Forty

4.7K 72 1
                                    

"Maligo ka na." Sabi ko at nilapitan agad si Renz na tamad na tamad lang na nakahiga sa kama. Naka-shorts lang siya at walang saplot sa itaas dahil kakatapos lang namin maligo sa dagat.

Pagkatapos kasing maligo ay dumiretso ako agad sa banyo at naglock ng pinto. Sinadya ko yun para hindi kami magsabay ni Renz. Ayoko may kung ano pang mangyari no! Baka hindi na kami lumabas ng room kapag ganoon.

"Renz!" Pagod kong saway sa kanya dahil hindi man lang siya gumalaw. Kanina pa siya nakahiga lang at parang nagtatampo sa ginawa ko.

"Bahala ka!"

Iniwan ko siya don at nag-ayos na lang. Ihahatid pa namin ang parents niya at iilang kamag-anak, pati na rin si Bianca at Jeff. Pauwi na sila ng Maynila at maiiwan kami ni Renz dito ng siguro mga tatlong araw pa.

Nasa isang resort kami sa La Union, family friend nila Renz ang may-ari at hindi pa ito inoopen sa public. Matalik na magkaibigan ang kanilang mga ama kaya ngayong kaarawan ni Renz ay dito pinili na magcelebrate. Maganda ang beach, pinong buhangin, malinaw ang tubig at napakaganda ng mga tanawin. Kasalukuyan pa nga lang ginagawa ang ilang villa. Pero sigurado ako kapag binuksan na ito sa publiko ay magiging sikat ito sa turista. Maganda ang resort at may magandang plano ang may-ari.

Hindi ko naman alam kay Renz bakit niya napili na dito. Akala ko pipiliin niyang maging pribado lalo at hindi lang kaarawan niya ang sinecelebrate kundi pati ang anniversary namin. Yes, after one year, kami pa rin!

"Renz, sasama na lang ako rin ako sa kanila kung ganito—" tamad siyang tumayo sa sinabi ko.

"Ito na nga eh."

Tumayo siya at dumiretso na sa banyo habang nagpatuloy ako sa harap ng salamin.

Hindi ko naman maisip na sa pangatlong araw na namin dito at sa araw pa talaga ng birthday ni Renz at anniversary namin ay saka uuwi ang mga sinama namin dito. Sinama ni Renz ang parents niya na matagal na naman akong naipakilala at suportado nila ang relasyon namin. Pati ang iilang pinsan ni Renz, na yung iba ay may anak na kaya naging masigla ang ilang araw namin dito. Sinama ko naman si Bianca at syempre si Jeff. Sobrang thankful ako kay Bianca dahil siya ang pinaka-nakakaalam ng lahat at sa mga tulong niya, umabot kami sa puntong ganito.

Pinipilit ko ngang sabay na lang kami umuwi pero sasabay na raw sila ngayon. Kaya kami talaga ang maiiwan.

Okay lang naman maiwan. Maganda rin na masolo namin ang resort kahit pa tatlong araw na kami dito ay hindi pa namin lahat napuntahan. Kung pwede nga ay gumawa kami ni Renz ng milagro sa beach. Huh? Ano ba itong naiisip ko.

Sakto naman ang paglabas ni Renz na mayabang na naglakad habang nakahubad. Laglag ang panga ko sa nakita. Kahit noong nag-iwas na ako ng tingin at humarap na lang sa salamin ay kita ko sa repleksyon ang katawan niya na nakatalikod. Ang ganda ng pwet!

Parang gusto ko na lang magkulong sa kwarto bigla at hayaan na lang ang mga gusto umuwi. Sila naman ang may gusto umuwi at hindi kami. Bahala sila!

Napa-iwas ako ng tingin kay Renz nang bigla siyang humarap. Bumalik na lang ako sa ginagawa kong pag-aayos.

Pero talaga atang sinusubok ni Renz ang pasensya ko. Lumalapit lapit na rin kasi siya! Tapos na siyang maligo at nag-aayos ng kung anu-ano pero hindi nagbibihis ng kahit ano. Kahit underwear o boxer wala talaga!

"Magbihis ka nga! Maya may pumasok dito eh." Sabi ko na lang at inirapan siya. Kinakalma na ang sarili. Mukhang sinasadya niya ito dahil hindi ko siya napagbigyan sa cr kanina.

Hindi niya ako pinansin at tuluyang nahiga sa kama. Akala mo nakahiga sa sun lounger at nakahiga pa siya sa mga braso niya, relax na relax habang nakahapag ang katawan niya. Tiningnan ko ang mukha niya at nakita kong nakapikit siya.

One Night Is EnoughOnde as histórias ganham vida. Descobre agora