Prologue

8.8K 105 1
                                    

Deanna's POV

"Ahhhhhhhhh" sigaw ko at napabangon ako, andyan nanaman yung panaginip ko, ilang years ko na rin itong napapanaginipan

Nakita ko naman ang pagpasok ng tiyo ko, si tito Yohan

"Deans gising ka na pala, may maganda akong balita para sa iyo" nakangiti niyang sabi

"Ano po yun tito?" Tanong ko

"Natanggap ka bilang scholar sa ADMU" nakangiti niyang sabi at nagtalon talon ako

Pangarap ko talagang makapasok sa ADMU simula nung elementarya ako kaso sabi ni inay ay kung duon ako aaral, dagdag lang iyon sa bayarin

"Mukhang matutuwa dito si inay, nasaan po siya tito?" Tanong ko

"Andun kela Gij, nagsusugal" sabi ni tiyo, nagiba rin ang ekspresyon ng mukha niya

"Sige pupuntahan ko lang po, sasabihin ko na natanggap ako" masaya kong sabi

Tumakbo ako palabas ng bahay namin, maliit lang ito pero kasya namin kami ni inay at tito

May sinasabi si tito pero hindi ko na yun marinig dahil nasa labas na ako ng bahay namin

Pumunta ako kanila Ate Gij at nadatnan ko si inay na nagsusugal habang umiinom ng alak

"Inay, natanggap ako sa Ateneo" masaya kong bungad at nagulat siya

"Congrats Deans" sabi ni Ate Gij at Kuya Joh

"Salamat po Ate at Kuya"

"Hindi ka papasok sa Ateneo" tumayo si inay at tinapon ang bote ng alak na hawak niya

"P-pero nay-"

"Hindi, hindi ka pupunta duon" aakma na susuntukin ako ni inay ng dumating si tito Yohan

"Mas mabuti ng pumunta siya duon, at makita yung taong kinamuuhian mo kay sa na saktan mo siya rito" malamig na sabi ni tito at hinawakan si inay sa braso

"Yohan, bitawan ko ako kundi sasaktan ko yang pamangkin mo"

"Subukan mo, sasabihin ko sa kanya ang totoo" banta ni Tito Yohan

Anong totoo? Baka tungkol sa mga patagong pagsusugal ni inay ang tinutukoy ni tiyo

Natigilan naman si inay at pumasok nalang sa bahay namin

"Mag volleyball ka Deans para sa dorm ka na muna tutuloy, tutal scholar ka naman, kokonti nalang ang magagastos natin" sabi ni tito

"Pero tito Yohan, si inay, magagalit" sabi ko

"Ito na ata yung tamang oras para suwayin mo ang nanay mo at mag explore ka, hanapin mo yung totoong ikaw" mukhang double meaning yung sinabi ni tito kaso hindi ko ma gets ng kaunti

"Sige po tito, pero sa mga gagamitin ko po sa school, wala po akong pambili"

"Ako na gagawa ng paraan, at Gij, Joh samahan niyo ito bukas magbili ng mga gagamitin niya" utos ni Tito Yohan at umalis na

"Eyyy, Goodluck sa college life Deans" sabi ni Kuya Joh

"Be safe always and magiingat ka ha" dagdag ni Ate Gij

"Opo ate pati kuya" nakangiti kong sabi

"Wala na bitaw ang nanay mo, tara nood tayo TV sa sala namin" alok niya

Walang TV sa bahay namin kaya kung gusto kong manood ng UAAP Volleyball ay nakikinood nalang ako kanila Ate Gij

Parte rin ako ng varsity sa dati kong school, public lang ito, you read it right, dati kong school dahil ngayon Ateneo na ang school ko, pero hindi ko rin naman makakalimutan ng Vilo National high school (VNHS)

Nanood nalang kami ng recap ng volleyball sea games women division, may youtube kasi sa TV nila ate, may kaya ang pamilya nila, at kahit ganun sila never nila kaming tinrato na parang iba

Nagagalit rin nga sila kung susutukin o bubugbugin ako ni inay, sanay na rin man ako, simula nung 7 years old ako ay binubugbog na ako ni inay, sila kuya, ate at tito lang ang tagapagtanggol ko

Minsan iniisip ko kung anak niya ba talaga ako dahil ang pagkakaalam ko ay hindi kaya ng isang magulang na makitang nasasaktan ang kanyang anak

Siguro mayroon lang dahilan si inay kung 'bat niya iyon ginagawa at pinagpatuloy

Nagtataka lang ako, wala akong naalala na nag tumbang preso o patintero ako nung bata pa ako, ni hindi ko nga alam itsura ko nuong bata pa ako eh

Hindi ko rin kilala kung sino ang aking itay, sabi ni inay ay wala na raw si itay

"Hay nako Deans, kanina pa kami nagsasalita, tulaley ka nanaman diyan" agaw atensyon ni Kuya Joh..


---------------
Eyyyy we are backkkk, thanks for tuning in and, hope you will like this another Gawong story:)

ImpossibleWhere stories live. Discover now