27

2.3K 65 2
                                    

Deanna's POV

'Tandaan niyo tumatama lang si cupido ng mga puso pero nasasaiyo ang desisyong kung susundin niyo ito'

Isa yan sa sinabi ni Kuya Yohan na natamaan ako

Posible nga ba na meron kaming chance kung mag take risk ako

Minsan napapa-isip rin ako eh

"Oh mukhang tahimik yang tatlo diyan ah, mukhang natamaan sa sinabi ni Kuya Yohan" sabi ni Ate Ly

Totoo naman na natamaan kami, eh sa aming tatlo wala pang kayang umamin ng nararamdaman sa napupusuan namin eh

May mga problema kasi na humahadlang eh, ako nasabi ko na kay dad that I like girls and okay sila duon pero ang problema eh pano kung Jema don't have the same feelings that I have

Masisira friendship namin at baka madamay pa si Bea, mas lalong masisisra

Si Bea naman, problema niya ay yung babaeng nabuntis niya, si Jessie

Tapos itong si Maddie ang problema ay hindi siya tanggap ng parents niya

Oh diba? Ang gagaganda ng mga problema na nasasaksihan namin

"Huy, care to share, kanina pa kayo tulala diyan? Baka mas mahaba pa sa traffic dito sa EDSA ang iniisip niyo" sabi ni Ate Gretch

"Eh ate naman, gusto ko mag take risk na mag amin kay Jho pero yung nabuntis ko? Papaano?" Sabi ni Bea at sinabunutan ang sarili niya

"Eh ako naman mga ate? Gusto kong umamin kay Ponggay, pero nililigawan siya ni Kobe tapos hindi ko alam kung bi siya tapos hindi pa ako tanggap ng parents ko" sabi ni Maddie

"Eh ikaw Deanna? Share mo na" sabi ni Ate Ly

"I'm confused sa feelings ko towards Jema" sabi ko at nagulat sila

Maybe they didn't expect it

"I thought it was just a normal crush thingy pero everyday mas lumalalim" sabi ko then sighed

"Kaya pala iniwasan kanina eh" sabi ni Ate Amy

"I want to take risk pero baka masira friendship namin at baka madamay itong si Bea tapos masisira yung friendship naming tatlo" sabi ko

"Makinig kayong tatlo there's nothing wrong with taking risk, atleast you tried kaysa naman sa you didn't take risk tapos you'll regret na hindi mo yun ginawa, mas masakit sa puso yung hindi mo ginawa kasi in the future, masasabi mo lang sa sarili mo na, sana ginawa ko to sana ginawa ko yan, pano kaya kung ganito pano kaya kung ganyan" sabi ni Ate Ly at natahimik kami

"Don't be afraid to get hurt, it's part of loving, pero malay niyo mutual yung feelings diba? Tapos kayo rin yung itinadhana para sa isa't isa, edi jackpot ka na, kung hindi man, atleast you tried and you will never have regrets in the future" sabi ni Ate Amy

"Maniwala kayo sa amin, based on experience yan, tested and proven, tingnan niyo nga kami, ang nakatuluyan namin sa huli ay yung bestfriend namin baka kayo, ganun rin" sabi ni Ate Gretch habang tinataas baba ang kilay

"Sana" sabay naming sabi

"Just go with the flow" sabi ni dad

"Oh ano, drive-thru nalang para ma lighten naman yung mood?" Sabi ni dad at tumango kami

"Sabihan ko lang si Jho na wag nang magluto kasi bibili nalang ng dinner" sabi ni Bea

"Gusto mo lang makausap si Jho eh, sabihin mo na ng deretso mahiya ka pa" natatawang sabi ni Ate Ly

"Ate Ly naman eh" sabi ni Bea at nag pout

"Ew De Leon, stop it mukha kang pato" baraw ko at binatukan niya ako

"Aba, eh kung sasabihin ko kaya kay Jema" banta niya

"Eh kung sasabihin ko kaya kay Jho na isa sa bestfriend mo na nakabuntis ka, I'm sure hindi niya pa alam" sabi ko

"Eh eto naman hindi mabiro" sabi ni Bea at nagtawanan lang kami

"Kayo talaga, sige na anong order niyo, malapit na tayo sa Mcdo" sabi ni dad

At sinabi naman namin ang order namin, chicken with rice, fries, mcflurry at coke float, lahat kami iisa lang ang order para patas

------------------------------------
Ey guys, short update muna

ImpossibleWhere stories live. Discover now