1

4K 100 3
                                    

Deanna's POV

Next week na ang pasukan at pinapatawag ako ng Dean ng school dahil may problema raw sa papeles na ipinasa ng dati kong eskwelahan

"Deanns Santiago, the Dean is waiting for you" sabi nung secretary at pumasok na ako sa office ni Dean

"G-good morning Dean" sabi ko at napako ang tigin ko sa nameplate na meron ang table niya

'Nicole Wong' familiar

"Maupo ka Ms. Santiago" malamig niyang sabi

"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa, hindi ka pwede pumasok sa eskwelahang ito, wala kang NSO at yun ay ang unang requirements na kailangan" sabi niya

"P-po? Hindi ko po alam, si Inay po kasi-"

"Manahimik ka, paano ka naging varsity sa inyong eskwelahan kung wala kang NSO? Ay hindi pala, bakit ka nakaaral ng walang NSO?" sabi niya

"Dean, sorry pero wala talaga akong alam sa sinasabi niyo? Si inay ang umasikaso ng lahat simula ng bata pa ako" sabi ko

"Sige, dahil magaling ka rin namang mag volleyball, iinterbyuhin nalang kita, kapag may hindi ka nasagot, hindi ka makakapasok ng eskwelahan namin" sabi niya

Eskwelahan nila?

"Oo Ms. Santiago, tama ang iniisip mo, kaming mga Wong ang nagmamayari ng ADMU" malamig niyang saad

Napako ang tingin ko sa kanyang mga mata, wala akong emosyong nakikita

Nasagot ko naman lahat ng tinatanong niya

"Last 2 questions Ms. Santiago" malamig parin niyang saad

"Sino ang iyong tatay?" Tanong niya

"Wala po, hindi ko po siya kilala, sabi ni inay wala na raw po siya" sabi ko at tumango siya

"Sino ang iyong nanay?" Tanong niya

"Marie Santiago po" sabi ko at na shock si Dean

"M-marie Santiago? Sigurado ka?" Nauutal niyang tanong

"Yes Dean, bakit po?"

"W-wala, sige pasok ka na sa eskwelahang ito, pwede pa favor Ms. Santiago" sabi niya at tumango ako

"Pakisabi sa nanay mo, dumating na yung araw na pinakaayaw niya" sabi niya at ngumiti ng kakaiba

Luh siya? Kanina sobra ka attitude ang pakikitungo sakin, tapos ngayon lumambot?

Simula nung sinabi ko ang pangalan ni inay, mas bumait siya sa akin, siguro magkakakilala sila ni inay kaya ganun

"Sige po Dean, una na ako" paalam ko at lumabas na

"Magiingat ka Deans" nakangiti niyang sabi

Luhh? Kanina Ms. Santiago ang tawag sakin, ngayon Deans na? Ang Bipolar nung Dean

Lumabas na ako ng office ng may nakabangga sakin

Na out of balance ako at natumba

"Hala, sorry po" paumanhin nung babae

"Okay lang, ano ba, ako nga dapat mag sorry eh, ako yung nakabangga" sabi ko

"Hindi ah, ako yun, sorry" sabi niya ulit at ngumiti

Hala nag smile siya, ang cute niya naman, lord anghel ba to

"Wag masyadong tumingin baka matunaw ako" pagmamayabang niya

"Asa ka naman" pambaraw ko sa kanya at nag pout siya

Saktong lumabas yung Dean

"Oh Jema, bat ka andito?" Tanong niya

Magkakilala sila? Siguro dito rin yan nag-aaral

"Ah may ibabalita sana ako ate Nics eh" sabi nung Jema

Ahhh ate niya pala, hindi sila magkamukha ah

"Sige po, una na ako baka hinahanap na ako ni inay" paalam ko sa kanila at tuluyan ng umalis
-------------------

ImpossibleWhere stories live. Discover now