa isa na lang ang natira dahil naubos na.

Wala na ang takip nito sa mukha kaya makikita rito ang ekspresyon ng mukha. Balisa na rin ito at nakikita na rin sa mukha ang takot at pangamba lalo pa ng hugutin ni Caleb ang katana na malapit sa kinatatayuan nito.

Paatras ito ng paatras at naghahanap ng tyempo para maka takas. Akmang tatakbo na ito papunta sa pinto ng kusa itong bumukas at iniluwa si Vincent na may hawak ring dagger.

Lalong namutla ang lalaki at ng wala na talagang matatakasan kusa itong lumuhod sa harap ni Caleb. Ngunit malakas nitong sinipa ang lalaki sa dibdib at marahas na hinila ang suot na damit at ng napunit ito tumumbad saamin ang tattoo nito na hugis cobra.

Sabay na napa palatak ang dalawa sa nakita. A snake symbol. Ito ang simbolo ng grupong kumakalaban sa Wu mafia ngunit ang istilo ng paglaban nito ay patalikod dahil simula pa lang alam na nito na hindi sila mananalo

"Tell your boss to hire more dexterous assasins to kill me" ani nito at tinusok muna ng katana nito ang kamay ng lalaki bago ito pinatakas.  Humihiyaw itong tumakbo palabas.

Ng wala na ang lalaki napa dausdos ito paupo sa sahig. Mabilis namin itong nilapitan at ng akma ko ng iaangat ang suot nitong jacket ng tapikin nito ang kamay ko. I stare him sharply at ipinagpatuloy ang pag angat sa jacket nito

Nakita ko ang malalim na iniinda nitong sugat ngunit mas kapansin pansin ang  kulay berdeng kemikal na humahalo sa dugo nito

I curse. Pati si Vincent ay nataranta rin ng makita ang kalagayan nito kaya mabilis nitong pinasan ang wala ng malay na kaibigan kaya Itinuro ko rito ang daan patungo sa lugar kung saan sigurado akong may lunas sa lason na sana katawan nito

Wu University: Caleb WuWhere stories live. Discover now